Bumaba na rin ako sa kama at sinuot ko ang aking robe habang naliligo na si Kieran sa bathroom. Gusto ko sanang sumabay sa kanya pero baka may mangyari na naman ulit at matagalan pa kami sa loob. Lumakad ako palabas ng aming kwarto at pinuntahan na ang aking anak sa kabilang kwarto. Pumasok muna ako a maliit na banyo para hugasan ng aking sarili at gawin na rin ang routine ko sa umaga. Nang lapitan ko na ang crip, bahagya akong nagulat nang makitang gising na gising na si Harith. Pero hindi naman ito umiiyak at hawak nito ang isa sa kanyang stuff toy. “Good morning, baby…” malambing kong bati sa kanya at hinaplos ko ang kanyang ulo. “Gising ka na pala. Parang big boy ka na kasi di ka na umiiyak.” ngumiti ako. “Sana hindi mo narinig si Mama sa ingay niya.” nahihiya kong sabi tapos ay kinar

