Chapter 18: Hidden Caporegime

1278 Words
PARE-PAREHO SILANG nagpapakiramdaman. Inaalam ang susunod na magiging galaw ng bawat-isa. Walang nagtatangka sa kanilang kumilos. Tila ba ang lahat sa kanila ay maaaring malagay sa alanganin sa oras na magkamali ng galaw. Hindi mawala ang pagkakangisi ni Augustus. Alam niya ng mangyayari ito dahil sa narinig na usapan kanina isa pribadong kwarto ng kanyang katunggali. Ang mga ito ang matagal niya ng pinapalabas ng kanilang lungga kaya parati niyang sinasabotahe ang kanilang plano. Gusto niyang malaman kung sino pa ang pinuno ng Caporegime na katulad niya. Iisa pa lamang ang kilala niya sa mga ito at kaibigan niya pa. Kapag nalaman niya kung sino pa ang ikatlong boss ng Fontana Family, maaaring magkaroon na siya ng koneksyon sa ikalawa dahil may dumating sa kanyang balita na ama nito ang Underboss ng Fontana Family. Hindi rin siya maaaring magkamali na may kinalaman ito sa nangyaring barilan sa sitio base na rin sa reaksyon ng tauhang naiiwang buhay at pilit nilang pinaamin sa kanilang hideout. “I just need to confirm my suspicion…” mahina niyang bulong sa sarili. May hinala niya na siya kung sino iyon ngunit kailangan niya ng mas matibay na pruweba. Sinasabotahe niya ang mga transaksyon ng Caporegime na ito dahil sa isang dahilan, wala sa kanyang bukabolaryo ang ginagawa nitong negosyo na pagpupusta ng mga babae sa underground market. Dahil sa pagliligtas nila ng mga babae sa sitio ay nalagay siya sa alanganin. Kung hindi iyon nangyari ay hindi niya sana problema ngayon ang doktora. Napakabilis ng paggalaw ni Augustus nang makita niya ang paparating na kamao sa kanyang direksyon. Iniwasan niya kaagad ito kasabay ng malakas na paghila kay Walker dahil nagsimulang magpaputok ang kanyang kalaban. Inihagis sa kanya ni Seth ang isang baril bago ito umalis sa loob ng ring. Sigurado siya na maghahanap ito ng mas mataas na pwesto kung saan makikita nito ang mga kalaban at makakaatake nang walang pumipigil dito. Ganoon din ang ginawa nila. Lumabas sila ng loob ng ring upang makaiwas sa pagtama ng bala at makapagtago kung kinakailangan. Nakikita ni Augustus ang iba niyang mga tauhan sa ibat-ibang parte ng lugar. Abala rin ang mga ito sa pakikipagpalitan ng bala sa mga kalaban. Maririnig ang mga putukan kahit saanman siyang parte magtungo. Nakakaliyo iyon at masakit sa pandinig kapag malapitan. Natatandaan niya pa noong una silang magsanay ni Evans at pasukin ang ganitong mundo, matagal siyang nasanay sa tunog ng putok ng baril. Ngunit dahil sa dedikasyon niya na mahanap ang pumatay sa kanyang ina, pinatibay niya ang kanyang sikmura, kinalimutan niya ang dating buhay na mayroon siya. Sa mundong kinagagalawan niya ngayon, hindi maaaring maging mahina. Sa oras na bumigay ang tuhod niya ay talo siya. At iyon ang bagay na hindi niya hahayaang mangyari lalo pa’t hindi niya pa naabot ang plano na ipaghiganti ang kanyang pamilya. Handa na sanang muling magpaputok si Augustus nang sipain ng kalaban ang kanyang kamay. Dahil doon ay tumalsik ang hawak niyang baril. Nang itutok na nito sa kanya ang hawak na baril, mabilis ang naging pagkilos ni Augustus. Nasipa niya ang kamay nito kaya naman aksidenteng napindot ng kalaban ang gatilyo na lumikha ng malakas na tunog. Bago pa man makagawa ng sunod na hakbang ang kanyang kalaban, mabilis na muli ang naging aksyon ni Augustus. Matapos niyang bumwelo sa pagsipa ay kaagad niyang inatake ang kalaban. Gamit ang kaliwang paa ay napuruhan ang dibdib nito. Bago pa man mahulog nang tuluyan ang baril na nabitawan nito ay dali-dali niya iyong sinalo. Walang pagdadalawang-isip na pinaputok niya ang baril sa noo nito. Dilat at wala ng buhay na bumagsak ang biktima sa lapag. Umikot muli ang tingin ni Augustus sa magkakaibang bahagi. Inaalam niya ang lagay ng mga kasamahan niya. Nang makitang pare-parehong abala ang mga ito at hindi pa naman dehado, muling ibinalik ng binata ang tingin sa mga kalapit niyang parte. Nagsunod-sunod ang pagbaril niya kung saan naroon ang mga kalaban na maabutan ng kanyang paningin. Sinigurado niyang hindi siya magmimintis. “Boss, Walker might need back up right now!” sigaw ni Hunter mula sa kabilang linya. “I think they are targeting him! He's an annoying brother but don’t let him die! Hindi pwedeng siya ang pagkapehan natin sa susunod na umaga—” “Nice joke, Hunter!” galit na sigaw naman ng kakambal nito. “I’m running out of bullets but I won’t let them shoot me! I’m not idiot. Hindi ako pusa, wala akong sampung buhay—” “Ang sabi niya, patay agad!” sabat din ni Seth mula sa kabilang linya. “Ipangako mo munang maliligo ka araw-araw. Ako na ang bahala sa mga kalaban mo, Walker! Mangako ka muna—” “Pakyu, Seth! Just kill them madafucker!” “Unang asar, highblood agad!” sagot kaagad ni Seth dito. “I’m coming for you dzaddy!” “Shippp!” malakas na segunda kaagad ni Hunter. Napailing na lamang si Augustus sa mga naririnig niya mula sa linya. Minsan gusto niyang magduda sa mga tauhan na nakuha niya sa kanyang grupo. Kinekwestyon niya ang sarili kung tama ba ang naging desisyon niya. “He’s here…” imporma sa kanya ni Evans mula sa kabilang linya. “They are going out at the exit, Young Master.” Nang marinig ni Augustus ang naging tawag sa kanya ni Evans, biglang nagbalik ang kaseryosohan sa kanyang mukha. Naririnig niya na lamang si Evans na tinawag siya ng ganoon kapag may kinalaman sa kanilang mga plano. Hindi kailanman nawala ang tingin nito sa mga hakbang na gagawin nila. Mabilis ang naging pag-ilag ni Augustus nang akmang sisikuhin siya ng isang kalaban. Ang siko nito na nakataas pa rin sa ere ang ginamit niya upang makabwelo. Hinila niya ang kamay nito at pinilipit patalikod saka sinipa ang kalaban na naging dahilan ng pagkabali ng braso nito. Sigurado siya na napuruhan ito dahil maririnig pa ang malakas na paglagutok ng buto ng kalaban. Bumagsak ito sa lapag na humihiyaw at namimilipit dahil sa matinding sakit na naranasan. Dali-dali ang pagpulot ni Augustus sa baril na kanyang nabitawan at tumakbo kaagad patungo sa exit ng underground arena na iyon. Napansin niya pang nakasunod sa likuran niya si Evans kaya naman hindi niya na ito nilingon pa. Dahil hindi lamang ang grupo ng Caporegime ang kanilang kalaban, hindi naging madali ang naging pagpunta nila sa exit ng lugar. Ngayon ay kasagupa din nila ang mga tauhan ng lugar na iyon. Nang maubusan ng bala ng baril si Augustus, basta na lamang niya iyong tinatapon at pumupulot ng baril sa kanyang madaanan kung saan kinukuha niya rin sa kanyang mga napapatumbang kalaban. Bawat pag-atake at pagtutok niya ng baril ay sinisigurado niyang kalkulado at asintado. Hindi niya pinalalagpas ang bawat pagkakataon na makikita upang pabagsakin ang mga kalaban sa kanyang daraanan. Maraming beses rin na kinailangan na magtago ni Augustus. Hindi niya hahayaang matamaan muli ng bala ang kanyang katawan dahil nang huli siyang matamaan ay naging malaking problema iyon sa kanya. “Who’s your intel, Evans?” tanong niya rito habang patuloy pa rin sa pagtakbo. Sa laki ng lugar at dami ng kalaban ay hindi naging madali sa kanila ang paglabas. “One of his men,” simpleng sagot nito. Hindi na muling nagtanong pa si Augustus nang mapansin niyang inaasinta na ni Evans ang mga kalabang humaharang sa kanyang daraanan. Napahinto sa pagtakbo si Augustus nang matanaw ang tatlong lalaki na naka-corporate attire. Nang mga sandaling iyon ay sigurado na siya na hindi na lamang paghihinala ang iniisip niya. May katotohanan na iyon. “So I was right,” wika niya nang nakangisi at madilim ang tingin. “It was you, Cain…”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD