bc

Maybe Someday

book_age16+
12
FOLLOW
1K
READ
sex
one-night stand
self-improved
inspirational
comedy
bxg
friendship
rejected
slice of life
virgin
like
intro-logo
Blurb

THIS story is all about a full-time writer in an online writing platform who has having difficult time about writing a story that is out of her usual genre called erotic romance. Sa dalawang taon niya bilang isang manunulat, naisipan niya na magsulat nito, pero nahihirapan siya dahil wala siyang kaalam-alam kung paano ito isulat ng maayos. Kung ano ba ang dapat maramdaman kapag ang dalawang tao ay nakikipagbahagi ng kanilang katawan sa isa’t isa.

Para sa kaniya, ang pakikipagtalik ay isang gawain ng dalawang tao na nagmamahalan o ‘di kaya ay sekswal na pagnanasa lamang na may malalim na ibig sabihin at pakiramdam. Bilang isang manunulat na binabayaran ng isang kompanya, obligasyon niya na ibalik ang pabor na natatanggap mula rito mula sa mga nagagawa niyang kuwento. Kaya naisipan niya na magsulat ng erotic romance upang maibalik niya ang pera na natatanggap sa pamamagitan ng pagkuha ng maraming mambabasa.

Mataas kasi ang ratings ng genre-ng ito sa merkado. Kaya ito ang naisipan niyang isulat sapagkat kailangan niya rin ng pera para sa pamilya at sa sariling pangangailangan.

Naisipan niya na subukan ito sa isang tunay na tao. Gusto niyang maramdaman kung ano ba talaga ang pakiramdam nang pakikipagtalik din. Then she met this guy named Reggie. Wala siyang plano na makipagrelasyon mula rito, subalit hindi niya kayang kontrolin kung ano man ang nararamdaman ng isang tao para sa kaniya. Nahulog ang loob ni Reggie sa kaniya. Subalit hindi pa handa si Fiona para sa seryosong relasyon, or to commit in a serious matter such as dating or boyfriend-ing.

Ano kaya ang magiging ending nilang dalawa, at sa nobelang isusulat ni Fiona?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
“YOU have no talent, you’re nothing, and you deserve nothing.” Lumaki ako sa ideyang, wala akong silbi sa mundo. Ang dami kong insecurities bilang isang tao. Bakit sila magaling? Bakit maganda sila? Bakit ang galing nila sumayaw at kumanta? Tapos ako hindi? Ano ba kasi ang silbi ko rito sa mundo? Growing having without any certainty of which field I am good at, sobrang hirap. Kailangan ko pang subukan lahat ng bagay para malaman kung saan ba talaga ako nababagay. At lahat ng ‘yon ay pinatunayan ng mga rejections at pang-aapi ng mga tao mula sa paligid ko. Ang unfair naman yata ng mundo. Ito ang palagi kong nasasabi kapag ako’y nag-iisa at naiisip ko kung gaano ako kamalas noong nagpaulan ng talento. Two years ago, naisipan kong magsulat habang naghihintay akong maluto ang kanin sa rice cooker. Sumakay ako sa duyan habang hawak-hawak ang aking cellphone. Wala isipan ko ang mga sinulat ko noon, basta ang tanging nasa isip ko lang no’n ay ang crush ko noong first year college ako. He was so handsome but short. He has this kind of personality that I’ve always admired, ang pagiging smiley. Whenever our path cross, palagi ko siyang nakikita na nakangiti lang. At habang nakikita siya ng mga mata ko, naiisip ko kung what if maging kami? Pero agad ko rin iyon binubura sa aking isipan dahil wala naman akong puwedeng ipagmalaki na talento. Most of men are attracted to women’s talent, maliban sa ganda. Hindi nga rin ako sigurado kung maganda ba ako. Basta ang sabi ni mama ay maganda raw ako. Iyon na lang din ang pinanghahawakan ko sa ngayon. Then suddenly, paggising ko sa umaga, I checked my phone and opened the app where I used to publish my stories. Nagulat na lang ako na may thousands of reads na iyon in just one week of everyday updates. Hanggang sa nagtuloy-tuloy ito. I wasn’t expecting things would pour on me. Feeling ko tuloy na may silbi na ako sa mundo. Reading all the positive and constructive criticisms from my readers made me felt like, “Finally, I have discovered my talent. Kung saan ako magaling.” But that was just a bluff. Akala ko magaling na ako nang mga panahong iyon. I never imagined that writing was a wide thing to do, especially when it comes to proper writing. Ang dami pa lang dapat i-consider. Pero hindi ako napanghinaan ng loob. Nag-aral ako kung paano magsulat ng maayos. Bumili ng mga writing guides. Sumali sa mga free and paid writing workshops. Until I finally see myself growing as a writer. Ang layo ko na pala kapag tinitingnan ko ang aking sarili sa loob ng dalawang taon na iyon. But that was all in the past right now. I have to look forward to what’s coming and what I have now. Isa na akong ganap na full-time writer o Heaven Exclusive Writer sa isang writing platform na ang pundasyon ay nasa Singapore. Hindi ko kailan man naisip na magiging ganito ako from two years ago. Sobrang saya lang sa pakiramdam na natutulungan ko ang aking mga magulang sa nakukuha kong sahod mula sa pagsusulat, na dati ay libangan ko lamang. LOOKING on my laptop while the clouds above are peeing the surface of the earth, I am feeling so problematic right now. Why? Sino ba naman ang hindi mai-stress sa income dashboard ko? Puro itlog. Paano na ako mabubuhay kung walang dollars na sumusuporta sa akin? Charot. Nakakahiya naman sa platform o sa company, wala akong naipapasok na dolyar sa kanila. Sinuswelduhan nga nila ako pero hindi ko naman naibabalik ang favor sa kanila. I have to do something. Nagbukas ako ng panibagong tab at agad na nag-type ng Heaven(dot)com. Sinuri ko kung ano ba ang trending genre ngayon sa merkado. Upon scrolling on the top genre, napagtanto ko’ng labas sa karaniwang sinusulat ko na genre ang patok ngayon sa merkado. Dagdag problema tuloy ang nangyari. Erotic Romance? Paano ako magsusulat ng gano’n, eh, wala nga akong experience sa halikan, jugjugan pa kaya? Ang sarap tuloy umiyak ng super hard. Nakakainis naman ‘to. Mataas ang pangarap ko para sa career na ito. Balak ko nga’ng hindi muna magturo kapag naka-graduate na ako ng college at makapasa sa Licensure Examination for Teachers. Kaya bawal ang sumuko. Sinara ko na lang muna ang laptop ko at lumabas ng kuwarto. “Ate Fion, kain na tayo.” Sakto naman ang pagdating ng kapatid ko. Siya kasi ang nagluluto simula no’ng naging full-time writer ako. Naging deal namin na siya ang gagawa ng lahat ng gawaing bahay habang ako naman ang magbibigay ng parang sahod na rin sa kaniya. Sang-ayon naman siya at si mama sa naging deal naming tatlo marahil ay binibigyan ko na rin ng pera si mama para pangbayad sa bayarin dito sa bahay, pati food supplies namin ay ako na rin ang bumibili. “Uy, sakto. Nagugutom na rin kasi ako. Tara.” Sabay kaming pumunta ng kusina at kasama namin na kumain sina mama at papa. Habang kumakain kami, napapaisip ako tungkol sa plano kong tumira ng mag-isa sa isang bahay kahit na sa boarding house lang muna. Kaya ko na naman buhayin ang sarili ko dahil sa trabaho ko bilang writer. Kahit papaano ay nakatutulong naman ito sa lahat ng pangangailangan ko ngayon. “Hoy, Fiona, ‘yong panty mo na iniwan mo sa CR kanina, hindi mo nalabhan. Ako pa talaga ang naglaba ng panty mo, ha?” Parang galit si mama kung magsalita pero hindi naman talaga siya galit. Na-realized ko tuloy na wala pala akong alam sa buhay. Hindi ko pala kayang mag-manage ng time para sa gawaing bahay at pati sa paglalaba. Doble ang kahihiyan na naramdaman ko sa harap nila. “Si mama naman, oh. Nasa hapagkainan tayo, eh.” sabi ko, ‘tapos nag-pout ng lips. “Nahihiya ka pa diyan, eh, tayo-tayo lang naman ang nandito.” “Ang lalaki na ninyo ‘tapos mama n’yo pa rin ang naglalaba ng mga damit ninyo, kahit panties ay hindi n’yo kayang labhan.” sambit ni papa. “Ganiyan talaga ang mga anak mo, Eddie. May ina pa kasi kaya ganiyan. Iba rin maglambing itong mga anak mo, ginagawang katulong ang ina,” natatawang sabi ni mama, “Kumain na kayo para maaga kayong matapos kung ano man ‘yang ginagawa ninyo.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Young Master's Obsession (SPG)

read
74.7K
bc

Behind The Billionaire's Contract

read
25.5K
bc

MAKE ME PREGNANT (TAGALOG R18+ STORY)

read
1.9M
bc

The Cold-hearted Beast -SPG-

read
42.8K
bc

PLEASURE (R—**8)

read
58.0K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.8K
bc

My Serbidora owns me. George Zoran Zither

read
29.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook