Aubrey's Pov
"G*ga ka talagang babae ka! Letse ka! Halika rito ng makalbo kita!"
"Hwaaaah! Bestsis naman,e. Hindi ka na mabiro. Hindi mo man lang ba ko naboses-an. O,sadyang nakalimutan mo na ako.Hmmmp!" sabi ni Ria.
"Hitsura mo, panot! G*ga ka pala,e. Malay ko bang nakauwi ka na galing Canada. At sino ba ang may sabing i-prank call mo ako. Ikaw nga 'tong may kasalanan sa'kin. Umalis ka hindi ka man lang nag paalam." sabi ko na may pagtatampo.
Umalis kasi si Ria after ng kasal namin ni tanda. Reason? Because of Kurtney. Kinukuha na siya ng biological mother niya. Which is Sarah. Remember, classmate namin ni bestsis.
Sino bang matinong babae ang iiwan ang anak sa basurahan?
Oo, iniwan niya ito. Mabuti na lamang at napadaan kami noon ni Ria sa tambakan ng basura malapit sa school.
*Flashback*
"Bestsis iyak nang sanggol iyon 'di ba?" tanong ni Ria habang nag lalakad kami pauwi.
"Naku! Umiiral na naman 'yang hallucinations mo. Pwede ba Ria! Pa'no mag kakaron ng bata rito sa lugar na ito?"
Maglalakad na sana kami palayo nang makarinig kami ng iyak ng sanggol.
"Hala! May baby nga, bestsis tignan mo nandito siya sa loob ng malaking bag. Anong gagawin natin?" tanong niya at kinuha na ang baby mula sa malaking bag.
*End of flashback*
Mag mula ng araw na iyon ay lagi kaming pumupunta sa police station malapit sa aming lugar. Para alamin kung nahanap na nila ang magulang ng bata.
Pero bigo kami sa paghahanap, magaling magtago ang walang kwentang magulang na iyon. Nag pasya kaming alagaan ang bata. Salit salitan kami ni bestsis sa pag-aalaga.
Mas malapit ang loob ng bata noon kay Ria. Kaya makalipas ang tatlong taon nagpasya siyang i-adapt ito. Gawing legal ang pagiging Ina nito sa bata. Hindi ko na alam kung paano
o anong proseso ang naganap, gawa nang mangyari ang aksidenteng kinasangkutan ko noon, na naging dahilan ng pagkakaroon ko ng amnesia.
Kung saan hindi ko maalala ang ilan sa mga pangyayari sa buhay ko.
"Bestsis magaling ba ako pag dating sa pag-arte. Napaniwala kita. Hahaha!" isinubo ko sa kanya ang isang piraso ng karne ng manok na nasa pinggan ko.
"Kumain ka na nga lang. Nasaan na ang mga pasalubong mo? Dapat mayroon din ang kambal,a. Dahil kung hindi---" tinakpan niya ang bibig ko ng kaliwa niyang kamay.
"Oo na alam ko na 'yan. P'wede ba kanina ka pa dada nang dada e. Bukas pupunta ako sa bahay niyo. Kasama si Kurtney para i-abot ang mga pasalubong ko para sa inaanak ko. Pero sa ngayon, enjoy the night muna, okay? Baka sakaling madagdagan ang inaanak ko next year," sabi niya at humalakhak ng mapang-asar.
Natapos ang gabing iyon nang marami akong nakikilalang mga katrabaho ni tanda. Sabi nila kilala nila ako noon pa man. Dahil proud ang mga biyenan ko sa'kin. Lagi nila akong naii-kwento sa mga private meetings Sister company kasi ito ng kompanya ni Daddy. Hindi ko alam kung paano napapatakbo ni tanda ang kompanyang ito. Kaya minsan ay nakakapagtampo na rin. Nauubos ang oras niya sa pag ta-trabaho. Kaunti na lang ang natitira para sa amin ng mga anak niya. Lalo pa kaya kapag ibinigay na ni Daddy sa kanya ang pamamahala ng kompanya namin.
-----
Sa bahay
"Nag handa ka rin pala. Sorry, hindi ko alam," sabi niya sabay yakap mula sa likod ko.
"Okay lang. Pwede naman natin ipa-bukas ang mga 'to. Ilalagay ko na lang sa fridge para pwedeng initin bukas," sabi ko. at kakalas na sana ako sa yakap niya nang hilahin niya ako paharap sa kanya.
"Pa hug nga sa misis ko. Ang tagal na rin no'ng huli kitang mayakap."
"Sus! Parang kaninang umaga lang bago ka pumasok sa trabaho yumakap at humalik ka, tapos ngayon sasabihin mong matagal. Matagal na para sa'yo ang kaninang umaga."
"Oo. Gano'n na nga! Sige, akyat na muna ako. Titignan ko ang kambal. Pagkatapos mo diyan dumiretso ka na sa kwarto natin at mag pahinga."
Tumango na lang ako bilang sagot. Sinundan ko na lamang siya ng tingin hanggang sa maka-akyat siya.
Kanina pa ako hindi mapakali. 'Yong tipong parang may mali. Nag simula ito kanina mula ng sumakay kami sa kotse ni tanda.
Pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ng kotse niya. Sobrang tapang ng amoy. 'Yong tipong pinaliguan ng pabango ang loob ng kotse. Kaya hindi ako komportable sa amoy, nakakahilo.
'Yong amoy na sobrang tamis na parang nasobrahan sa lagay ng flavor ng pabango. At hindi gano'n ang pabango ng asawa ko. Parang pabango siya ng babae.
Oo, babae ako. Pero hindi ko type ang mga gano'ng pabango. Ang lang sa sakit sa ilong.
Kanina ko pa tinatanong ang sarili ko. Nag iba na ba ang taste ng pang-amoy ni tanda kaya nag palit na siya ng pabango? o baka may ibang babae na sumakay sa sasakyan niya.
Kanina ko pa inaalog ang ulo ko. Sa palaisipang pinag iisipan ko ng masama ang asawa ko. Paano kaya kung may babae nga siya? Pa'no kaya kung ipag palit niya ko bigla, kakayanin ko ba?
Waaaah! No kung anu-ano iniisip mo Aubrey. Ang mabuti pa tanungin mo si tanda. Para mawala na ang mga pag dududa mo.
"Oo tama. Tatanungin ko siya."
------
"Ahmm, asawa ko, p'wede bang mag tanong? Kanina pa kasi ako 'di mapakali. Bakit amoy pambabae ang loob ng kotse mo?" nakita ko naman na parang namutla ang mukha niya. At ang mga mata niya agad na nag iwas ng tingin.
"Ah, 'yon ba? Ang bago ko kasing secretary. Masyadong naliligo sa pabango naiwan pati amoy niya sa loob. Kasama ko kasi siya kanina mag lunch. Alam mo na bago, maraming dapat pag usapan."
"Ah ok. Nag taka lang naman kasi ako kung bakit sobrang tapang ng amoy. Sa susunod sabihan mo siya. Na kung sasakay siya sa loob ng kotse mo huwag na siyang maliligo ng pabango. Sabihin mo alergy ako sa pabango niya, sobrang sakit sa ilong. Okay?" Tango lang ang tanging naisagot niya. Ngayon, nakahinga na ako ng maluwag. Wala naman palang ginagawang masama ang asawa ko.
Nag tungo na ako sa banyo para gawin ang evening rituals ko. Nag bihis na ako ng pantulog na damit at nakita ko si tanda sa kama na mahimbing nang natutulog.
Sayang may sorpresa pa nanan ako sa kanya. Hihi! Sayang mahina ka pala tanda e. Talagang tumatanda ka na.
Nag pasiya akong puntahan at i-check muna ang kambal sa kanilang kwarto bago ako matulog. At nakita ko ang dalawang anghel sa buhay namin na mahimbing nang natutulog.
Humalik ako sa kani-kanilang pisnge. Mag lalakad na sana ako palabas nang makita kong nakabukas ang ilaw ng kanilang banyo. Nag tungo ako roon upang patayin ang ilaw. Nang mapansin kong naiwan ni tanda ang pinag hubaran niya sa loob ng banyo ng kambal.
Marahil dito na siya gumamit ng banyo sa sobrang tagal ko sa pag gamit ng banyo kanina. Kinuha ko ang mga damit niya. At bago ko ilagay ito sa marumihan, inamoy ko ito. At maging ang long sleeves niya ay masakit sa ilong. Dumikit na ata ang matamis na amoy na nasa kotse niya kanina.
Dahil sa sobrang irita ko sa amoy na 'yon. Nag pasya akong labhan muna ito. Tinignan ko muna ang mga bulsa ng damit niya, baka may lamang coins o papel na maliliit. At wala naman akong nakuha.
Pero ang nag pukaw ng atensyon ko ay ang kulay pink na hugis labi sa bandang kwelyo ng kangyang long sleeves. Dahil sa sobrang inis ko kinuha ko ang gunting sa loob ng tool box na nasa laundry area at pinag gugupit ito.
"Nakakainis bakit may lipstik itong damit niya! Tinanong ko naman siya ah. Wala namang pabango na babakat sa damit di'ba? At lalong hindi mag katulad ang pabango at lipstik. Grrrrrrrr!"