AUBREY'S POV "Hi chicks! Ikaw ba ang Misis ng kapatid ko? Wow, panalo. Sexy ka at maganda," sabi niya humawak pa siya sa balakang ko at hinawakan ang mukha ko. Madali ko siyang tinuhod sa maselang parte ng kanyang katawan. "Oo sexy ako! Oo maganda ako! Oo asawa ako ng kapatid mo! Kaya wala kang karapatang bastusin ako. Wala kang karapatang hawakan ako! Wala kang karapatang hawakan ang mukha ko! Oo kamukha mo ang asawa ko pero mas di hamak na mas gwapo ang asawa ko kaysa sayo!" binigyan ko pa siya ng isang suntok sa kanan niyang panga. Nakita ko ang pagpahid niya ng dugo sa gilid ng labi niya. At nagulat ako sa sumunod na nangyari. Nakita ko si Kurt na sinuntok at tinadyakan niya ang kapatid niya sa sikmura. "Sa susunod na bastusin mo ang asawa ko sa mismong harap ko mapapatay na kita,

