“Anong kailangan mo sa akin?” matapang na tanong ni Aurora sa nanginginig na tinig. Nanatili siya sa kanyang posisyon habang malakas na malakas ang pintig ng kanyang puso.
Ngunit, wala siyang narinig na tugon mula dito. At pagkalipas lang ng ilang sandali ay marahas na nagdadamba ang kabayo niyang si Maliksi.
Lalong linukob ng takot ang kanyang dibdib. What was he really doing? Baka pinapatay niya si Maliksi! Nagpa-panic na wika ng isipan niya.
Lahat na yata ng posibleng mangyari sa kanya ay pumasok na sa kanyang isip.
Kikidnapin siya nito, gagahasain, papatayin, ihuhulog sa bangin, ililibing ng buhay at kung anu-ano pa.
Maya-maya’y mahihinang yabag papalapit sa kanya ang sunod niyang narinig. At kasabay noon ang papabilis na papabilis na t***k ng kanyang puso.
Tumigil ito ilang hakbang mula sa kanya. She wasn’t aware of what he was going to do pero ramdam niya ang nanunuot na mga titig nito sa likuran niya.
Tumikhim ito ng malakas na nagpapitlag sa kanya.
“Pwede ka ng gumalaw,” narinig niyang saad nito na ikinakunot ng noo niya.
There was a fascination on the tone of his voice. Parang nasisiyahan ito na hindi niya mawari.
Unti-unti niyang ibinaba ang mga kamay kasabay ng dahan-dahan niyang pagharap dito. And when she finally saw the face of the stranger, she was caught-off-guard at hindi agad siya nakapagsalita.
The man was taller than her. Bagsak ang may kahabaang buhok nito na umaabot hanggang sa may tenga nito. Matangos ang ilong at may kakapalan ang mapupulang mga labi. He also has a fair skin at may malaking pangangatawan.
But, God, his eyes! Kakaiba kung makatitig ang mga iyon! Itim na itim iyon na para bang nanunuot hanggang sa kaibuturan ng kanyang kaluluwa na nagpapatindi nang husto sa kabang kanina pa niya nararamdaman.
Marahan itong lumapit sa kanya and touch her chin. “Baka mangalay kayo,” anito habang isinasara ang kanyang bibig na ikinapamula naman ng kanyang mga pisngi. Hindi niya namalayang nakanganga na pala siya habang tinititigan ito.
Mabilis niyang pinalis ang kamay nito. “Who are you?” inis na tanong niya dito upang matabunan ang nadaramang pagkapahiya.
“I’m Benedict Madrigal, Señorita.” Sagot nito na ikinataas ng kilay niya.
Señorita? Ibig sabihin tauhan nila ito. Pero bakit ngayon lang niya ito nakita doon? At bakit parang hindi naman bagay dito na maging tauhan lang nila? She heard him speak fluently in foreign language na parang sanay na sanay ito doon.
Hinagod niya muna ito ng isang mabilis na tingin bago muling nagsalita, “Tauhan ka ba namin?”
Marahang tumango ang lalaki. “Pamangkin po ako ni T’yang Andeng. Siya po ang nagpapasok sa akin dito.”
She knew who he was referring to. Manang Andeng was their mayordoma on the casa at malapit siya dito. Pero wala namang nababanggit ang mayordoma nila tungkol sa pamangkin nito na nagtatrabaho sa hacienda.
She starred at him. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit hindi niya magawang iiwas ang mga tingin dito.
“If you’re new here then, what are you doing here?” tanong niya dito na may kahalo pa ring pagdududa sa tinig niya.
Kumamot ito sa ulo. “Dito po ako madalas na tumatambay kapag tapos na ang trabaho sa koprahan,” anito.
Marahan siyang tumango. “Alam mo bang tinakot mo ako kanina?” deretsahang sabi niya dito sabay halukipkip ng mga braso.
“Pasensya na ho kayo, Señorita. May ahas ho kasi—”
“What?! A snake?! Where!? Nasaan!?” napatalong sabi niya at kaagad na kumapit sa may braso nito habang takot na takot na inililinga ang mga mata sa paligid.
She wasn’t aware na habang ginagawa niya iyon ay mataman siyang pinagmamasdan ng lalaki. Aliw na aliw ito habang tinititigan siya.
Hinarap niya ito ng mapunang hindi ito sumasagot. “Pinaglalaruan mo ba ako?” salubong ang mga kilay na tanong niya dito.
“Hindi ho,” anito sabay iling.
“Then where the h*ll exactly that snake is?” nanlalaki ang mga matang tanong niya dito. Mahigpit pa rin ang mga kamay niyang nakakapit sa braso nito.
“Ibinalik ko lang po sa itaas ng punong mangga.” At pagkasabi niyon ay hinayon nito ang lugar kung saan naroroon ang ahas.
“What?!” aniya at sinundan ng tingin ang hinahayon ng mga mata nito. Naroroon nga ang isang hindi naman gaanong kalakihang ahas na kulay berde. “Are you insane? Bakit hindi mo pinatay? Paano kung tuklawin ako niyan o kaya si Maliksi?” sunod-sunod na tanong niya dito.
“Tsk… tsk… Señorita, wala naman po yang kamandag at hindi naman po iyan basta-basta nanunuklaw unless ginawan mo siya ng masama,” tila nakakalokong paliwanag nito sa kanya.
Pero hindi niya ito pinansin. Hindi pa rin siya kumbinsido sa paliwanag nito. At mas lalo pang humigpit ang pagkakahawak niya sa braso nito.
“Eh paano kung manglingkis iyan? Hindi ba nakakatakot ‘yon?”
“Alam n’yo Señorita…” anito sabay baklas sa mga kamay niyang tila bakal na nakakapit dito, “kung manlilingkis man iyan, hindi sa inyo… kundi kay Maliksi,” dagdag pa nito.
“Ganoon ba?” saad niya habang nakatingin pa rin sa ahas. “Then why did you told me to stop moving a while ago?” naalala niyang itanong dito.
“Dahil baka madambahan kayo ng kabayo ninyo dahil papunta na sa kanya ‘yong ahas kanina.”
Napatango na lang siya kasabay ng isang buntong-hininga. “Thanks anyway,” aniya dito at lumapit na kay Maliksi. Kinalas niya ang pagkakatali nito sa punong mangga at lumulan ng muli sa likuran noon.
Hindi na siya nagpaalam sa lalaki. Mabilis niyang pinasibad ang kabayo papalayo sa lugar na iyon. She wanted to stay a bit longer upang makasama pa ng matagal ang lalaki pero nag-aalala siyang baka hinahanap na siya sa casa. Sigurado siyang sa mga sandaling ito ay hawak na ng kanyang papa ang resulta ng drug test niya.
Pagdating doon, inaabangan na siya ni Andrea sa salas nila. “Where have you been Ate?” bungad na tanong nito pagkakita sa kanya.
“Dumating na ba ang resulta?” sa halip ay tanong niya rito.
“Oo. Kausap ngayon ni Papa si Hepe. Kararating-rating niya nga lang, eh.” Anito na may himig pag-aalala pa rin sa tinig.
Nginitian niya ang kapatid upang mawala na ang pag-aalala nito. “Don’t worry, Andrea. Hindi ako nagda-drugs, okay? I will never do that.”
Tumango naman ito. “I know you won’t do that. As far as I know, takot kang mapagalitan ni Papa,” sagot nito na totoo naman.
Sino ba namang hindi matatakot sa ama nila? Kapag nagkakamali sila daig pa nila ang bibitayin sa tindi ng galit nito.
He always doubted them. Para bang wala naman talaga silang ginagawang tama sa mga mata nito. Kahit na nga ang Kuya Sebastian at Antonio niya, mahigpit din ito.
Narinig nilang bumukas ang pintuan ng library ng ama at lumabas doon ang hepe kasunod ito.
“Mauna na ho ako, Don Federico. Kapag may kailangan pa ho kayo, itawag niyo na lang ho kaagad sa akin,” ang wika ng hepe habang nakikipagkamay sa kanilang ama.
“Salamat, Hepe.” Anang kanilang papa.
Inihatid nito ng tingin ang hepe hanggang sa makaalis. At nang masigurong wala na doon ang pulis ay dumako ang mga mata nito sa kanilang dalawa ni Andrea.
“You, two, come inside.” Makapangyarihang utos nito.
Nagkatinginan silang dalawa pagkatapos ay magkahawak-kamay na pumasok sa library.
Naupo ang kanilang papa sa swivel chair nito. “Your drug test is negative,” pagbabalita nito sa kanya.
Nakangiti namang tiningnan siya ni Andrea and she mouthed her ‘I told you' na nakangiti din.
Pero, pareho lang ding nabura ang mga ngiti sa mga labi nila ng magsalitang muli ang kanilang papa.
“Starting today you can no longer go out with your friends,” mariing wika nito habang blangkong nakatingin sa kanila ni Andrea.
“But Papa—” panabay na protesta nilang dalawa na hindi rin naman nito pinatapos.
“No more buts Andrea… especially you Aurora,” maawtoridad na wika nito. “Pinatunayan mo lang sa akin na hindi ko dapat kayo hinahayaang gawin ang mga gusto ninyo,” dagdag pa ng kanilang Papa habang mataman nakatingin sa kanya.
Pero hindi siya nagpatalo dito. “I understand that you wanted to punish me, but Andrea doesn’t have to do with this. Bakit pati siya idadamay ninyo sa kasalanan ko?” mariing kontra niya sa sinasabi nito.
Alam niya kung gaano pinahahalagahan ng kapatid ang kalayaan nito. Ayaw nitong pinipigilan sa mga bagay na gusto nitong gawin.
“Why don’t you asked yourself, Aurora?” tiim-bagang na tanong nito. “Because of what you did, our investors had a bad impression on me as a father. That’s why I can no longer trust you anymore, kayo ng mga kapatid mo,” galit ng wika nito.
“D’yan naman kayo magaling, eh. Puro na lang negosyo ninyo ang iniisip ninyo. You don’t even bother to ask us kung masaya pa ba kami o hindi sa mga ginagawa ninyo sa amin,” ang hindi na niya napigilang sumbat sa ama.
Nanlilisik ang mga mata nitong tumayo sa kinauupuan. “What did you say?” naglalagutukan ang mga ngiping tanong nito sa kanya.
“Eh, totoo naman eh! You always prioritize your businesses. Puro na lang negosyo at mga kasosyo ninyo ang mahalaga sa inyo. Ni minsan hindi n’yo man lang naisip na tanungin kami when you were making a decision for us. Bawal kaming humindi. Because for you, you were always right.” Aniya at pagkasabi noon ay tinalikuran niya na ito.
Nagmartsa siya palabas ng library ng hindi man lang ito nililingon.
“Hindi pa tayo tapos mag-usap, Aurora!” ang dumadagundong na wika nito ngunit para siyang walang naririnig. “Bumalik ka dito! Aurora! Aurora!” nagtutungayaw na turan nito.
Hanggang sa makarating siya sa kanyang silid ay naririnig pa rin niya ang boses ng kanyang ama. Hindi rin naman siya pakikinggan nito kaya walang silbing makipagtalo pa siya dito.
Normal na ang ganitong tagpo sa pamamahay nila. Sa kanilang apat na magkakapatid, silang dalawa ni Andrea ang madalas makasagutan ng kanilang papa. Her Kuya Sebastian and Antonio were very obedient to their father. Kaya mas lamang ang atensyong ibinibigay nito sa dalawa.
Ngunit, hindi niya alam kung paano iyon nagagawa ng dalawa niyang kuya na sa tuwina naman ay palagi ring napapagalitan ng kanilang ama. Maybe, they were really just matured enough para matiis ang lahat ng gusting mangyari ng kanilang ama para sa mga ito.
Napabuntong-hininga siya at napaisip sa sarili. May pag-asa pa kayang magbago ang kanilang papa?
“I doubt that,” ang siya ring sagot niya sa sariling katanungan.