CHAPTER 3

1340 Words
HINATID ako ni papa sa bahay nina Tita Jane at Dylan. Even I have already told him na ‘wag na lang kasi susunduin daw ako ni Dylan sa bahay namin. Last minute na rin kasi nag-chat ang unggoy, kaya sabi ni papa na ihahatid na lang daw niya ako dahil nakakahiya naman sa may party tapos magpapasundo pa ako. Eh, gusto ni papa, kaya hinayaan ko na lang siya.             “Thanks, pa.” I kissed him then I hugged him before getting out of the car.             Paglabas ko, “Mag-iingat ka. ‘Wag masyadong maglasing, ha. Kapag hindi na kaya, at gusto mong umuwi ng bahay, tumawag ka lang sa amin. Susunduin kita. Okay?” he said. Nakakaiyak naman ito si papa.             “I will, pa. Ingat po kayo sa daan, ha. Message n’yo po ako kapag nakauwi ka na sa bahay.” Dumistansya ako palayo sa sasakyan para makaalis na si papa.             “Sige. Alis na ako.”             “I love you, pa.”             “I love you, too, ate.” he said with a lovely smile.             Pagkaalis ni papa ay sakto rin ang pagdating ni Dylan. Masasabi kong sakto lang dahil, “Hoy, Fion, nasaan si uncle? Sana hindi mo muna pinaalis si uncle dahil may tatagayin pa sana kami sa loob. Napaka-bad girl mo naman. Killer joy ka talaga.” See? Ang pangit ng ugali. Pati si papa dinadamay niya sa kalukuhan niya.             “Tumahimik ka nga diyan, Dylan. Hindi na puwede uminum si papa ng alak. ‘Di ba, sinabi ko na sa ‘yo rati? Hindi ka kasi nakikinig sa akin. Che!” I rolled my eyes and leave him standing alone in front of their entrance gate. Bahala siya buhay niya. Birthday ni tita ang pinunta ko rito, hindi siya.             “Hoy, ‘wag mo akong iwan! Ako nag-invite sa ‘yo kaya ‘wag mo ‘kong tratuhin na kung sino.” sigaw niya habang nakasunod sa akin. Mas binilisan ko pa ang lakad ko para hindi niya ako maabutan. Hindi rin ako puwede tumakbo dahil naka-high heels ako at saka naka-red dress din. Syempre bongga outfit natin ngayon dahil birthday ni tita.             Tita Jane was like my second mother to me. Noong nag-abroad kasi si mama, sa kanila ako halos nag-stay hanggang sa nakauwi si mama rito sa Pilipinas. Nag-volunteer kasi ako mag-stay sa bahay nila para makatulong na rin sa gastos ko sa pag-aaral noong high school. Malayong kamag-anak namin sila kaya ayos lang kina mama at papa ang naging desisyon ko.             Pagpasok ko sa bahay nila, agad na nagkasalubong ang mga mata namin ni Tita Jane. She quickly approached me as I walked towards her. “Happy birthday, tita,” she kissed my cheeks as I kissed hers too, “Ang ganda n’yo na po lalo ngayon, ha. Ano’ng sekreto n’yo po?” pabiro kong sabi pagkatapos namin maghiwalay.             “Bolero ka talagang bata ka. Nasaan si Dylan, bakit hindi mo siya kasama–Hoy, sino’ng dala mong boyfriend ngayon? May boyfriend ka na, Fiona?” Ang bilis naman magbago ng topic ni tita. Hindi ko pa nga nasasagot ‘yong una niyang tanong, may dalawa, pangatlo, at pang-apat pa. Iba rin ‘to si tita. Lakas maka-reporter s***h interviewer.             Napansin niya yata itong suot ko ngayon. The real reason why I have to dressed up like this, is because Tita’s friends are rich Titas of Dylan. Baka sabihin nila na nagpapasok sila ng pulubi rito sa party ni tita. I can’t stop thinking that way since most of my classmates before in high school were treating me like a piece of s**t that fell into their private bowl. Parehong paaralan kasi ang pinasukan ko at ni Dylan. Mamahaling paaralan iyon, tapos ako na walang kapera-pera na tao na nakapasok sa mundo nila, eh, ‘di tanggap ko na rin noon na gano’n talaga magiging buhay ko kapag nasa paligid ko sila. Good thing that Dylan was there. Kahit papaano ay hindi naging hell ang buhay ko.             “Naku, tita, wala po. Sino naman po ang magkakagusto sa katulad kong ito. Mas maganda pa nga kayo sa akin, eh.”             “Oh, shut your mouth, dear. Baka lagyan ko ng powder ‘yang bunganga mo. Don’t say things like that. Dapat confident tayo sa sarili nating ganda. Paano natin maa-appreciate ang compliment ng ibang tao kung tayo sa sarili natin ay hindi natin ma-appreciate ang sarili nating ganda.” Kahit parang galit si Tita Jane, ang kalmado pa rin ng boses niya. “Kaya samahan mo ako sa kuwarto ko. Let’s add some magic on your face.” she said. At hinawakan niya ang kaliwang kamay ko papunta sa ikalawang palapag ng bahay nila.             “Hoy, Fiona!” Narinig ko pa ang tawag ni Dylan bago siya nawala sa paningin ko dahil sa pader na nakaharang nang lumiko kami ni tita papunta sa hagdanan.             I can only hear tita’s soft laughed upon hearing Dylan’s voice. She loves teasing her own son too. Tita Jane was a single mom since she’d have given birth to her son–Dylan. Iniwanan kasi sila ng lalaking sobrang mahal na mahal nila.             Habang nakaupo sa harap ng malapad na salamin na may maraming light bulb sa buong border nito, kasama ko si Tita Jane na naghahanap ng mga mamahalin niyang branded make up sa mga drawer ng mesang nasa harap ko.             “Tita, you don’t have to do this. Ayos lang naman po ang mukha ko, ‘di ba? I’m confident enough to go out like this naman, eh. Sabi mo nga na dapat confident ako sa sarili kong ganda.” Nakakahiya naman kasi talaga kay Tita Jane. Lalo na’t gagamitin niya pa ang mga branded make ups niya. Ang mamahal pa naman ng mga iyon.             “Don’t you dare used those words against me, Fiona. Syempre maganda na tayo since birth. Wala namang mali o problema if we add up some spices sa mukha natin. If it will make us more confident, then go!” She stood up when she finally found what she’s looking. She’s holding a make-up brush and pair of make-up kit. “Let’s do this.” She’s so excited than me. Hindi ko alam kung ginagawa niya ba ito para sa akin o para sa kaniya. Tsk.             Hahayaan ko na lang si tita na gawin kung ano’ng gusto niyang gawin sa mukha ko. I trust her sense of beauty naman. Ang galing niya rin kasi mag-make-up. She’s . . . “How old are you na nga pala, tita? Naguguluhan po kasi ako. I have the number inside my head, pero I’m confuse kung tama ba ang nasa isip ko.”             “Ilang taon na ba ako sa tingin mo?” she answered while she started doing my make-up.             “Thirty-six–Pero you look younger than that kasi. Hindi po halata sa edad n’yo kaya naguguluhan ako. Sa mukha at katawan n’yo po kasi, parang nasa twenty-eight pa po kayo.” I smiled awkwardly. Baka kasi na-offend ko si tita. Lagot talaga ako. Baka gawin akong lechong tao sa handaan.             “Bolera ka talagang bata ka kahit kailan pa,” she laughed softly. Ang cutey naman ni tita tumawa. Lakas maka-teenager, ha, “I’m thirty-seven na ngayon.” she continued.             “Woah, talaga ba, tita? I think you’re just bluffing me.” Talaga bang thirty-seven na si tita ngayon? Ang bata niya pa rin tingnan. Kainggit.             “Tusukin ko ‘yang mata mo ng brush. Oo nga sabi.” She smiled. Cutey ‘yan, tita?             “Ang brutal mo, tita, ha. I’m scared.” biro ko sa kaniya.             We both laughed very hard. Pero agad din namin na tinigil dahil baka magkasakit kami sa tiyan. Ang lakas pa naman ng aircon dito sa kuwarto ni tita. Tahimik lang kami habang ginagawa niya ang make-up ko. Hindi na ako nagbiro para matapos na kami agad dahil nakakahiya naman kay tita, may mga bisita pa siya sa ibaba. Inuna niya talaga ako para rito. I love you, Tita Jane.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD