bc

That Summer (Rhoanne Sandoval and Hans Christian Pagibig) *Forever Free*

book_age16+
2.9K
FOLLOW
6.1K
READ
sex
family
sweet
bxg
captain
realistic earth
childhood crush
enimies to lovers
gorgeous
civilian
like
intro-logo
Blurb

Magulo. Parang bulbul. Completed, unedited.

Masakit na ngang malaman na ikakasal na sa ibang babae ang first love mo, ikaw pa talaga ang kukunin niyang wedding planner at coordinator. Kung ikaw si Rhoanne, tatanggapin mo ba 'yon o gagawin mo ang lahat hindi lang matuloy ang kasal?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
TS 1 "Ate Rhoanne sigurado ka na ba dito?" Tanong sakin ni Pam na nagpaangat ng ulo ko mula sa screen ng laptop ko. "I mean, you could have just say no. Maiintindihan naman siguro ni Lola kung hindi ikaw yung maging wedding planner sa kasal ni Darlyn. Let's just say na may natanguan ka ng commitment na kasabay nung kasal niya, o kaya may sakit ka, ako na bahalang mag explain." Napabuntong hininga na lang ako bago tumingin ulit sa laptop ko. The wedding will take place on June 7, Five months from now. "Pero infairness teh, hindi ko inexpect na magkakatuluyan sila. I guess Arlan 'the good guy' Cervantes fell madly in love with Darlyn 'the wicked b***h' Canary eh?!" Exaggerated na sabi niya matapos tumawa ng malakas. "Biruin mo, nananadya pa talaga ha, tinapat pa sa birthday mo yung wedding nila. That's enough reason for you to say no. Kung ako ikaw, baka pimakyu ko na silang dalawa." She added. Ako tahimik lang, still undecided kung tatanggapin ko ba yung offer na yun. i can easily say no but Lola Aura specifically wants me to be in charge. Maybe because alam niyang hindi ako pupunta gaya nang mga nakaraang taon kaya tinawagan niya ako earlier this morning para iinform. And she asked me to do it. She wanted me to do it. I am a wedding planner, not just a wedding planner but one of the best wedding planner in town. Puro celebrities at government officials yung mga past client ko. Sabagay, Arlan Cervantes is the Governor of Sta. Catalina, the youngest governor in the Philippines, and my cousin, Darlyn? Hmmm, let's just say she does love fame. kaya hindi na ako magtataka kung kuhanin nila akong wedding planner niya by all means. Pero kaya ko na kayang magpakita ulit sa kanya after eight long years? I isolated myself away from my mom's family because of them, because of him. ****** Eighteen years ago "Rhoanne wake up, we're here na." tinapik ni mama yung pisngi ko. Gosh! twelve hours yun byahe. Ang sakit sakit ng pwet ko sa pagkakaupo pero ngayong nakarating na kame, nawala yung sakit ng puwet ko,. Lumaki yung pagkaka ngiti ko lalo na nung nakita ko siyang kasama ni Tito Dante na nag aantay samin sa may terminal ng bus. "LAN-LAN!" Nagmamadali akong bumaba sa bus saka tumakbo papunta sa kanya. "ANN-ANN!" He called me with the same intensity saka din siya tumakbo papunta sakin. Yung parang sa mga telenovela? Nagyakapan kame not minding the people around us. "Namiss kita boyfriend." sabi ko sa kanya saka ko siya hinalikan sa may gilid ng lips niya kaya namula naman siya saka yumuko. Nilagay ko yung kamay ko sa baba niya saka ko yun inangat para mapatingin siya sakin. "Ang cute mo talaga boyfriend! Pakiss nga ulit." Sabi ko sa kanya sabay kurot sa magkabilang pisngi niya. "ikaw talaga Rhoanne! Ang bata bata mo pa makire ka na masyado ha!" Sabi ni Nanay na nasa tabi na pala namin. "Eh nanay, bakit si ate Camille may boyfriend pero hindi mo naman sinasabihan na makire?" Nakapout na sabi ko. "Matanda na si Camille, Rhoanne. Ikaw eight ka pa lang, kung makasabi ka ng boyfriend mo si Arlan dinaig mo pa ako ah." Sabi naman ni Nanay. "Tama na yan ate, kanina pa tayo hinihintay nila mama sa bahay." singit ni Tito Dante. Nauna na silang maglakad samin, si Tatay buhat-buhat ang natutulog na si Pam na four years old pa lang noon. Habang magkahawak kamay sila ni nanay, napangiti ako. Ang sweet talaga nila sa isa't isa. "Ann-ann lika na." Hinawakan ko yung kaliwang kamay niya gamit yung kaliwang kamay ko saka ko siya inakbayan gamit yung kanan kong braso. Kahit hindi siya nakatingin sakin alam kong namumula siya. "Ang sweet nila nanay at tatay noh? Sana pagtanda natin ganyan rin tayo." Sabi ko sa kanya habang naglalakad kame. "Paano kapag tumanda tayo tapos hindi pala na ako yung maging gusto mo?" Tanong niya na nagpatigil sa 'min sa paglalakad. "Ikaw lang ang gusto ko Lan-lan, kapag eighteen na ako pwede na tayong magpakasal, tapos kapag ikaw naman yung umayaw magpakasal sakin, kikidnapin ko si Beauty hanggang sa pumayag ka." Napakamot naman siya ng ulo niya. "Kapag kinidnap mo si Beauty magagalit si tatay ko kase wala na siyang katulong sa pagsasaka." "Kaya nga, tapos magagalit sila sayo tapos pipilitin ka na nilang magpakasal sa akin para ibalik ko sa kanila 'yong kalabaw n'yo." Kinurot ko siya sa pisngi hanggang sa mamula yun saka ko hinalikan ulit. "ang cute talaga ng boyfriend na future husband ko. Promise, hindi ako magkakagusto sa iba. Bhosxzs Lhan-lhan lang sapat na!' Kinuha ko angkamay niya at hinila na siya palayo. "Tara na hinihintay na nila tayo." ************* Eight pa lang ako, pinangarap ko ng ikakasal ako sa kanya when we grow up. Now he's getting married pero hindi sa akin. Masakit malaman na ikakasal na yung taong mahal mo sa iba, gaano pa kaya kasakit yun kung ikaw na lang ang bubuo sa pangarap ninyong dalawa at magiging saksi ka na lang sa isang bagay na pinangarap mong ikaw yung nandoon at sa taong pinangarap mo rin na andoon? Siguro naman kakayanin ko na kung anu man yung mga pwede kong makita doon. I don't want them to think that i still have feelings for him. I've move on from him. Nakalimutan ko na siya. I'm no longer bitter. Napabuntong hininga ako. "Ang kapal talaga ng---" "Pam, book me a flight to Sta. Catalina first thing in the morning." "WHAT?!?" "I'll accept the offer. I'm willing to be their wedding planner." ----

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
72.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
91.0K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.9K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.0K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook