"Jealous means: Just because I love you so much"
Kurt's Pov
Nakaka-inis kung kailan naman lumabas ang mga baby ko. Saka ako naging ganito. Hindi ko alam kung bakit ako nagkaka ganito. Mainit talaga ang dugo ko sa nurse na iyon.
Matapos ko kasi siyang sample-an kung ano-ano ang sinabi sa'kin. Pakiramdam ko aagawin niya ang asawa ko.
"Pasensya na pare. Hindi ko lang napigilan ang sarili ko. Pasensya na."
"Ayos lang yon. Sanay na ako sa mga gano'ng eksena. Mas malala nga lang ang sa'yo. Napaka lusog,maganda at gwapo ang mga baby. Manang - mana sa mommy nila. Ikaw ba ang tatay..."
"Oo."
"Ah kaya pala! Protective Grandfather!" sabi niya na nag pagulat sa'kin.
Akalain niyo gawin ba kong tatay ng asawa ko. Di hamak na mas mukha pa siyang tatay ni Aubrey kaysa sa'kin.
Oo alam ko may edad na ako. 32 lang naman ako. Pero alagang-alaga ko ang sarili ko. Madaming nag aakalang napaka bata ko pa dahil sa tindig at ayos ko. Kapag pinag tabi kaming mag asawa. Hindi nila masasabing sampung taon ang agwat naming dalawa.
Tapos ang walang modong nurse na iyon. Sasabihin niyang tatay ako ni Aubrey! Alam kong type niya ang asawa ko. Lalaki ako kaya alam ko kung may gusto ba ang isang lalaki sa isang babae.
"WTF!!"
Malas lang niya sa'kin na si Aubrey. At pag aari ko na siya. Hindi na pwede pang angkinin ng iba.
"Husssssh!" sabi ko matapos kong ihagis ang basong hawak ko.
"Bro easy lang! Relax! Gusto mo resbakan natin yang nurse na 'yan." sabi ni grey habang tinutungga ang isang baso ng alak.
"Huwag gano'n pare. Para naman atang napaka imature natin kung gagawin 'yon." sabi naman ni Mico.
"Alam niyo hindi na dapat pinag aaksayahan ng panahon 'yan eh. Napag kamalan lang naman eh. Saka nakatikim na naman siya kay Kurt. Saka isa pa tatay ka na Kurt hindi ka na dapat nag papa apekto sa mga ganyan." seryosong sabi ni Hero.
"Alam niyo mga tol. Isa lang ang tawag diyan eh. Jelly!" sabi ni rocky.
"Jelly?" sabay-sabay namin tanong na apat kay rocky.
"Jelly as in Jealous. In tagalog Selos!"
Nainis ako sa sinabi ni rocky tumayo na ako sa pagka kaupo at tuluyan ng lumabas ng mini bar nila Mico. Nag yaya kasi akong mag inom matapos naming mag katampuhan ni Aubrey kaninang umaga sa ospital.
Sabihin niya ba namang mas gwapo sa'kin ang nurse na 'yon. At sabihan pa kong bwisit. Alas-tres na ng hapon. Uuwi na lang muna ako sa bahay mag papalit ng damit saka babalik ng ospital. Hindi ko naman kayang ipag walang bahala si Aubrey. Mahal na mahal ko 'yon kahit na nakakainis siya paminsan minsan.
-----
Sa Ospital
"Buhay ka pa pala?" bungad ni Aubrey.
"Wala ako sa mood makipag bangayan ngayon asawa ko. Sorry na about doon sa kanina. Naiinis lang ako. Saka hindi ko nagustuhan ang tabas ng dila mo kanina. Hindi ba sabi ko naman sayo. Ayokong maririnig na nag mumura ka." malumanay at may lambing na sabi ko.
Tahimik lang siyang nakikinig sa sermon ko. At nakita ko kung paano niya kagatin ang ibabang labi niya.
"Nang aakit ka ba asawa ko?" kumunot naman ang noo niya sa itinanong ko.
"Hi-hindi ah. Bakit ano bang nagawa ko at nasabi mo yan?"
"Stop biting your lips! Everytime I see you biting your lips makes me more angry."
"So-sorry!" sabi niya sabay hawak sa ibabang labi niya.
"Pasensya na asawa ko sa sinabi ko kanina. Naka sigaw ka kasi eh. Hindi ko alam kung anong problema mo. Baka masyado ka lang pagod sa trabaho. Pero sana sa susunod kausapin mo ako ng maayos para naman hindi magkaroon ng gap sa pagitan natin. Saka sabi ni rocky nag seselos ka daw do'n kay nur.. "
"Ssshhh stop it. Oo nag se-selos ako. Sabihan niya ba naman akong ako ang tatay mo eh. Sinong hindi iinit ulo diba. Napaka gwapo ko para pagka malan niyang ako ang tatay mo."
"Hahahahaha! Really? Sinabi niya 'yon. Kaya naman pala grabe ang init ng ulo mo sakanya."
"Oo mukhang type ka pa ng gago!" bigla naman niya akong hinampas sa braso.
"Minimize your voice. Naririnig ka ng kambal. Ang bad influence mo!"
"Sorry naman asawa ko. Na carried away lang. Halika nga dito." hinatak ko siya sa braso at niyakap ng mahigpit.
"Ang sarap naman yakapin ng asawa ko. Kaso ang baho mo na. Ligo din kapag may time."
"Hoy after 1 week pa ata bago ko maligo. Gusto mo mabinat ako. Saka nakakahiya naman diyan sa balat mong amoy alak." sabi niya sabay suntok ng mahina sa tiyan ko.
"Awww my Abs. Nananakit ka na ah!" sabay pisil sa ilong niya.
"May abs ka ba? Patingin nga!"
Agad ko namang hinubad ang kulay asul na t-shirt na suot ko.
"Oh tulo mo laway!" nakita ko ang malapad na ngiti sa mukha ng asawa ko. Sa mga ngiting yan kaya ako lalong naiinlove sakanya.
"Hahah. Mag bihis ka nga baka may pumasok na nurse dito. Baka makapanakit ako ng di oras." sabi niya at bigla naman siyang tumalikod at nakita kong namumula ang tenga niya.
Niyakap ko siya mula sa likod.
"I miss you my girl" bulong ko sa tainga niya.
"I miss you too." sabi niya At binigyan ako ng isang mabilis na halik sa aking pisngi.
"Kanina malamig dito bakit biglang uminit." sabay paypay ng mga kamay niya.
"Ang hot ko kasi eh."
"Tseh!! Lumayo ka nga baka mapaso ako."
"Edi maganda! Maagang masusundan ang kambal."
"Tumigil ka nga! Hindi pa nga magaling ang sugat ko. Aariba ka na naman." bigla naman akong may naisip na kalokohan. Mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko sakanya mula sa likuran.Inilagay ko ang buhok niya sa kaliwang balikat niya at hinalikan ang kanang balikat niya. Naramdaman kong nag sitayuan ang mga balahibo niya.
"Kurt John Arevalo! Titigil ka ba o gagawin kong adobo mamayang gabi ang pinag kakaingatan mo!" sabi niya sabay tapat sa mukha ko ng bread knife na hawak niya.
"Hahahaha! Easy lang asawa ko. Binibiro ka lang naman eh. Pahingi nga niyang mansanas. Sa susunod kasi huwag mo kong pag seselosin." sabi ko sabay higa sa kama. Matalim pa din ang titig niya sakin.
Tumabi siya sakin at pumaibabaw sa'kin. At pinag lalaruan ng mga daliri niya ang matitipunong didbdib ko umaktong parang gagamba ang mga kamay niya hanggang sa bumaba ito sa bandang ibaba ng tiyan ko.
"Pero pwede din naman eh." napalunok ako sa sinabi niya. Hindi nga! kung nang se-seduce ang asawa ko. Lord paki tapos na po baka hindi ko mapigilan ang sarili ko.
Hindi pa din niya tinitigil ang gagambang kamay niya. Nakikiliti ako pero hindi ko pinapahalata. Alam niyo yon para siyang bata na nakapilig ang ulo sa matitipuno kong dibdib. Ayaw mawala ng kuryenteng dumadaloy sa katawan ko.
"Kiss me?"
Naloko na. Ano bang nangyayari sa asawa ko. May masama atang demonyo na sumanib sa katawan niya. Dahil loyal at masunuring husband ako hahalikan ko siya.
Nagulat na lang ako ng inilapat niya ang palad niya sa bibig ko.
"Kiss me on my hand! Lokong matandang 'to. Assumero! Akala mo ikaw lang ang marunong ah. Bleeh!" ganti niya. At mabilis siyang napatayo sa pagkakahiga.
"Aha! Gantihan pala ha. Magbiro kana sa taong lasing. Huwag lang sa gwapong tulad ko." akma pa sana siyang tatakbo pero agad ko naman siyang nahawakan.
Humawak ako sa balakang niya at nag simula ng kilitiin siya.
"Tandaaaa! Ta-ta-aaaamaaaa na. Nakikiliti ako. Ano ba! Hoy tama na please!"
"Anong tawag mo sakin?"
"Taaanndaaaa!"
"No mali!Ennnngk! Wrong magic words!"
"I love you?" tanong niya.
"Bakit di ka sure?"
"Asawa ko I love you!!!"
Tinigil ko na ang pag kiliti sakanya. Nang marinig ko ang mga salitang gusto kong marinig mula sakanya. Niyakap ko siyang muli. Mali? Nagyakapan pala kami.
"Sir! Ma-- -- Ayy hot ni Sir!! Ayyy este sorry po sige po pagpatuloy niyo lang. Sorry po sa storbo! Babalik na lang po ako mamaya." sabi ng babaeng nurse na balak mag check sa kambal.
"Hi-hindi ok lang sige na. Pasok na. Kailangan ma-monitor ang kambal. Saka wala kaming ginagawang masama ng ASAWA KO" sabat naman ni Aubrey. At ramdam ko ang diin ng pag kakasabi niya sa Asawa ko.
"Matagal pa ba? I-check mo lang naman ang pulse, ang temperature at ang bilis ng breathing nila baby diba?" tanong ni Aubrey.
"Yes Mam. I'm about to finish na po." sabay sulyap ni nurse sa akin. Panay ang sulyap sakin nito kanina pa ng pumasok siya. May mali ba sakin?
"Finish na po! Sorry po ulit sa storbo." sabi ng nurse.
"Mabuti naman. Sa uulitin kakatok ka muna bago pumason dito. Ok?"
"Ok po mam. sige po." Akma na sanang lalabas ang nurse ng pigilan ito ni Aubrey.
"At isa pa. Sa susunod na papasok ka dito mag dala ka ng shades para hindi ko makita ang mga mata mo. Kasi baka sa susunod dukutin ko na yang mata mo! Mind your on business!"
Tumango tango naman ang nurse. Ang taray ng asawa ko. Pero bakit parang biglang uminit ata ang ulo niya.
"Sabi ko naman kasi sayo mag bihis ka e! Oh!" sabay bato niya sakin ng t-shirt ko.
Nakalimutan ko pala half naked pala ako kaya pala panay lingon ng nurse sakin. Kaya pala ganoon na lang ang binitawang salita ni Aubrey.
Nilingon ko si Aubrey at dahil sa inis niya dinaan na lang niya sa pagkain ng chocolate.
"Ang cute mo mag selos."Umupo ako sa tabi niya. Isinubo niya sakin ang isang putol ng chocolate.
"Eh kasi sobrang mahal lang kita period!"