Chapter Four - T. H. (Tamang Hinala)

1297 Words
Aunrey's Pov Isang buwan na ang nakakalipas mula ng manganak ako. Isang buwan na din ang kambal. Hindi pa din sila nag kakasakit mula noon. At sobrang saya ng asawa ko sa tuwing uuwi siya galing trabaho.Sa tuwing nakikita niya ang kambal nawawala na ang stress at pagod sa trabaho. Alas-9 na ng gabi at wala pa din si Kurt. Mukha atang may overtime pa. Kadalasan kasi alas-8 ng gabi ang dating niya sa bahay. I have a simple surprise for him. Hindi niyo naitatanong 1st Anniversary kasi namin ngayon. Nag luto ako ng sphagetti at nag bake ng chocolate cake. Mula kaninang umaga hinihintay ko siya kung babatiin niya ba ako o hindi. Nakalimutan ata niya sa sobrang trabaho. Kahit simple lang 'to sana magustuhan niya nag effort ako dito ah. Nilagyan ko ng sapin na pulang tela ang lamesa naka arrange din in order ang mga utensils. Nag lagay ako ng isang kandila sa gitna ng ginawa kong round cake. HAPPY 1ST ANNIVERSARY ASAWA KO. 'Yan ang nilagay ko sa ibabaw ng cake. Nag pa-parlor pa ako matapos kong lutuin at ayusin lahat. Pinag handaan ko din ang su-suotin ko. Isang floral sleeveless dress na above the knee. Nag pagupit din ako lagpas balikat at nag pa relax ng buhok. Ngayon na lang ulit ako naka pag pa ayos ng sarili ko mula ng nag buntis ako. Maganda naman ang kinalabasan. Sana magustuhan niya. Isinuot ko na ang paired earings, necklace at bracelet na ini-regalo niya sa akin last birthday ko. Pasado alas-10 na ng gabi wala pa din si tanda. Nakaka panibago kapag gagabihin siya o 'di siya makakuwi pwede naman niya akong tawagan 'diba? Madalas naman siyang tumatawag kapag medyo ga-gabihin siya. Bakit ngayon parang may kakaiba akong pakiramdam. Sinimulan na akong kabahan. May ginagawang katarantaduhan ang asawa mo! "L*tse kang inner voice ka! Mabait si tanda walang gagawin 'yon na makakasakit sakin. Naku! subukan lang niya!" sabi ko sa sarili ko habang pabalik-balik na naglalakad sa labas ng balkonahe. Tawagan mo na kasi! Para hindi ka nag iisip ng kung anu-ano. Baka na-traffic lang girl. Baka lowbat cp niya. Walang dalang charger. Baka may meeting hindi pa natatapos. "Hwaaaah! Mamamatay na ako kakaisip. Matawagan na nga!" Ilang beses ng tumutunog pero hindi niya pa din sinasagot. Sa pangatlong subok na tawag ay sinagot naman niya. Pero bakit boses babae. "Hello? Can I talk to Mr. Arevalo?" sabi ko sa kabilang linya. "Who's this?" aba't loka-lokang babae 'to ah. Hindi ba naka registered ang number ko sa cellphone ng asawa ko. "Aheemmm! Siguro naman naka save ang name ko sa cellphone na 'yan!" medyo naiinis na sagot ko sakanya.Nasaan ka bang matanda ka bakit babae ang sumagot. Baka sekretarya niya lang 'to. "As far as I know before I answer your call. I never seen a name on the screen. Unregistered number will do." Aba ini-english pa ko ng lokaret na 'to. Akala mo ikaw lang. "Oh really? Can I know who you are?" "I am his fiance! And can I know who you are?" napantig ang tainga ko sa sinabi niya. Namuo ang katahimikan sa mag kabilang linya. "Hello? Are you still there? Can I know who is this please! So I can tell to my soon to be husband." "So you're one of my husband mistress!" pasigaw kong sagot. "I see. You wanna know who I am. Go to his office now!See you!" "P*NYETA KANG BABAE KA HUWAG NA HUWAG KANG MAG PAPAKITA SA'KIN IMPAKTA KA. DAHIL KUNG HINDI KAKALBUHIN KITA!" narinig ko na lang na ibinaba niya ang tawag. Nakakainis! Pinag ti-tripan ata ako ng babaeng 'yon. Pwes hindi magandang biro. Mula ng ibaba ng babaeng 'yon ang tawag hindi na ako mapakali. "Kalma lang Aubrey! Baka naiwan ni tanda kung saan ang cellphone niya kaya iba ang naka sagot. Oo gano'n nga. May tiwala ako sa asawa ko." kumbinsi ko sa aking sarili. Kinse minuto na ang lumipas pero wala pa ring Kurt na dumadating. Nag pasya na akong puntahan siya sa opisina. Naka salubong ko pa si Nanay Aida pababa ng hagdan. "Oh iha. Gabing-gabi na 'di ka pa natutulog. At saan ang punta mo iha? Delikado na sa daan." sabi ni nanay Aida bagong katulong namin sa bahay at taga alaga ng kambal. "Nay Aida kayo na ho munang bahala dito sa bahay at sa kambal. May aalamin lang ho ako. Babalik din po ako kaagad Sige po." at kinuha ko ang kamay niya at nag mano at tuluyan ng umalis ng bahay.Saktong paglabas ko siya namang dating ng taxi. Agad akong sumakay dito at nag tungo sa opisisina. ---- Sa Kompanya Lalong bumibilis ang t***k ng puso ko. Lalo na at paulit-ulit kong narirnig ang boses ng babeng kausap ko kanina. Sinita ako ng guwardya ngunit hindi ko na lamang siya pinansin. At nag patuloy lang ako sa paglalakad. Sumakay ako ng Elevator at dumiretso sa opisina ni tanda. Ang pinag tatakahan ko lang ay naka patay ang ilaw nito. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at nangapa sa dilim. Ngunit limang segundo pa lang ang lumilipas ay biglang bumukas ang ilaw. Ikina-gulat ko ang nakita ng mga mata ko. Si.... Si... Si... Si tanda naka suot ng pink na long sleeves at may itim na kurbata. Kagat kagat ang tangkay ng pulang bulaklak. Nakatayo 'di kalayuan sa lamesa. Lamesang puno ng pagkain. Napa kagat labi na lang ako ng ma-realize ko kung anong mayroon sa loob ng opisina niya. Nag lakad ako palapit sa kanya at mahinang sinuntok ang tiyan niya. "Araay! Ang sweet mo talaga asawa ko kahit kailan." pabiro niyang sabi at mabilis akong hinagkan. "Hep!Hep!Hep! May kasalanan ka pa sa'kin matanda ka ah. Akala ko na kalimutan mo na kung anong mayroon sa araw na ito." sabi ko "Pwede ba 'yon? Ito ang araw na dinala kita sa harap ng altar. Nangako sa isa't-isa." panimula niya. Kasabay noon ang magandang background melody song. "Can I have this dance?" tanong niya sabay lahad ng kanyang kanang kamay. Shocks niyaya niya akong sumayaw. Ginabayan niya ang kamay ko at inihawak iyon sa mag kabila niyang braso. Hinawakan naman niya ako sa mag kabila kong baywang. At nag simyla na niyang igalaw ang kanyang mga paa. "Nakakainis ka! Hindi ako marunong sumayaw! Hindi ako prepared!" "Hindi prepared? Sa hitsura mong 'yan?" pang aasar pa ni tanda. Idinikit ni tanda ang noo niya sa noo ko. "Ang sarap mong asarin! Kaya mahal na mahal kita eh. Happy 1st Anniversary my lady!" Hinawakan niya ang mukha ko at hinuli ng dalawang mata niya ang mga mata ko. "You and our child is the best gift I ever had!" maikli niyang mensahe bago niya halikan ang mga labi ko. "Happy 1st Anniversary din tanda! Este asawa ko! Teka nga kaya ako na papunta ng wala sa oras dito sa opisina mo dahil sa siraulong babaeng sumagot ng phone call ko." nakita ko namang napakamot siya sa ulo at halos umabot hanggng tenga ang ngiti niya. "Huwag mo kong idaan sa killer smile mo ha tanda! Nasaan na 'yang babae mo ha!" "Ano ba asawa ko wala akong babae! Napaka TH mo! Planado 'yon para maka punta ka dito. Kung hindi ko ba ginawa 'yon pupunta ka?" "Hindi! Eh sino nga kasi ang babaeng 'yon?" tanong ko ulit sa kanya. "As far as I know before I answer your call. I never seen a name on the screen. Unregistered number will do. I am his fiance! And can I know who you are? I see. You wanna know who I am. Go to his office now!See you!" dire-diretsong sabi ng babaeng nasa likuran ko. Maarte niyang binigkas ang mga sinabi niya kanina sa pag uusap namin sa phone. "G*ga ka talagang babae ka! Letse ka! Halika rito ng makalbo kita!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD