Aubrey's Pov Nagmadali akong lumabas ng cake shop. Hindi ko na hinayaan pa si Ria na magsalita pa. Iniwan ko siyang tulala. Mas mabuti ng hindi na muna kami mag-usap. Dahil baka kung anong masasakit na salita pa ang lumabas sa bibig ko. Sino ba ang babaeng iyon? Mukhang magiging mamamatay tao pa ko ng wala sa oras. Hindi ko naman alam na gano'n ang mangyayari. Nanginginig ang mga kamay ko nang kuhanin ko ang car key sa make-up kit ko. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Natatakot ako. Natatakot na baka sa pagtapos ng araw na ito. Sira na ang pamilyang pareho naming binuo. Nang dahil lang sa isang kasalanan. Nagmadali akong paandarin ang kotse ko nang makita ko si Ria na palapit sa kotse ko. Nagawa niya pang kalampagin ang bintana ng kotse ko. Pero nagpatuloy pa rin ako

