bc

Monte Bello Series: Aurora - Forever with You

book_age18+
1.7K
FOLLOW
5.1K
READ
family
second chance
brave
billionairess
heir/heiress
drama
bxg
city
gorgeous
passionate
like
intro-logo
Blurb

After seven years of staying away from her family, Aurora went back to Puerto del Cielo ng malaman niyang ikakasal na ang kapatid niyang si Sebastian. It was not on her plan to stay permanently in the country, pero inunahan na agad siya ng kapatid. Sebastian put her on a position that she couldn't say no.

Pero ng malaman niya kung sino ang makakasama niya sa trabaho araw-araw, muling bumalik ang nakaraang pilit niyang kinakalimutan. Anger, pain, and bitterness once again dominates her heart.

But she was not the same Aurora anymore. Hindi na siya basta-basta umaatras sa laban. Even if it would take her to endure everything she felt before ng iwanan siya nang isang Benedict Madrigal.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
“Can you explain to me what was that all about Kuya?” nagpupuyos ang kaloobang tanong ni Aurora kay Sebastian ng makapasok sila sa opisina nito sa loob ng MBGC building. Dere-deretso itong naupo sa swivel chair doon at siya naman ay sa visitors chair sa harap ng mesa nito. Lumuwas pa ito ng Maynila kasama ang kanilang Mama at si Candice para sa importanteng board meeting na katatapos lang kani-kanina. Sa pagkakaalam niya nasa honeymoon ito at ang asawa, ngunit kagabi lang ay nakatanggap siya ng tawag mula dito at pinapupunta rin siya doon sa hindi niya malaman na kadahilanan. Nagtungo kasi siya ng Maynila pagkatapos ng kasal nito. She was not involved in their family business kaya nagulat na lang siya sa mga narinig sa loob ng board room kanina. And the worst is, naisahan siya ng kapatid! Ayon dito, she was going to be one of the executives of their company na wala naman sa plano niya. And he said it in front of the whole board of directors! “Which exactly are you referring to on that question?” tanong-sagot nito ng hindi siya nililingon. Nasa mga papeles sa harapan nito ang buong atensyon ng kanyang kapatid. “Everything Kuya… Everything!” mariing wika niya. “Well, what you’ve heard back there were all true. Ipinagtapat iyong lahat sa akin ni Papa noong nabubuhay pa siya,” sagot nito habang patuloy lang sa ginagawa. “So you knew about this all along? Bakit hindi mo man lang ako sinabihan?” may himig pagtatampong saad niya. Binitawan ni Sebastian ang mga papeles at tiningnan siya. “For what Aurora? Babalik ka ba ng Pilipinas kung sinabi ko iyon sa ‘yo?” tanong nito. Nang-aarok ang mga mata nitong nakatitig sa kanya. Lumikot naman ang mga mata niya at hindi makatingin ng deretso dito. “That’s not what I meant... Sana man lang inabisuhan mo agad ako ng hindi naman ako nagmumukhang walang kaalm-alam kanina habang ipinakikilala mo ang kapatid natin.” Nagkibit-balikat si Sebastian. “It’s not a big deal. Alam ko namang kahit anong mangyari matatanggap mo ang bagay na iyon.” Huminga siya ng malalim. “How about Kuya Antonio’s wedding? May alam ka ba tungkol doon?” Kanina niya lang din nalaman na ikinasal na ang isa pang kapatid na lalaki. And it was just two days since Sebastian got married! Ibig sabihin after his wedding, ikinasal naman ang Kuya Antonio niya! And she was really surprised. “Hindi mo na kailangan pang malaman ang tungkol sa bagay na iyon. Pero kung desidido ka, si Antonio na lang ang tanungin mo.” Ang may pag-iwas na tugon nito. “I knew it!” bulalas na wika niya. “May kinalaman na naman si Papa dito. Talaga palang hindi pa rin nawawala ang presensya ng makapangyarihang si Don Federico Monte Bello. He’s dead, but he has still the power to manipulate people. Hindi pa talaga siya nakontento sa ginawa niya sa ‘min ni Andrea, huh!” dagdag niya sa mataas na tinig. Hindi na rin siya magtataka pa kung pati s’ya at si Andrea ay may nakatakda na ring pakakasalan sa mga susunod na araw. Sa t’wing maaalala niya ang kanyang ama, bumabalik lang lahat ng sakit at hirap na pinagdaanan niya sa kamay nito. Napataas ang isang kilay ni Sebastian sa ipinapakita niyang reaksyon. “Do you think magpapatali ng ganoon na lang si Antonio?” tanong nito sa kanya sabay iling. “Antonio knows what he was doing at alam kung may iba pa siyang rason kung bakit siya nagpakasal ng biglaan sa anak ni Tito Augusto.” Napatango naman siya. Right. May sariling pag-iisip ang Kuya Antonio. Aniya sa sarili. At bukod doon, napansin niya rin ang kakaibang ikinikilos nito kanina. He was very quiet the whole time na nagme-meeting sila. “Aren’t you gonna asked me about your new position in this company?” ang tanong ni Sebastian na pumutol sa pag-iisip niya. Marahas siyang nabaling sa kapatid. Nasa mga mata niya ang sagot sa katanungan nito. Humalukipkip si Sebastian bago siya sinagot, “Let’s just say that I know what’s running on your mind Aurora,” anito sa mababang tinig. “What do you mean?” “I know your going back to U.S after I got married." “And so? May trabaho ako doon Kuya, baka nakakalimutan mo,” paalala niya rito. He stares at her emotionless. “I didn’t forget about that. That’s why, as of this moment… na-process na ng pinagtatrabahuhan mo ang resignation letter mo.” “What!?” malakas ang tinig na bulalas niya kasabay ng marahas na pagtayo. Nakabibinging tunog ang nilikha ng kanyang iniwang upuan na bahagyang ikinangiwi ng kaharap pero wala siyang pakialam doon. “And who the h*ll told you to do that!?” nanlalaki ang mga matang tanong niya dito. Tumaas-baba pa ang dibdib niya habang pinagmamasdan ang kapatid. Dumilim ang anyo nito. “Watch your mouth Aurora. Baka nakakalimutan mo kung sino ang kaharap mo.” Ang mababa ngunit mapanganib na wika nito. Bahagya naman siyang natigilan sa nakikitang anyo ni Sebastian. Nararamdaman niya ang kawalan ng kapangyarihan sa harap nito. And this is not the right time to argue with his brother. Kahit kailan hindi siya mananalo dito. “You should have told me about it bago mo sana ginawa iyon,” aniya sa mababang tinig at dahan-dahang naupo. Parang nawalan ng lakas ang mga tuhod niya. “There’s no need to do that because I know you will not agree with this.” “Kaya inunahan mo na ako ganoon ba? Dahil alam mo na hindi na ako makakatanggi pa,” pananalakab niya sa sinasabi nito. “Exactly!” anito sabay kibit-balikat. “Alam kong alam mo na oras na umuwi ka dito, hindi ka na makakaalis pa.” Napabuntong-hininga siya. “I didn’t know that Papa still existed,” mapait na wika niya habang nakatitig dito. Nagsalubong ang mga kilay ng kapatid. “And what do you mean by that?” tanong nito. “Looked at yourself… habang tumatagal nagiging kagaya mo na siya.” Ito naman ang bumuntong-hininga. “I am not our father, Aurora. Ginagawa ko lang ang tungkulin ko bilang nakatatandang kapatid ninyo,” depensa nito sa sarili. “Well… alam ko naman iyon. Pero hindi mo maiaalis sa isip ko na sa tuwing magdedesisyon ka ng hindi man lang sinasabi sa akin o sa amin, nakikita ko ang pagkakapareho ninyo ni Papa. The manipulative Don Federico Monte Bello.” Umiling ito. “Maraming mga bagay ang hindi mo pa lubos na nalalaman tungkol sa kanya. Hindi perpekto si Papa, pero nakita ko kung gaano niya tayo kamahal. Somehow, along the way… maiintindihan mo rin ang sinasabi ko,” pagtatanggol pa nito sa kanilang ama. Siya naman ang umiling at bahaw na tumawa. “Kahit kailan hindi ko maiintindihan ang isang kagaya niya, Kuya,” aniya sa mapait pa ring tinig. “Well… who knows Aurora… who knows.” Anito at makahulugan siyang tinitigan. Bigla naman siyang naguluhan sa sinabi nitong iyon, ngunit hindi siya basta-basta magpapatangay ng gano-ganoon na lang. Para sa kanya, puro pasakit at hirap lang ang dulot ng kanilang ama sa buhay niya. And she will never forget what he did to her seven years ago. Never! Tumayo si Sebastian. “Care to know where your office is?” pag-iiba nito ng usapan. She sighed at pagkatapos ay tinitigan niya ito. “If I really don’t have a choice to refuse your decision, can I just at least choose the position I want?” Kunot-noong hinarap siya ni Sebastian. “You don’t want your position?” nagtatakang tanong nito. “I don’t see any reason para tanggihan mo iyon, because I knew you’re very much qualified for that. I am not saying this not just because I am your brother, but because I knew your capabilities. You have a good credentials in America and you already achieved so much there. At sa tingin ko nga over qualified ka pa sa pagiging Marketing Director,” dagdag nito na may kahalong pagmamalaki sa tinig. Lumapit siya sa kapatid at ikinawit ang kamay sa braso nito. “Thanks Kuya… but, no thanks.” Nakangiting wika niya dito. “Mas gusto kong magsimula sa pinakamababang posisyon. Ayoko ng special treatment just because I am the daughter of the late Don Federico Monte Bello. At hindi lahat ng kompanya ay pare-pareho, Kuya. Gusto kong mas mapag-aralan pa ito nang husto. At kung gusto mong manatili talaga ako dito, you’ll give me what I want,” aniya sa tonong hindi na ito makakatanggi pa. Napailing na lang ito. Alam nitong likas din sa kanya ang pagkakaroon ng determinasyon at paninindigan sa isang desisyon na isa sa mga nakakainis at nakakahangang karakter ng mga Monte Bello. Para ano pa nga ba at naging isa siyang Monte Bello kung hindi niya magagamit ang katangiang iyon sa nakatatandang kapatid. “Fine… fine…” ang sumusukong saad nito. “What position do you want then?” tanong nito. Nagkibit-balikat siya. “An office personnel perhaps?” aniya Tumango-tango ito. “If that’s what you want then, let’s go.” Yaya nito sa kanya. Napataas naman ang kilay niya. “Ganoon kabilis Kuya?” may himig pagbibirong tanong niya dito. “Baka kasi magbago pa ang isip mo,” nakangiting tugon nito at sabay na silang lumabas ng opisina nito. Natatawa na naiiling siya habang naglalakad kasabay nito. Dumeretso sila sa isang opisina kung saan may nakalagay na Finance Department sa labas ng pinto. Agad niyang binawi ang kamay na nakakawit sa braso ng kapatid at seryosong sumunod dito. Nagsipagtayuan ang mga empleyado doon ng dumaan ito kasabay ng pagbati. Ngiti at tango lang naman ang isinagot ng kanyang Kuya sa mga ito. Matapos lagpasan ang mga empleyado ay tinungo nila ang isang nakasaradong pintuan. Kumatok doon si Sebastian. “Come in,” anang baritonong tinig na nagmumula sa loob. Mabilis namang binuksan ni Sebastian ang pinto at nagtuloy-tuloy sa loob nang di-kalakihang opisinang iyon. Naabutan nila doon ang isang lalaking nakatalikod at abala sa mga papeles na isinasalansan nito sa filling cabinet sa likod ng lamesa nito. “What can I do for you?” anito sabay lingon sa kanila na ikinagulat nito nang husto lalo na ng mapadako ang tingin nito sa kanya. Pero kung nagulat ang lalaking kaharap nila, mas lalo naman si Aurora ng makilala kung sino ito. Pakiramdam niya tumigil sa pag-ikot ang mundo. Even her heart stops beating for a moment at tulalang napatitig na lang siya dito. Matagal na naghinang ang kanilang mga mata. Animo may sariling isip ang mga iyon na ayaw bumitaw sa isa’t isa. Malakas na tumikhim si Sebastian na siyang bumasag sa tila mahikang bumabalot sa kanila. Agad namang binawi ng lalaki ang mga tingin nito sa kanya at pagkatapos ay marahang humakbang patungo sa kanila. “Good morning, Sir,” bati nito na kay Sebastian na nakatingin. His brother just nodded on him. Sir!? Anong ibig sabihin nito!? Tanong ni Aurora sa sarili habang pinaglilipat-lipat ang tingin sa dalawang lalaki. “What’s the meaning of this, Kuya?” hindi na nakatiis na tanong niya sa kapatid ng makabawi sa pagkabigla. She looked at him in the eyes with confusion. Seryoso namang sinalubong nito ang mga mata niya. “Meet your new boss, Mr. Benedict Madrigal,” walang kagatol-gatol na sabi nito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.3K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook