Chapter 3

1716 Words
Seven years ago… “Ate Aurora… Ate Aurora... Gising…” ang wika ni Andrea sa may punong tenga niya habang may pagmamadaling niyuyugyog ang kanyang mga balikat. “Uhhh… Andrea it’s Saturday. Please let me sleep more,” aniya habang nananatiling nakapikit ang mga mata. Hindi niya alam kung anong oras na siya nakauwi kagabi. Nagkayayaan kasi sila ng barkada niyang lumabas. “Ate bumangon ka na riyan. Baka mas lalo ka lang malintikan kay Papa kapag hindi mo siya binaba,” ang nagpapanic na wika nito na nagpamulat sa kanyang mga mata. Nagtatanong na tiningnan niya ito na nakaupo sa gilid ng kanyang kama. “Papa found out what you did last night,” anito sa nag-aalalang tinig. Nagsalubong ang mga kilay niya. “What do you mean? What did he found out?” naguguluhang tanong niya dito. “Here. Read this.” At ibinigay nito ang hawak na dyaryo sa kanya. Nalilito namang tinanggap niya iyon. She read the headline at nanlalaki ang mga mata niya habang binabasa iyon. “This isn’t true!” malakas na wika niya habang nakatitig sa frontpage ng pahayagan. The headline had her picture together with her friends saying group of elite young women in Puerto del Cielo had a drug party last night! Dali-dali niyang hinagilap ang telepono at tiningnan kung may mga messages siya na dumating, pero ni isa sa kanyang mga kaibigan ay hindi pa nagte-text. Marahil ay tulog pa rin ang mga ito hanggang ngayon. Maya-maya’y nakarinig sila ni Andrea ng mabibigat na mga yabag mula sa labas ng kanyang silid. Nagkatinginan silang magkapatid at bigla siyang kinabahan. Padarag na bumukas ang pintuan noon at bumungad ang kanilang ama na si Don Federico na umaapoy sa galit ang mga mata, habang kasunod nito ang kanilang ina na si Donya Consuelo na kababakasan ng pagkabahala ang mukha. “P-Papa…” nauutal na wika niya at biglang napahawak sa kamay ni Andrea na nasa tabi niya. “What was this all about, Aurora!?” ang dumadagundong na tanong nito sabay hagis ng dalang pahayagan sa harapan niya. “Explain it now!” gigil na gigil na utos nito. Mas lalo siyang kinabahan at natakot sa nakikitang galit nito. “P-Papa… I-I didn’t do it… we didn't do it,” she said in a very low voice while stammering. “What do you mean you didn’t do it?” gagad na tanong nito. “This news wasn’t true! Hindi totoong drug party iyon…” nanginginig ang tinig na paliwanag niya dito. “How do you want me to believe you?” he then asked her. His eyes was full of doubt while looking at her. “It’s true Papa! I am telling you the truth!” mabilis niyang tugon. “Federico, please… Listen to her first,” pamamagitan ng kanyang ina sa kanila ng kanyang ama. Nilingon ni Federico ang asawa. “Ano pa bang ginagawa ko, Consuelo?” tiim-bagang na tanong nito sa asawa. Hindi naman nakaimik si Consuelo. Wala itong nagawa kundi nagpapaumanhing tiningnan lang siya. “I am not allowing you to be so carefree para lang gawin ang bagay na ito. At drugs pa! Did you even think the extent of this news!? Paano kung makarating ito sa mga investors natin? Sa mga kakilala at kaibigan? Ano na lang ang sasabihin nila?” Sunod-sunod na tanong nito sa hindi nagbabagong tono. “But Papa… believed me, we didn’t do anything wrong. I didn’t do anything wrong! Hindi totoo ang nasa news!” patuloy na pangungumbinsi niya dito. Alam niya na sa oras na kumalat ang balitang iyon, may posibilidad na ma-suspend siya. Or else, mapatalsik sa paaralang pinapasukan. Subalit, ang totoong ikinakatakot niya ay ang galit na nakikita sa mga mata ng ama. Hindi nito palalagpasin ang nangyayaring iyon and she will pay for it for sure. Nag-isang linya ang mga kilay ng kanyang ama. “Stand up and get dress properly,” utos nito. Nagkatinginan silang tatlong mag-iina. “Where are we going?” tanong niya dito. “Sa police station,” maikling tugon nito at mabilis na tumalikod. “What!?” napatayo siya bigla sa kama at hinabol ang ama. “Are you going to send me to jail?” nagpa-panic na tanong niya rito. Ito ba mismo ang magpapakulong sa kanya? No! Hindi maaari! Hindi ako papayag! Wala akong ginagawang masama! Sigaw ng isip niya. Pero hindi ito kumibo. Nanatiling tikom ang bibig nito at dere-deretsong bumaba. Tumigas ang kanyang anyo at punong-puno ng hinanakit na sinundan niya ng tingin ang ama, pagkatapos ay nagtungo siya sa banyo at nagbihis. She will proved to him that it was all a lie. Paglabas niya ng banyo ay nakaabang na doon ang kanyang mama at si Andrea. “Hija, just follow what your Papa would say to you. Alam kong hindi ka niya pababayaan,” anito na bakas sa mukha ang matinding pag-aalala. “Oo nga, Ate... tama si Mama. Mas maigi na ‘yong makinig ka na muna kay Papa. This is a big issue and you know the consequences once our school heard about this,” paalala naman nito sa kanya. Isang tango lang ang itinugon niya sa dalawa pagkatapos ay tumuloy na sa ibaba. Nasa kotse na ang kanyang ama at doon siya hinihintay. Mabilis siyang sumakay sa tabi nito sa likuran ng sasakyan. “Dolfo sa presinto tayo,” utos nito sa personal driver ng makasakay siya. Tahimik lang namang sumunod ang matandang driver. Wala silang imikan ng ama hanggang sa makarating sa presinto. She knew her father well. Hindi ito basta-basta naniniwala sa sinasabi nang isang tao ng walang sapat na pruweba kahit pa sarili nitong anak. He always make sure na may basehan ang lahat bago ito mag-desisyon, because his name was at stake here. Ang pangalan nitong pinakaiingat-iingatan at aayaw madungisan. Iyon lang naman ang importante dito. Pagkarating sa presinto ay agad silang inistima ng mga pulis doon at pinaderetso sa opisina ng hepe. Kilala sa buong Puerto del Cielo ang kanyang ama dahil ito ang pinaka-mayaman at pinaka-makapangyarihang tao doon. Malakas din ang connection nito hindi lang dito sa kanila, maging sa iba pang lugar sa Pilipinas ay ganoon din dahil sa galing nito sa negosyo. Kaagad silang nilapitan ng hepe pagpasok pa lang sa opisina nito. “Don Federico, ano pong maipaglilingkod ko sa inyo?” ang magalang na tanong nito sa kanyang ama. “I want my daughter to be drug tested,” walang kagatol-gatol na sagot nito sa nabiglang pulis. “Ano hong ibig ninyong sabihin?” naguguluhan pang tanong nito. “Haven’t you read the news?” iritableng tanong ng kanyang ama dito. Napakamot naman sa ulo ang hepe. “Pasensya na Don Federico, pero hindi ho ako mahilig magbasa ng dyaryo,” hinging-paumanhin nito. “P'wes mula ngayon matuto ka ng magbasa,” padarag na sabi nito at nilagpasan ang hepe at naupo sa upuan doon. Iiling-iling naman ang hepe na sumunod dito habang si Aurora ay tahimik lang sa isang tabi. “Hanggang anong oras ako maghihintay dito?” ang ma-awtoridad na tanong ni Federico sa pulis na kaharap. Nasa tono nito ang pagkainip. “Sandali lang ho, Don Federico, tatawagin ko lang ho ang head ng anti-illegal drugs upang maipa-test ang inyong anak.” Anito at dinampot ang telepono at tinawagan ang nasabing departamento. Wala pang ilang sandali ay nasa loob na ang tinawag ng hepe at binigyan nito ng instructions, pagkatapos ay pinasama na siya dito upang ma-examine. She was sure na kakaiba ang tinging ibinibigay sa kanya ng mga kapulisan doon lalo pa’t alam ng mga ito kung sino siya. But, she just ignored them. Alam niya sa sarili na wala siyang ginagawang masama. She was just here to prove to his father that she was telling him the truth. Pagkatapos niyang ma-examine ay bumalik na siya sa opisina ng hepe. Tumayo agad ang kanyang ama ng makita siya. “I want the result this afternoon,” anito sa hepe. “Yes, Don Federico. Ako ho mismo ang magdadala noon sa inyo mamaya,” mabilis na sagot nito kasabay ng pagtango. Pagkarinig noon ay walang paa-paalam na lumabas ng opisina nito ang kanyang ama kasunod siya. Nasisiguro niyang pera na naman ang pinagana nito. Pagdating sa kanila, sa halip na magtungo sa kanyang silid ay nagtungo siya sa kwadra at kinuha doon ang kabayong si Maliksi. Isa iyong kulay pulang high breed stallion. Mabilis niyang pinatakbo ang kabayo ng walang tamang dereksyon. She wanted to escape from her father’s eyes. Dahil habang wala pang resulta ang drug test niya, alam niyang pag-iinitan lang siya nito. She also wanted to breathe and refresh her mind, dahil sa mga nangyayari. Nakarating siya sa isang abandonadong kubo malapit sa may koprahan. Nasa mataas na bahagi iyon ng kanilang lupain na walang masyadong puno. Itinali niya si Maliksi sa isang punong mangga at sumandal doon, pagkatapos ay hinayon ng kanyang mga mata ang walang hanggang maberdeng kabundukan. It gave her peace of mind. Unti-unting binubura noon ang mga alalahanin sa isip niya pati na ang kaba at takot na kanina pa niya nararamdaman habang kasama ang ama. Bilang anak ni Federico Monte Bello, kinakailangan nila nang ibayong pag-iingat upang hindi madungisan ang pangalan nito. Malaya man silang gawin ang mga gusto nila, in a way na pinapayagan sila nitong magbarkada at lumabas, ngunit pagdating sa pagdedesisyon para sa kanilang mga sarili, ito pa rin ang nasusunod. She was a graduating student of Business Management in Puerto del Cielo University. A course that her father chooses for her. At first, she didn’t like it. But, as time goes by, unti-unti niya na rin iyong nagugustuhan. Well in fact, she really enjoyed it! Pakiramdam niya it was really the right path for her. Kaya naiisip niya rin na minsan ay tama naman talaga ang ginagawa nitong desisyon para sa kanilang apat na magkakapatid. Bumuntong-hininga siya at pagkuwa’y pinuno ng sariwang hangin ang dibdib. Then, tatayo na sana siya nang biglang may magsalita mula sa kanyang likuran. “Huwag kang kikilos,” marahang utos ng boses nang isang lalaki na nagpahilakbot sa kanya. Pakiramdam niya nagtaasan lahat ng balahibo niya sa katawan. On her instinct, agad niyang itinaas ang dalawang kamay. Is he going to kidnap me? Natitilihang tanong niya sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD