Hannah's POV "Sasaya ba tayo dahil may pagkain o maiinis kasi iniwan ulit nila tayo." reklamo ko. "Both na." pareho kaming nakasimangot ng ilang segundo ng biglang napatalon si Christian. "Aha! Alam ko na!" "Ang alin?" tanong ko. "Gumawa tayo ng bangka! For sure nasa tabi-tabi lang siguro yung mga yun." "Oo nga noh. Alam mo kung paano?" "Hindi." “Paano na? Hindi ko rin alam.” Lumapit ako sa mga pagkain na iniwan ng sorority. May napansin kasi akong white na envelope kaya kinuha ko yun at binuksan. **Wag na kayong magtangkang tumakas kasi wala kami sa malapit dahil nasa malayo kami at isa pa, maraming sharks at piranhas. Bwahahaha!!!!!** -LOVE, Pretty Sisters with their Hot Boyfriends-** "Ano yan Hannah?" "Love letter para satin." sabay abot ko sa kanya nung letter at kagaya ko

