Buong paghanga ko na tinitignan ang aking father-in-law. Kasalukuyan niya ksing pinapalitan ng diaper ang aming baby at wala man lang itong arte na ginagawa ito. Nagising si Harith pagkatapos kong magising sa isang napakasamang panaginip ko. Matapos niya akong kunan ng tubig, siya na ang nag-volunteer na magpapalit ng diaper nito. Isang bagay na hindi nagagawa noon ng aking asawa. Naisip na naman niya ang sitwasyon nila noon ni Liam. Maganda naman ang pagsasama namin matapos naming ikasal. Gaya siya ng dating Liam noong magkasintahan pa lang kami. Sweet, romantic at dedicated sa kanyang trabaho. Kaya ko nga siya nagustuhan at kaya ako pumayag na magpakasal sa kanya. Pero nang mabuntis ako, parang nag-iisa na lang ako sa aming marriage. Idagdag pa na nawalan na siya ng trabaho dahil nakaa

