Tila naman nabingi si Aurora sa kanyang narinig.
“What!?” malakas ang tinig na tanong niya sa kapatid. Halos maglabasan na ang mga ugat sa leeg niya sa pagkakasabi niyon.
Namimilog ang mga matang tiningnan niya ang kanyang kuya na seryoso pa ring nakatitig sa kanya. Tila may pilit itong binabasa mula doon.
Umiling siya.
This is not happening! This is not happening! Sigaw ng isipan niya.
“What is this, Kuya? Another joke?” ang hindi pa rin makapaniwalang tanong niya dito. Pakiramdam niya biglang sumakit ang ulo niya na parang puputok iyon.
“I am not joking Aurora. Simula bukas, si Mr. Madrigal na ang magiging bago mong boss,” malumanay pero mariin ang pagkakasabing iyon ni Sebastian sa kanya.
Nanlamig siya bigla. Nanginginig ang mga tuhod na napahawak siya sa braso ng kapatid dahil pakiramdam niya anumang sandali ay bibigay ang mga iyon.
“No!” aniya at mariing umiling.
How could she ever forget this man? How could she ever forget what he did to her?
Isa ito sa mga dahilan kung bakit siya umalis ng Pilipinas noon. He was also the same reason kung bakit ayaw na niyang bumalik pa sa bansa.
And now that she finally comes back at ngayong kaharap na niya ito, unti-unting bumangon ang galit na nasa dibdib niya. She wanted to shout and punch him, but she has no strength to do so.
After all these years, dito pa talaga sila magkikita. Dito pa talaga sa kompanyang pag-aari nila? At papaano ba naging empleyado ito doon?
Biglang nagbago ang anyo niya.
Walang emosyong nilingon niya ang kapatid. “Why is he here, Kuya? Anong ginagawa ng lalaking iyan dito!?” nanggigigil na tanong niya at halos maglagutukan ang mga ngipin niya sa pagkakasabi niyon.
Her eyes was burning with so much anger. At alam niyang alam ni Sebastian kung saan nanggagaling ang lahat ng iyon.
“Calmed down, Aurora. Matagal na siyang empleyado dito. In fact, si Papa mismo ang nag-hire sa kanya,” paliwanag ng kapatid.
Bahaw siyang napatawa. “Si Papa?” ang di-makapaniwalang tanong niya dito. “Papaanong si Papa ang magpapasok sa kanya dito ay hindi naman niya gusto ang lalaking iyan from the very beginning,” mariing wika niya.
Hindi niya makuhang banggitin o tingnan man lang ang lalaking tinutukoy. Ikamamatay niya kapag ginawa niya iyon. Ganoon katindi ang galit na nadarama niya para sa lalaking ito.
Bumuntong-hininga si Sebastian. “Believed me Aurora… Si Papa mismo ang nag-recruit sa kanya noon pa,” sagot nito.
Napailing na lang siya sa birong iyon ng kapalaran. Ngayon higit kailanman, gusto na niyang lumipad pabalik ng Amerika.
She already did that seven years ago. Ngayon pa ba siya matatakot na gawin iyon? Ngayon pang wala na ang ama nila at wala na ring makakapigil pa sa kanya.
Ngunit, magmumukha naman siyang katawa-tawa at talunan kapag tumakas siyang muli. It’s better to face this man now, than runaway all her life.
Hindi siya ang nagkasala noon, at lalong wala siyang pagkakasala ngayon.
She was the one they deceived before… by his father… and this man. At hindi siya makapapayag na hindi nito pagsisihan ang ginawa nito noon sa kanya. Kahit iyon man lang ay magawa niya para sa sarili.
She wasn’t a vindictive type of person pero ngayong nakaharap niya itong muli, mukhang hindi maiiwasang maging ganoon siya. She wanted to hurt him just like what he did to her.
Samantalang, si Benedict naman ay mataman lang nakatitig kay Aurora. Matagal ng panahon na hindi niya ito nakikita, pero wala pa rin itong ipinagbago. Mas lalo pa nga itong gumanda ngayon.
Her long curly brown hair was tied uncaringly leaving a few strands laying on her almond shape face. Her dark brown eyes with thick eyelashes was ranging with so much anger. At alam niyang siya ang dahilan niyon.
Her small pouted lips na nananatiling nakaawang ng mga sandaling iyon ay maraming pinupukaw na damdamin sa kaloob-looban niya. At lalo yatang tumingkad ang pagiging mestiza nito dahil sa pagtira nito sa Amerika.
He sighed. Kung hindi siya titigil ay baka kung saan pa humantong ang mga iniisip niya.
Hinarap niya si Sebastian. “Did I heard it right, Sir? Magiging empleyado ko na si Miss Monte Bello?” kunot-noong tanong niya dito.
Naguguluhan siya sa mga nangyayari. Paanong ang isang Monte Bello ay magiging isang personnel lang ng opisinang iyon? Imposible naman yata.
“Yes, Mr. Madrigal.” Sebastian answered firmly. “She wanted to know more about our company. And she wanted to learn it from the very beginning. Right, Aurora?” Tanong sa kanya ng kapatid at isang warning looked ang ibinigay nito sa kanya.
“But, Kuya…” nasa himig niya ang matinding pagtutol sa sinasabi nito.
“No more buts Aurora... I already settled your propositions. You said you want to start being an office personnel, so I am giving that to you.”
Nalilitong nag-isip muna siya bago muling sumagot, “But there were lots of offices out there. Bakit dito pa?” pangungumbinsi pa niya dito.
She wanted to rely a message to her brother that this is a life and death for her, subalit nanatili lang tikom ang bibig nito.
Ngayon niya pinagsisisihan kung bakit hindi pa niya tinanggap ang offer nito kanina. Disin sana’y hindi niya makakaharap ang lalaking ito ngayon.
Isang matalim na tingin ang ibinigay niya kay Benedict, bago muling hinarap ang kapatid.
“Alright… You win. Alam ko namang hindi ka magpapatalo kapag pinagdiskusyunan pa natin ito,” napapahinuhod na sabi niya sa kapatid.
Tumango si Sebastian. “Mabuti na ‘yong nagkakaintindihan tayo,” anito at pinakatitigan siya. “At huwag na huwag mong maiisipang tumakas sa mga tungkulin mo. Dahil oras na gawin mo iyon, ako mismo ang magbabalik sa ‘yo dito. Malinaw ba iyon?” tanong nito sa mapanganib na tinig.
Walang nagawa si Aurora kundi ang tumango. Ano pa nga bang magagawa niya? Naririto na siya at mas maigi ng harapin na niya ang lahat kaysa muling talikuran iyon.
“Good. Ikaw na ang bahala sa kapatid ko Mr. Madrigal,” ani Sebastian na kay Benedict na muli nakatingin.
Tumango naman ito. “Don’t worry, Sir. She will learn everything she wants in this department,” anito sabay sulyap sa kanya.
Hindi naman mapigilan ni Aurora ang pagsikdo ng kanyang dibdib dahil sa ginawa nito. This man hasn’t changed at all. Malaki pa rin pala ang epektong dulot nito sa katauhan niya.
“Okay… We’ll go ahead,” Sebastian said and headed to the door.
“Kuya…” aniya na nagpatigil dito sa akmang pagbubukas ng pintuan.
Nilingon siya nito na nakakunot ang noo. She was still standing there in the middle of Benedict’s office.
“What is it this time Aurora?” iritableng tanong nito sa kanya.
“Please tell him that I don’t want special treatment and I don’t want this whole office know who I really am. Baka mailang ang mga katrabaho ko kapag nalaman nila kung sino talaga ako.” Hindi iyon pakiusap kundi isang utos sa kapatid.
Napataas ang kilay nito sabay baling kay Benedict.
“You heard her, right?” tanong nito sa lalaki.
Tumango naman si Benedict. “Yes, Sir. Loud and clear.” Mabilis nitong sagot na para bang may balak pa siyang tumanggi kung hindi nito gagawin iyon.
Siya naman ang sinulyapan ni Sebastian. His brother’s eyes showed that he was in the verge of getting mad at her. “May ipag-uutos ka pa ba?” sarkastikong tanong nito.
Umiling siya.
“Then, let’s go.” Anito sabay talikod.
She sighed at walang kaemo-emosyong sinulyapan si Benedict bago lumabas ng opisina nito head high. May pakiramdam siyang sinusundan siya nito ng tingin hanggang sa makalabas doon.
She wanted to look back, but she stop herself from doing so. Hindi niya hahayaang bigyan ito kahit na katiting na ilusyon. He won’t get anything from her.
Not this time…
**
She didn’t went out with her family upang i-celebrate ang kasal ng kanyang Kuya Antonio at ni Letizia. Wala siyang oras para sa bagay na iyon. She wanted to condition herself sa kakaharaping trabaho bukas at anino ng kanyang kahapon.
Dumeretso siya sa condominium na pag-aari ng kanilang pamilya. Her brother gave her the access on the penthouse na sila lamang magkakapatid ang gumagamit when they were at the city.
Pagpasok doon ay nagtuloy-tuloy siya sa silid at ibinagsak ang sarili sa kama. She starred blankly at the wall while thinking.
She still couldn’t believe what happened back there at their company. Hindi pa rin mawala-wala sa isip niya ang sinabi ni Sebastian kanina that Benedict was personally hired by her father. Because he never likes him from the very start.
Mula ng malaman ng kanyang Papa ang tungkol sa kanila ng lalaki noon, she never saw her father talked nor see Benedict in the eyes. Palagi nitong itinataboy ang binata sa tuwing magtatangkang kausapin nito ang kanyang ama. Kaya palaisipan sa kanya kung papaanong ito mismo ang nag-hire sa taong isinusuka nito noon.
At ang isa pang nakakapagtaka, papaanong napapayag si Benedict ng kanyang ama, gayong sa pagkakaalam niya noon, malaki din ang galit nito dito?
Her mind were full of many questions at wala namang ibang makakasagot sa mga iyon kundi si Benedict. But she will never do that. Hindi niya kailangan ng paliwanag nito.
Ito at ang kanyang ama ang pinag-ugatan ng lahat ng sakit na dinanas niya sa loob ng matagal na panahon. At kahit na kailan hindi iyon maaalis sa puso at isip niya.
She will never forget what they did to her ever!