Chapter 2 - ZION AND ZIANA

1223 Words
KURT'S POV Walang salita ang anumang makaka pag paliwanag ng nararamdaman ko ngayon. Halos hindi ako nakapag salita habang nanganganak si Aubrey. Nanatili lang akong tahimik. Baka kasi mabara lang ako kapag ibinuka ko na ang bibig ko. Tahimik kong pinag mamasdan ngayon si Aubrey na mahimbing na natutulog. Hindi ko maalis sa isip ko kung gaano siya nahirapan kanina mailabas lang ng normal ang mga baby. Narinig kong bumukas ang pinto at niluwa noon ang dalawang nurse na tulak tulak ang dalawang higaan ng baby. At nakahiga doon ang kambal. "Sir kapag may problema paki pindot na lang ho ang buzzer. Darating ho kami agad." paalala ng nurse. Tumango na lang ako bilang sagot. At itinabi ko ang kambal sa tabi ng higaan ni Aubrey. Ang isa ay nakabalot ng telang kulay asul. At ang isa naman ay kulay rosas. Ang lulusog ng dalawang kambal. Namumula pa ang mga pisngi. Ang sarap kurutin. Paano kaya nagawa ni Aubrey dalhin ang dalawang ito ng siyam na buwan. Hindi ko naman halos ma-imagine kung lalaki ang mag dadala ng isang sanggol. Halos masuka ako sa imahinasyong malaki ang tiyan ko at saan naman ilalabas ang baby? Binatukan ko ang sarili ko sa mga kalokohang naiisip ko. Nagulat ako ng bigla na lang umiyak si baby girl. "Ungaaaa! Uwaaaah! Ungaaah!" umalingawngaw ang iyak niya sa loob ng kwarto. Nakita kong gumalaw si Aubrey at pag mulat ng mata niya ay agad niya akong sininghalan. "Tanda ano tititigan mo lang ang anak mo? Akin na nga ilagay mo dito sa tabi ko." nagulat ako sa sinabi niya. "Hoy ano ba! Kakabagin yan kapag hindi mo pa binigay sa'kin. Buhatin mo at ibigay sa'kin." utos niya ulit. Sa tanda kong ito hindi ako marunong humawak ng baby. Natatakot ako baka mabali ang buto. Tanging work papers at ballpen lang ang kayang hawakan at buhatin ng mga kamay ko. "Hi-hindi ako marunong. Baka mabalian ng buto." seryoso kong sabi kay Aubrey. "Hayy naku. Simula sa araw na ito dapat matuto ka na." bumaba siya sa higaan niya ng may pag ngiwi sa kanyang mukha at lumapit kay baby girl. "Sssssh! Shhhh! Nandito na si Mommy, baby ziana." kinuha niya ito at naupo sa upuan at sinimulang padede-hin si baby. "Ang pretty namnan ng baby ziana ko. Kuhang kuha mo ang pilik mata ng daddy mo. Pero kuhang kuha mo ang mukha ni mommy, beauty." bigla naman akong napa-ubo sa huli niyang sinabi. "Anong inu-ubo ubo mo diyan ha. Totoo naman ah kuha niya ang ganda ko. Diba baby?" at pareho kaming nagulat ng ngumiti si baby ziana. "Oo na sige na panalo na kayong dalawa. Basta ang kagwapuhan sa'kin mag mamana." bigla na lang umiyak si baby boy. Nataranta ako. Hindi ko alam kung bubuhatin ko ba o hindi. Hindi naman pwedeng buhatin pa ni Aubrey dahil hawak na nito si baby ziana. Nagulat ako ng ibigay sa'kin ni Aubrey si baby Ziana. Nanginginig pa akong hawakan si baby. Iba sa pakiramdam kapag nahawakan mo ang sarili mong baby. Hindi ako nagalaw sa pwesto ko at sa posisyon ko. Dahil baka malaglag at masaktan si baby. "Hahahaha! Ang epic ng itsura mo. Isang baby lang pala ang katapat mo. Sa una lang yan. Masasanay ka din." sabi niya sabay hele kay baby boy. Kaso ayaw pa din nitong tumigil sa pag iyak. Ayaw niya ding dumede kay Aubrey. "Baby Zion anong problema? Ayaw mo ba ng milk ni Mommy?" tanong ni Aubrey. Pinindot naman niya agad ang buzzer at maya-maya lang ay dumating na ang nurse. May sinabi si Aubrey dito at pag balik nito ay may dala-dala na siyang bote ng gatas. Pinahiga nila si baby at sinimulan ng padede-hin gamit ang tsupon. Mabilis lang na naubos ni baby zion ang gatas. Nagugutom lang pala kaya umiiyak. Ipinasa ko na sa nurse si baby Ziana para siya na ang mag balik nito sa higaan niya. Nag simula na si Aubrey sagutan ang mga birth certificate ng kambal. Napag usaan na namin kung anong ipa-pangalan sakanila. Zion Clark Arevalo Ziana Loraine Arevalo Yan ang mga pangalan ng kambal. May napanood kasi siyang cartoons at ang mga bida sa palabas doon ay Zion at Ziana dahil sa sobrang tuwa niya sa mga charactets na yon. Iyon na ang gusto niyang ipangalan sa kambal. Nakakatuwa dahil nakikita ko ang bunga ng seminar niya about sa pag aalaga ng baby. Hindi na ako umangal pa. Kung saan masaya si Aubrey masaya na din ako.Kinuha ko ang cellphone ko at nag dial ng numero. Tinawagan ko ang lahat ng dapat tawagan. Ibinalita ko na sa buong mundo ang pag labas ng bagong dalawang anghel. Ngayon apat na kaming miyembro ng pamilya. Ako si Aubrey, Si Zion at Si Ziana. Ano pa bang mahihiling ko. Silang tatlo sa buhay ko sapat na. AUBREY'S POV Ang sarap pag masdan ng dalawang anak ko. Nakakawala ng pagod. Totoo nga ang sinabi doon sa seminar na ina-attend-an ko. Sabi nila hindi mo masasabing tunay kang babae kung hindi mo kayang mag dala sa iyong sinapupunan ng isang bata. Hinarap ko ang pinaka nakakatakot na yugto ng pag bubuntis. Inilagay ko ang isang paa ko sa hukay. Sabi ni mommy oras na manganak ako nakabawi na daw ako sa pag hihirap niya. Noong una hindi ko alam ang ibig niyang sabihin. Ngayon naiintindihan ko na. "Oo nanganak na siya. Saan pa ba mag mamana edi sa gwapong tatay." rinig kong sabi ni tanda. Kahit kailan talaga napaka taas ng tingin sa sarili. Sabagay sino bang hindi mai-inlove sa asawa ko. Sa tangkad niyang 5'9. Sa macho at 6 packs abs niya. Mga matang kulay brown na nangungusap na may mahabang pilik mata. Matangos ang ilong. At mapupulang labi. At maputi niyang balat. Sabihin niyo nga sinong hindi mai-inlove sakanya. At sinong mag a-akalang matanda na siya. Eh mukha ngang 20 anyos lang. "Ay kabayong aso!" nagulat na lang ako ng tinulak ni tanda ang noo ko. "Kanina ka pa nakatulala. Pinag papantasyahan mo na naman ako mahal kong asawa" "Eh ano naman! Asawa mo naman ako ah! Ah e-este si-sinong nag sabing pinag papantasyahan kita ha! Mahiya ka naman kahit ka-unti sa balat mo!" "Talaga lang ha? Kanina ka pa naka ngiti habang naka-tinign sa'kin." sabi niya habang may bakas ng nakakalokong ngiti sa bibig niya. "Eh?Sinong nag sabing ikaw ang tinitignan ko ha? Si... si kuyang nurse na gwapo ang tinitignan ko doon sa kabilang kwarto. Tignan mo ang gwapo di'ba?" asar kong sabi sakanya sabay dungaw sa katapat na pinto. "Gwapo ba yan? May pasa sa mukha?" "Nilagyan mo kasi ng pasa sa mukha." "Pinalo niya ang baby ko. He desserve it. Saka bakit siya nandoon sa loob ng delivery room!" "Natural siya ang nurse na on duty. Saka wala naman siyang nakita ah. Si doktora ang kumuha sa baby inabot niya lang."sabi ko. "Kahit na! Hindi siya dapat nandoon! Kalalaking tao! Gusto mo dagdagan ko pa pasa sa mukha niya!?"sigaw na sabi ni tanda. "Ang hirap mag explain sa taong makitid ang utak. Saka bakit ka ba na ninigaw ha! Nakakainis! Umalis ka nga sa harap ko. Nakaka bwisit!" "Ok!" sabi niya at agad na lumabas ng kwarto at padabog na sinara ang pinto. Mga lalaki talaga ang hirap spelling-in! Ano bang problema niya. Bakit nakasigaw pa siya. Bahala siya sa buhay niya. Grrrrrr!!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD