Nasa garden kami ngayon na tatlo at ang sarap at fresh ng samyo ng hangin. Nakaupo ako sa isang garden seat habang si Kieran ay buhat si Harith at naglalaro silang dalawa malapit sa may pool. Nakikita kong nilublob niya ang paa ni baby sa tubig at narinig ko ang hagikgik nito sa aking pwesto. Napapangiti na lang ako habang pinapanood ko silang dalawa. Para na talaga silang mag-ama, at kung pagdidikitin talaga ang mukha nila, magkamukha sila ni Harith. Kinatutuwa ko naman ito dahil kay Kieran siya magmamana ng kagwapuhan at charm at hindi sa kanyang ama na ni minsan ay hindi man lang siya nilambing. Maya-maya, narinig ko ang pagkanta ni Kieran habang nakayakap sa kanya si baby. Lumakad siya pabalik sa akin at nakita kong nakapikit na ang mga mata ni Harith. “Oh, mommy, tulog na si baby…”

