IKA- 15 NA PUTOK

1423 Words

ALEGRIA’S POV “WELCOME sa aking mansion, kuya!” sabi ko sabay bukas ng pinto ng aking kubo na ilang tumbling lang ay mararating mo na ang asul na asul na dagat. Yes na yes. Nasa tabing-dagat ang aking humble home. Pamana pa ito sa akin ng nanay at tatay ko na namatay habang nangingisda sila. Mahilig kasing maglaro ng apoy si tatay. Ayun, nasindihan niya iyong dinamita tapos sumabog agad. Tepok sila. At dahil ako ang only child nila, sa akin napunta ang kubo namin. Two years ago pa iyon nangyari… High school lang ang natapos ko. Kaya naman nang nag-offer si Tiyang na pag-aaralin niya ako sa Manila ay go agad ako. Iyon pala, gagawin lang niya akong alila. Siyempre, pumayag na ako kasi wala naman akong pamasahe pauwi dito. Hanggang sa napuno na ako pang-aapi niya at nilayasan ko na siya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD