“Want to take a race?” Hamon sa kanya ni Andrea habang nasa kwadra sila. They were feeding their own horses ng mga sandaling iyon.
Pagak siyang napatawa. “Are you sure?” hindi makapaniwalang tanong niya rito.
Kung karera lang ng kabayo ang pag-uusapan, wala itong panama sa kanya. Maraming beses na niya itong natalo at kahit na kailan yata ay hindi naman ito nadadala.
Tinaasan siya nito ng kilay. “Wanna bet?” anitong wala sa isip ang pagsuko.
Pakunwaring nag-iwas siya ng tingin dito at hinimas sa leeg ang kabayong si Maliksi. “Maliksi was not in the mood right now,” pagsisinungaling niya.
For the nth time, ayaw niyang mabigong muli ang kapatid.
But, Andrea is a Monte Bello. May paninindigan at hindi basta-basta nagpapatalo.
“Baka ang sabihin mo natatakot ka lang,” anito na may halong sarkasmo ang tinig.
Nilingon niya ito. “And why would I feel threatened? Ha, little sister?” tanong niya sa tonong ginamit nito sa kanya.
Napangiti ito. “It’s settled then,” wika nito at mabilis na inilabas ang sariling kabayo sa kulungan nito.
Iiling-iling namang inilabas din niya si Maliksi. Sabay pa silang sumampa sa likuran ng mga kabayo nila.
“Don’t whine at me if you lost,” babala niya dito sabay tapik ng malakas kay Maliksi and the beast start galloping.
Mabilis na tumakbo si Maliksi habang kasunod nila sina Andrea. Nilingon niya ang kapatid ilang dipa ang layo sa kanila at kitang-kita sa mukha nito ang determinasyon.
Itinutok niyang muli ang mga mata sa dinaraan. Tuwing nagkakarera sila, ang sinumang maunang makarating sa koprahan ang panalo.
Ilang metro na lang ang layo niya doon nang biglang sumulpot sa harapan nila ni Maliksi ang isa pang kabayong mabilis ding tumatakbo.
She quickly grabbed the rein of her horse. Tumaas ang dalawang paa nito sa unahan kasabay ng malakas na halinghing at sunod-sunod na pagdamba. Ganoon din naman ang ginawa ng kasalubong nilang kabayo.
“Hooo! Hooo! Hooo!” malakas na sabi niya habang ibinabalanse ang katawan sa ibabaw ni Maliksi.
Subalit, mukhang nagulat ito nang husto. Hindi ito tumigil sa pagwawala at wala siyang nagawa kundi ang bumitaw sa tali nito and bravely jump into the ground while both of her eyes were closed.
Malakas na tili ni Andrea ang narinig niya hanggang sa lumapat ang katawan niya sa lupa. Humahangos na nilapitan siya nito.
“Oh my God! Ate Aurora!” anito ng makalapit sa tabi niya. Hindi nito malaman kung ano ang gagawin.
“Help! Please! Somebody help us!” nagpa-panic na sigaw ni Andrea ng makitang hindi siya gumagalaw.
Nagsitakbuhan naman sa tabi nila ang mga tauhan sa koprahan and one of them was Benedict.
“Señorita, ayos lang ho ba kayo?” naririnig niyang tanong ng lalaki.
Ngunit, nananatili lang siyang nakapikit.
She still couldn’t believe on what she did. On an instant, nalagay sa peligro ang buhay niya.
Nanginginig ang mga labing huminga siya ng malalim. Pinakiramdaman niya ang sarili kung may masakit ba doon ng bigla na lang umangat ang katawan niya sa lupa.
Mabilis siyang napakapikit sa braso ng kung sino mang iyon and immediately opened her eyes. Nakita niya roon ang seryosong mukha ni Benedict habang buhat-buhat siya. Dinala siya nito sa pahingahan ng mga trabahador doon kasunod sina Andrea at iba pang tauhan nila.
Maingat siya nitong inihiga sa papag at ininspeksyon ang kanyang katawan. Titig na titig lang naman siya dito habang ginagawa iyon.
“May masakit ho ba sa inyo, Señorita?” tanong nito sa nag-aalalang tinig.
“Are you alright, Ate?” tanong naman ni Andrea na naupo sa gilid niya.
Ilang beses muna siyang kumurap bago iginalaw ang mga kamay at paa. Wala naman siyang nadaramang masakit doon.
Lumingon siya sa dalawa at marahang tumango. “I think I’m fine,” aniya.
Dinig na dinig niya ang marahas na paghugot ng hininga ni Benedict. He was relieved. Ganoon din si Andrea.
“Anong kaguluhan ito?” tanong ng makapangyarihang tinig mula sa likuran ng mga nakakumpol na tauhan sa kanila.
Para namang iisang taong nagbigay-daan ang mga ito sa may-ari ng hacienda kasunod ang kapatid nilang si Sebastian. Tumayo rin si Benedict na nasa may tabi niya.
“P-Papa…” ani Andrea na nasa tinig ang ikinukubling takot.
Kunot-noong tinitigan sila ng ama. “What are you two doing here?” malamig na tanong nito sa kanila.
Marahan siyang bumangon. “Ahmm… we’re just looking around, Papa.” Sagot niya sa mahinang tinig.
Pinaglipat-lipat nito ang tingin sa kanila ni Andrea bago muling itinutok ang mga tingin sa kanya. “And why are you lying here?” muling tanong nito sabay lingon kay Benedict na lalong nagpalalim sa gatla ng noo nito.
“N-Nagpapahinga lang Papa,” sagot niya.
Pero hindi naman naitago noon ang pangangatal ng tinig at mga labi niya na lalong ikinasalubong ng mga kilay ng kanilang ama.
“Nagpapahinga? Habang nakakumpol ang mga tauhan sa inyo?” may pagdududa pa ring tanong nito.
Nagkatinginan sila ni Andrea, pagkatapos ay sinulyapan niya ang walang imik na si Benedict sa kanyang tabi.
“Ahhh… medyo napagod lang si Ate Aurora, Papa.” Si Andrea naman ang sumagot dito.
Tumango naman siya at tumayo. Pero pagkalapat na pagkalapat ng kanyang mga paa sa lupa ay biglang umikot ang kanyang paningin kasunod nang pagdidilim ng buong paligid.
Muli, isang malakas na sigaw ang narinig niya mula kay Andrea bago siya bumagsak at tuluyang mawalan ng malay.
**
Nasa kanyang silid na si Aurora ng muling magising. Nabungaran niya ang nag-aalalang mukha ng kanyang mama at Andrea sa kanyang tabi.
“Aurora, hija, kumusta ang pakiramdam mo? Alam mo bang pinag-alala mo kami nang husto?” sunod-sunod na tanong nito sa kanya.
“I’m sorry Mama,” aniya sa medyo paos na tinig.
“Buti na lang at mabilis kang nasalo nang isa nating tauhan. You could have injured yourself more kung napatama ka sa kung saan,” alalang-alalang sabi nito. “Ano bang naisipan mo and you jumped off on your horse like that?” may panenermon ang tinig na tanong nito sa kanya.
Napalingon siya kay Andrea. Hindi naman makatingin ng deretso sa kanya ang kapatid.
Hindi naman niya ito masisisi kung sinabi nito ang totoo sa kanilang ina.
Huminga siya ng malalim bago inabot ang kamay nito at pinisil iyon.
“Mama… nagwala si Maliksi. I don’t have any choice then, kaya tumalon ako. Dahil kung hindi ko ginawa iyon baka mas malala pa ang mangyari sa aming pareho,” paliwanag niya dito.
Si Donya Consuelo naman ang bumuntong-hininga. “I know… Kaya sa susunod huwag mo ng papatakbuhin nang ganoon kabilis si Maliksi. It’s too dangerous,” palatak niyo sabay sulyap kay Andrea.
“At kayong dalawa,” anito na siya naman ang nilingon, “I’m warning both of you to stop horse racing. Sinuwerte ka lang ngayon Aurora. Baka bukas makalawa, alin man sa inyong dalawa ang masaktan at hindi ko kakayanin iyon. Naiintindihan n’yo ba ako?”
Nagkatinginan naman silang magkapatid at sabay na tumango. Doon lang tila nakahinga ng maluwag ang kanilang ina.
“Alright. Magpahinga ka na muna. Sabi ni Dr. De Leon natensyon ka nang sobra that’s why you passed out. Wala namang nakitang injury sa ‘yo bukod sa mga maliliit na galos sa binti at braso mo,” anito at tumayo. “I’ll go downstairs. Baka nag-aalala na ang papa mo sa ‘yo. Sasabihin ko gising ka na,” dagdag pa nito bago sila iniwan doon ni Andrea.
Mahabang katahimikan ang namayani sa kanilang dalawa. She knew Andrea was blaming herself from what happened to her. Alam niyang natakot niya ito nang husto kanina when she passed out in front of her.
“Andrea…”
“Ate…”
Panabay pa nilang wika pagkatapos ay sabay na ngumiti.
Tinanguan niya ang kapatid to let her speak. Nawala naman ang mga ngiti sa labi nito and became so serious.
“I’m so sorry, Ate. Kung hindi dahil sa ‘kin, hindi mangyayari ito.” Ani Andrea sa mahinang tinig.
“No, Andrea.” Wika niya kasabay ng pag-iling. “It’s not your fault. Wala namang may alam na may susulpot na kabayo sa harapan namin ni Maliksi kanina. Kaya huwag mo ng paka-isipin ‘yon okay?”
Hindi umimik si Andrea. Nanatili lang itong nakatitig sa kanya na parang maiiyak.
“Ano ka ba? Okay lang talaga ako… Kita mo oh,” saad niya sabay suntok sa hangin ng mga kamao. “See? I’m fine…” nakangiting dagdag pa niya.
Noon muling ngumiti ang kapatid, pagkatapos ay tila may naalala ito sa isip.
“Do you know who carried you when you passed out?” anito sa nananantyang tinig.
Umiling siya. “Who?”
“The same guy who carried you when you were on the ground pagkatapos mong mahulog kay Maliksi. Did you know that guy?” tanong nito na matamang nakatitig sa kanya.
Nabigla naman si Aurora sa sinabi ng kapatid ngunit hindi niya iyon ipinahalata dito. Pakunwaring humilig siya sa kama bago ito sinagot.
“Yeah… I knew him,” pabalewalang sagot niya dito.
“You knew him?” nakataas ang isang kilay na tanong ng kapatid at pagkuwa’y ngumiti. “My gosh! Kaya pala kakaiba ang mga titig niya sa ‘yo kanina,” makahulugang sabi pa nito.
Kinabahan naman siya. “Ano namang connection noon?” tanong niyang pilit isinasantabi ang nadaramang excitement sa sinasabi ng kapatid.
Makahulugan siyang tinitigan ni Andrea ng matagal.
Bahagya naman siyang nailang sa ginagawa nito. “Pwede ba, Andrea? Tigil-tigilan mo ako sa mga ganyang tingin mo,” babala niya rito.
Napangiti naman ito. “I was just wondering kung bakit ganoon na lang makatitig sa ‘yo ‘yung tao. Para bang hanggang sa kaloob-looban mo eh nakikita na niya. Kung hindi lang siguro dahil kina Papa at Kuya Sebastian, baka siya na mismo ang nag-uwi sa ‘yo dito. Super caring, huh?”
Umirap siya sa kapatid. “Kahit naman siguro sa ‘yo nangyari iyon, he would still do the same. Tauhan natin siya sa hacienda, natural na mag-alala ‘yon.”
Mukha namang napahinuhod niya ang kapatid. Nakita niyang tumango-tango pa ito.
“But in fairness to that guy, may itsura ha. At parang hindi siya nababagay na maging tauhan natin sa koprahan,” komento pa nito.
Wala sa sariling tumango siya. “I think so, too.” Sagot niya sabay lingon sa labas ng bintana. Pilit niyang itinatago ang kakaibang damdaming pilit na pinupukaw ni Benedict sa kanya.
Hindi niya alam kung bakit, pero bukod doon ay nakakaramdam din siya ng takot sa dibdib.