bc

A life with an old man

book_age0+
1.4K
FOLLOW
10.1K
READ
second chance
5 Seconds of Summer
like
intro-logo
Blurb

Book 2 of I married an old man

Nag-simula na ang aming together forever. Mapanindigan kaya namin ito hanggang sa huli?

Sabi nila ang love ang pundasyon ng matibay na pagsasama ng mag-asawa.

Paano kung ang pagmamahal na 'yon ay unti-unting lamunin ng hinala, selos, walang tiwala matatawag pa ba itong pagmamahal?

Paano kung maging issue ang edad sa pagsasama namin? Ano ang pwedeng mangyari.

Ang sampung taong agwat namin sa isa't isa ay kabaliktaran ng dikit ng aming mga puso.

May isang taong pilit akong inilalayo sa aking asawa. Sinisira ang aming pagsasama.

Kanino ako maniniwala? Sa mga sabi-sabi o sa mismong nakikita ng aking mga mata o sa aking asawa?

chap-preview
Free preview
Chapter 1 - TWINS
Alas dos na ng madaling araw pero aligaga pa rin si Aubrey. Hindi s'ya makatulog dahil sa pakiramdam na sobrang init. Itinutok n'ya sa kanya ang electricfan na gamit. "Paikutin mo 'yang electricfan. Papasukin ka ng lamig," sabi ni Kurt sa kanyang asawa. "Sobrang init kaya. Pati ang kambal naiinitan ata galaw nang galaw 'e," reklamo ni Aubrey sa asawa. "Huwag matigas ang ulo. Isang linggo pa bago lumabas ang kambal. Baka dahil diyan sa pagtutok ng electrifan 'e mapaanak ka nang wala sa oras sige ka ikaw rin." Agad namang hinampas ni Aubrey si Kurt sa banta nito. "Oo na papaikutin na po. Happy?" Niyakap na siyang muli ni Kurt mula sa kanyang likuran at hinimas ang kanyang bilog na bilog na tiyan. Bumalik na rin ulit ito sa mahimbing na pagtulog. Hindi pa rin makatulog si Aubrey sa panibagong pakiramdam. Para siyang iniihaw ng buhay sa sobrang init. Naramdaman n'ya ang tawag ng kalikasan. Pumunta siya sa banyo at umupo sa inidoro. Hindi niya malaman kung naiihi ba s'ya o hindi. Tumayo na s'ya nang hindi man lang umiihi. "Ano bang nangyayari sa 'tin? Okay lang ba kayo ha kambal?" usap n'ya sa bilugan n'yang tiyan. Lalabas na sana sya ng banyo nang maramdaman na naman n'yang para s'yang kinikiliti sa kanyang ibabang parte. Kaya't pumasok na naman siya sa banyo at sa oras na ito ay naihi na s'ya. Hindi na s'ya nagulat nang may bahid ng dugo ang kanyang ibabang panloob. Noong nakaraang buwan kasi ay nag-spotting na s'ya. Akala nga n'ya ay manganganak na siya. Pero sabi ng doctor ay normal lang ito lalo na at kambal ang kanyang dinadala. Pagkalabas n'ya sa banyo ay dumiretso siya sa mini-ref na nasa kanilang kwarto at kumuha ng malamig na inumin. Nakita niya pa ang natirang chocolate na kinain n'ya noong isang araw kinuha n'ya ito at sinimulang kainin. Mabuti nga't hindi siya tumaba gaya ng ibang nagbubuntis. Napupunta ata lahat ng kinakain niya sa kambal. Naupo siya sa gilid ng kama habang hawak sa isang kamay ang basong may tubig at sa isang kamay naman ay tsokolate. Naubos na niya ang tsokolate pero hindi pa siya nakuntento isinubo n'ya pa ang kanyang mga daliri para masimot iyon. Nang matapos n'ya itong gawin dumighay pa siya nang napakalakas. "Solve!" sabi niya. At nag simula na ulit siyang kumuha ng tubig sa loob ng mini-ref ng may marinig siyang pumutok sa loob ng kanyang katawan at nagsimulang umagos ang kanyang panubigan. "TANDA!! Manganganak na ata ako. Hoy gumising ka diyan!!" sigaw n'ya sabay hawak sa kanyang balakang at tiyan. "Ayy buntis na kabayo!" Gulat na sabi ni Kurt. "Kabayo ha? Mukha ba kong kabayo? Eh kung kabayuhin ko kaya 'yang mukha mo. Dalian mo at dalhin mo na kami sa ospital lalabas na ang kambal." Mahinahon pa nitong sabi. Lumapit si Kurt sa kanyang asawa at kinuha ang ready to go bag pati na rin ang susi ng kotse. "Kita mo na? Nagdilang anghel ako. Tapos kumain ka pa ng tsokolate paanong hindi magmamadaling lumabas y'ang kambal natin 'e pampa-hyper 'yon. Akala mo hindi ko alam ang pinaggagawa mo 'a," sermon nito sa asawa. "Hoy mag mamaneho ka na ba o dadada ka pa? 'E, ano naman ngayon kung lalabas na ang kambal? Kung magalit ka diyan akala mo ikaw ang mahihirapang umiri hindi naman 'di ba? Kaya go! Paandarin mo na ang sasakyan! Dahil palala nang palala ang sakit ng tiyan ko. Baka matadyakan kita gaya nang sinasabi mong kabayo," sabi ni Aubrey. "Bilisan mo ngang magmaneho. Baka 'di na ko umabot sa ospital..." dagdag pa nito at makikita sa mukha nito ang sakit. "Huwag ka ngang sumigaw. Natataranta ako 'e. P'wede ba huminahon ka? s**t!! Paubos na ang gas." Natatarantang si Kurt. "Hinahon your face! 'E, kung ikaw kaya dito? Napaka-unfair naman talaga ng buhay 'o. Bakit hindi na lang kasi lalaki ang mag buntis 'e. Babies, kapag nakalabas kayo pakisampal sa magkabilang pisngi 'yang tatay n'yo ha? Ano dadaan pa ba tayo sa gasoline station? Bilisan mo na!!!" Dumaan nga sila sa isang gasoline station. Nagtatawanan pa ang mga crew nito dahil sa naririnig nilang pagtili ni Aubrey sa loob ng sasakyan. "Ang sakit!! Bilisan mo na tanda! Hindi diyan ang daan, gago! Kakaliwa ka sa kanto hindi sa kanan. Ano ba? Pupunta ba tayong ospital? O mag ro-road trip? Sabihin mo lang," inis na sabi ni Aubrey. Wala na rin kasi sa wisyo ang pag iisip ni Kurt. Sino ba namang hindi matataranta sa sigaw ng asawa sa sobrang sakit. "Sa-sabi ko nga kaliwa." Nakarating na sila sa ospital at dali-daling inilagay si Aubrey sa stretcher at dinala sa loob ng labor room. Kasama na rin si Kurt. Pero natigilan siya sa tapat ng waiting room. At laking gulat ni Kurt dahil marami ding buntis ang naghihintay sa waiting room na katabi ng labor room. Madaming buntis ang sumisigaw sa sobrang sakit. "Doktora, bakit ho hindi n'yo inaasikaso ang iba doon sa waiting area? Nakakaawa naman ho," sabi ni Kurt. "Inaasikaso naman sila matagal pa bago lumabas ang mga baby nila. Ganoon talaga kapag nagle-labor ang iba tumatagal nang isang araw o isang linggo bago manganak," paliwanag ng doktor. "Kurt John Arevalo!! Sino ba ang asawa mo ha?? Iintindihin mo pa ba ang iba kaysa sa 'kin ha? 'E, kung sapakin kaya kita? Halika na nga rito!!" sigaw ni Aubrey sa loob ng labor room. Napakamot na lang sa ulo si Kurt. "Sige isang ire pa Aubrey lalabas na," sabi ng doktora at mahigpit siyang humawak sa kamay ni Kurt. Isang malalim na paghinga at pag-ire ang ginawa ni Aubrey. Nakahinga siya nang maluwag ng magawa iyon. Nakita niyang pinalo sa pwet ang kanyang baby. Ang bad niyo bakit niyo pinapalo ang baby ko. Hindi naman niya maipaliwanag ang sayang nararamdaman nang marinig ang unang iyak nito. "It's a Baby boy! Hold on Aubrey may isa pa," sabi ni doktora. Muli na namang humugot nang malalim na paghinga si Aubrey at muling umire. Mahigpit pa rin ang hawak niya sa kamay ng asawa. Nang mailabasa niya ito ay nakita na naman niyang pinalo sa pwet ang sanggol. "It's a baby girl! Congrats." Hinalikan siya sa noo ni Kurt at wala pang isang segundo nawala na sa tabi niya ang asawa. . . . . . . . Nakita niyang sinasakal ni Kurt ang lalaking humawak at pumalo sa pwet ng kanilang babies. Nasapo na lang ni Aubrey ang sariling noo sa ginawa ng asawa.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Stranger In Bed- SPG

read
1.4M
bc

Spending the Night with a Bachelor

read
1.8M
bc

Married To A Billionaire

read
1.0M
bc

College Series 1 : Feisty Friday (R18 Tagalog)

read
186.7K
bc

Dirty Little Secret (R18 Tagalog)

read
408.6K
bc

Mhorric Soliven: The Billionaire's Maid

read
442.4K
bc

One Night with the Bachelor

read
7.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook