Angela’s POV Galit na galit na lumabas ako ng aming bahay matapos niyang malaman ang tunay na nangyari sa kanyang ina. Hindi naman pala gano’n kalala ang kanyang sitwasyon, nadulas lang ito at nagkaroon ng aprain sa kanyang hips. Ang sabi ng doctor ay hindi naman ito life threatening, pero ang bwisit kong kapatid, pinalabas niya na parang delikado ang buhay ng aming ina. Bwisit! Bwisit! Pumunta pa talaga ako rito para kumustahin at maalagaan siya. Kung may nag-alaga man sa akin at tumanggap nang mabuntis ako, ang aking ina ‘yon. Hindi niya ako pinilit sa mga gusto kong gawin at sinuportahan rin niya ako nang makasal kami ni Kieran. Kaya nga sobra ang pag-aalala ko sa kanya. Kaya ako agad na umuwi! Pero ang bwisit na kapatid ko, niloko lang pala ako! Alam ko kung ano na naman ang kailang

