Aubrey's Pov Nang ibalita ko kay Mom at Dad ang pagkawala ng aking tatlong anak ay bumalik sila agad-agad ng Pilipinas. Hindi na nila tinapos ang seminar na dadaluhan sana nila sa America. Kinabukasan ay dumating agad sila. Maging ang magulang ni Kurt na nasa Canada ay lumipad agad papuntang Pinas. "Anak kumain ka kahit kaunti lang. Matulog ka rin pagkatapos. Manghihina ang katawan mo. Kailangan mong maging malakas. Hahanapin pa natin ang mga anak mo hindi ba?" sabi ni Mommy. Nasa loob kami ng kwarto sila Mom, Dad, Mommy Jane at Dad Danny ay nandoon din sa loob. "Mom, paano po ang mga anak ko. Hindi ko kayang kumain hanggat hindi ko nalalaman kung kumain na ba ang mga anak ko. Baka nagugutom sila. Pinakain na kaya sila ni Kirk? May maayos ba silang tutulugan. Nakatulog ba sila ng maayos

