Chapter 5

1548 Words
Nagmamadali sa pagpasok si Aurora kina-Lunesan. Tanghali na siyang nagising. Kundi pa siya pinuntahan ni Manang Andeng sa kanyang silid upang gisingin ay baka hanggang sa mga sandaling iyon ay natutulog pa rin siya. Lakad-takbo siyang nagtungo sa lecture hall ng business management. May pagka-istrikto pa naman sa oras ang propesora nila and she didn’t want to be on her bad side. Baka lalo lang siyang mapag-initan ng kanyang papa ‘pag nagkataon. Dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan at pumasok doon praying her professor wasn’t there yet. But to her dismay, she was already there and about to start their lecture. “Good morning, Miss Monte Bello. You’re late.” Her professor said in a bit sarcastic tone. Para namang iisang taong napatingin sa kanya ang mga kaklase niya. “I’m sorry, Prof. This won’t happen again,” aniya sa mababang tinig. Mataman siya nitong tinitigan pagkatapos ay tumango. “You may sit down,” maya-maya’y sabi nito. Nagmamadali naman siyang naupo sa isang bakanteng upuan. Hindi na niya pinag-aksayahang hanapin pa ang kanyang mga kabarkada dahil baka lalo lang siyang malintikan sa propesora nila. She was about to open her book when her professor looked at her again. “By the way Miss Monte Bello, the Dean wants to have a word with you later,” makahulugang saad nito na muling ikinalingon ng kanyang mga kaklase. Kakaiba ang mga tinging ibinibigay ng mga ito sa kanya. They were looking at her judgingly pero ipinagkibit-balikat niya lang ang mga iyon. Hindi na niya kailangang magtaka pa. Alam niyang alam na ng mga ito ang kumalat na balita noong Sabado. At sigurado siyang iyon din ang pag-uusapan nila ng dean kaya siya nito ipinapatawag. Nang matapos ang lecture ay kaagad siyang tumayo at lumabas. Dumeretso siya sa Dean’s office at doon hindi sinasadyang makabunggo niya ang isang estudyanteng papasok ding kagaya niya. “I’m sorry,” panabay pa nilang sabi. Napakunot-noo siya. Kilala niya ang boses na iyon. Kagyat siyang napalingon dito. At hindi nga siya nagkamali, he was the same guy she met on the hill last Saturday. Nang magtama ang mga mata nila, hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit bigla na lang lumukso ang puso niya. Ang nanunuot nitong mga titig ay may kakaibang epekto sa kanya. Nakapagtataka, pero parang tinatangay siya ng mga iyon papalapit dito. Ngunit, agad niyang sinawata ang sarili. Hindi niya kailangang ipahiya ang sarili dito sa pangalawang pagkakataon. Pahapyaw niya itong pinagmasdan. Ngayong nakasuot ito ng disenteng damit, walang makapagsasabing tauhan lang nila ito sa hacienda. Anong ginagawa ng lalaking ito dito? Tanong niya sa sarili. “Kayo pala ho, Señorita. Mauna na ho kayo,” pagbibigay daan nito sa kanya sabay lahad ng kamay sa kanya papasok sa loob. Tumango lang siya dito at nauna ng pumasok sa dean’s office kasunod nito. “Good morning, Sir Velasquez.” Bati niya sa dean na kasalukuyang may binabasa sa harap ng computer nito. Nilingon siya nito pagkatapos ay dumako ang mga mata nito sa kasunod niyang lalaki. “Good morning din ho, Sir.” Anito habang nakangiti sa may edad na lalaki. “Good morning Mr. Madrigal. Kindly print out these documents for me, may pag-uusapan lang kami ni Miss Monte Bello,” utos nito sa lalaki sabay lingon sa kanya. “Miss Monte Bello sit down,” anang Dean sa kanya sabay turo sa upuan sa harap ng mesa nito. Mababakas sa mukha nito ang kaseryosohan ng pag-uusapan nila. Hihilahin na sana niya ang upuan ng maunahan siya ni Benedict at nakangiting iniaro sa kanya iyon. Isang tango lang naman ang iginanti niya dito bago naupo. Ang lalaki naman ay hinarap na ang ipinapagawa ng dean dito. Hindi pa rin maintindihan ni Aurora kung ano ang ginagawa ng lalaking iyon sa paaralan niya, partikular sa opisina ng dean. Tumikhim ang dean na ikinalingon niya dito. “I think you already know why I called you here Miss Monte Bello,” simula nito. Tumango naman siya habang matamang nakatitig sa kausap. “You know the rules in our university right?” tanong nito sa kanya. Muli siyang tumango. “And because of the news circling around not just here in Puerto del Cielo, but also in different parts of the country, the reputation of our school was not in a good shape. At alam kong alam mo kung gaano kalaki ang epekto nito sa ating paaralan,” saad nito. Hindi siya nakaimik. Guilty or not, nabahiran pa rin ang magandang reputasyon ng kanilang eskwelahan dahil sa kanya at sa mga barkada niya. She may not be using drugs, but giving the fact na lumabas ang ganoong balita, iisipin na ng iba na totoo iyon. Lalo na at hindi naman siya o ang mga kasama niya hinuli ng mga pulis. At isa pa, iisipin din ng karamihan na kaya ganoon ang nangyari kasi kaya nilang bayaran ang batas. Napayuko na lang siya. Dahil bukod sa mga mata ng dean na matamang nakatingin sa kanya, ramdam na ramdam din niya ang kanina pang mga titig ni Benedict sa kanya mula sa likuran. Narinig niyang bumuntong-hininga ang dean. “But I know you really didn’t do it,” anito na ikinalingon niya dito. Salubong ang mga kilay na tiningnan niya ang kausap. “Your father called me this morning. He said you already took the drug test last Saturday and it came out negative. I was really relieved hearing that, hindi lang dahil sa reputasyon ng eskwelahan natin, but also because of your welfare. Being a college student is hard, dahil dumaan din ako d’yan. At kung may times na nalilihis ang landas ng mga estudyante, kargo din iyon ng paaralan. Kaya kung may problema ka man sa grades mo o sa mga professors mo, don’t hesitate to tell me,” malumanay na wika nito sa kanya. Hindi naman niya maunawaan ang pinupunto ni Mr. Velasquez, pero mukhang alam na niya kung bakit ganoon ang sinasabi nito. “Can I asked something?” tanong niya sa kauna-unahang pagkakataon. Dean Velasquez nodded. “What did my father exactly told you?” Umiling ito. “Nothing really personal. But he emphasizes your welfare and your grades. And I think that’s normal on your father. He doesn’t want you to fail and be disappointed on yourself,” sagot nito. Napataas ang kilay niya. Her dean was wrong. Ayaw lang talagang mapahiya ng kanyang ama sa maraming tao. “Looked, Miss Monte Bello… this will be added as your first offense. At dahil hindi naman nga totoo ang balita, you will not get any punishment. But, if another news like this happened again, mapipilitan akong isuspende ka ng isang linggo kahit na hindi pa iyon totoo.” Pagbibigay babala nito sa kanya. Tumango siya dito. “Thank you. And I’m really sorry if I caused too much trouble on our school, Dean. Makakaasa kayong hindi na ito mauulit,” determinadong sabi niya sabay sulyap kay Benedict na wala na yatang ginawa kundi ang titigan siya. Hindi naman ito nag-iwas ng tingin kahit pa nahuli na niya ito. Mas lalo pa nitong itinutok ang mga mata sa kanya na naging dahilan ng pagririgodon ng kanyang puso. Ano bang problema ng isang ito? Tanong niya sa sarili sabay bawi ng tingin dito at muling nilingon ang dean at nakangiting nagpaalam na dito. Paglabas niya ng dean’s office ay nagtungo siya sa isang bench sa ilalim ng punong acacia sa gilid ng library. Pinili niya talaga ang lugar na iyon dahil tahimik. Gusto niyang mag-isip-isip muna. Dahil sa pag-uusap nila ng dean, mukhang magkakatotoo ang sinasabi sa kanya ng ama na huwag munang magbarkada. Because if she do that, baka kung ano na namang balita ang kumalat at aayaw naman niyang masuspende. Ilang buwan na lang at magtatapos na siya and she cannot afford to lose her good track records. Baka dahil sa paglabas-labas niya mawala pa siya sa dean’s lister. Iyon na lang ang tanging panalag niya sa ama sa tuwing pagagalitan siya nito. Mahilig man siyang magbabarkada kung kani-kanino, pero hindi niya hinahayaang maapektuhan noon ang kanyang pag-aaral. She always make sure that she will get good grades, para ipamukha sa ama na kaya niyang makipagsabayan sa mga kuya niya at hindi lang ang mga ito ang maaaring humawak ng kanilang negosyo. Well, hindi naman siya ang tipong nananaghili sa mga kapatid o ginagawang kakumpetensiya ang mga ito sa pamamalakad ng kanilang kompanya. In fact, natutuwa pa nga siya para sa mga ito, because she knew na iyon din naman ang hilig ng mga kuya niya. Ayaw niya lang talagang minamaliit ng kanilang papa ang kanyang kakahayahan dahil isa siyang babae. Because for him, women are weak and useless. And she wanted to prove to him that he was wrong. Really wrong. Because, she is capable enough to stand on her own nang hindi humihingi ng tulong dito at hindi na kailangang ito pa ang magdesisyon para sa kanya. She wanted to show that to him. “Naririto ka lang pala,” anang tinig mula sa kanyang likuran na ikinagulat niya nang husto. “Holy sh*t!” aniya habang sapo-sapo ang dibdib sabay lingon doon sa halos isang linyang mga kilay. There she saw Benedict standing few meters away from her. At halata sa itsura nito ang pagka-amused sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD