JUNJUN’S POV “BOSSING!” Tawag ko sa natutulog na si bossing. Tulog na tulog pa rin at hindi man lang gumalaw kahit halos mapatid na ang ugat ko sa pagtawag sa kanya. Mas lumapit pa ako sa kanya. Dahil sa nakatagilid siya matulog ay katapat ko na ang mukha niya. Itutuloy ko na ngayon ang balak ko kagabi na magpakita sa kanya. Ayoko naman kasi na forever akong magtatago sa kanya. Isa pa, ayoko rin naman na nag-aalala siya sa akin. Baka mabaliw siya. Thank you na rin kay Budayday kasi sa mga payo niya sa akin kagabi. I think… I’m starting to like Budayday. Naiintindihan niya kasi ako sa life goals ko. Aba, at nakakaawa rin pala itong si bossing. First time ko kasi na makita siya na sa sahig natutulog. Haaay… pero mukhang hindi naman siya nahihirapan. Sabagay, wala naman talagang arte sa

