Hannah's POV Ang samaaa nilaaaa! "Christian! Paano na ‘to?! Walang tubig, walang pagkain, walang tirahan, magugutom tayo, lalamigin, uuhawin, magkakabigote, mamatay at magigiging malamig na bangkay tapos magiging kalansay na tapos----" "Aray!" Pinitik niya kasi ang noo ko. "Ano ka ba Hannah. One week lang yun tsaka meron naman tayong mga damit at ilang snacks sa mga bag natin. Gagawa tayo ng matutulugan tapos hahanap ng pagkain at tubig." sabi niya. "Eeh! Ano ba naman kasi ang nakain nila at iniwan tayo dito?" "Ewan ko din. Tara na nga dun sa ilalim ng puno." "Sige." Tapos eto pang mahirap. Maleta ang mga dala namin tapos may shoulder bag pa ako at nasa sand kami. Kamusta naman yun? Mabigat pa tapos mahirap hilahin. Makikita nung mga babaeng yun! Ipupunish ko sila! Makalipas ang

