Chapter 17: Underground Fight

1169 Words
TAHIMIK LAMANG NA nakamasid si Seth sa kanilang amo. Napapansin niyang magsimula nang magtrabaho ito sa hospital ay tila'y parati na itong maraming iniisip. Gustuhin man niyang magtanong ay hindi niya magawa sapagkat alam niya na rin ang kahahantungan nito. Wala siyang makukuhang sagot. Naghihinala na siya na malaki ang kinalaman dito ng doktora na gumamot dito nang matamaan ng bala ang boss niya ngunit hindi niya mapunto ang eksaktong dahilan. Nang una'y tinanong nito sa kanya ang Elixir X— ang uri ng droga na may kakayahang makalimot ng mga nangyari sa loob ng isang araw o higit pa. Ang boss nila ang uri ng tao na hindi nagtatanong sa kanilang mga transaksyon kung wala itong pagdududa. Pangalawa, wala itong ginawa nang harap-harapang sabihin ng doktora na alam na nito at natatandaan ang nangyari sa sitio. Doon pa lamang sigurado na siyang hindi umepekto sa doktora ang droga ngunit bakit hindi na ito gumawa ng aksyon kaagad? Pangatlo, ang ingkwentro sa isla. Basta na lamang nitong pinakawalan ang babae nang hindi inaalam ang dahilan kung bakit ito naroon. At huli, pakiramdam niya’y lumalambot na ang boss niya! Hindi siya nagsasabi ngunit malaki ang ipinag-aalala niya na mabubulilyaso ang kanilang plano dahil sa doktora. Muli niyang narinig ang malakas na hiyawan nang tumayo ang boss niya sa kinauupuan nito sa loob ng fighting ring. Ngayon na lamang ito muling sumali sa underground mixed martial arts. At isa lamang ang nakikita niyang dahilan doon, may gumugulo na naman sa isipan nito. Nakita niya na naman kung paano magkagulo ang mga nasa kabilang kupunan nang sipain ng boss niya ang kalaban sa mukha matapos nitong bumwelo! Ngunit dahil sa laki at lakas nito, tila hindi natinag sa kalaban nito. Napaurong lamang ito nang bahagya sa kanyang pwesto. “Bosing, ano bang pumasok sa isip mo? Sa dinami-rami ng kalaban, iyan pa talaga ang hinamon at napili mong labanan!” nanggagaliiting turan ni Seth at tila sinisilaban ang kanyang pwetan sa kanyang kinauupuan. “Mauuna yata akong mategi rito kesa sa ‘yo!” sabi niyang muli at makikita sa mukhang problemadong-problemado. Halos huminto ang pagtibok ng puso niya nang makita niya kung paano sumugod ang kalaban dito. Bumalik lamang ang paghinga niya nang makaiwas ang boss niya! Muling nabaling ang tingin ni Seth sa mga tao sa loob ng underground arena na iyon. Makikita rito ang iba’t ibang uri ng tao sa lipunan. Ang iba sa mga ito ay halatang may kaya sa buhay. Ang iba naman ay halatang ngayon lamang nakapanood ng ganoong labanan dahil kung saan-saan lumilingon dahil sa pag-aalala na may darating na awtoridad ngunit malabo iyong mangyari. Ang iba sa mga narito ay bilyonaryo at may sinabi sa lipunan. Hindi nila maaaring banggain ang mga ganitong uri ng tao dahil sa mga inilalabas nilang salapi para sa mga ito. Napabalik muli ang tingin ni Seth sa loob ng ring nang makita niya kung paano suntukin ng kalaban ang sikmura ng boss niya. Bahagyang napaawang ang bibig ni Seth. Ngayon na lamang muling may nakadapong kamao sa boss niya. Ang huli pa roon ay si Evans, ang kanang kamay nito. Siguradong masakit iyon! Sunod-sunod ang naging pag-iling ni Seth. Hindi niya na nagugustuhan ang mga susunod na nangyayari. Hindi na siya nagulat nang makita niyang ngumisi pa ang boss niya pagkatapos ng natamo nitong sakit ng katawan. Umiling pa ito bago magseryosong tignan ang kanyang kalaban. Sa pagsugod nitong muli, nagsunod-sunod ang pagsuntok ng boss niya sa kalaban nito habang hindi inaalis ang atensyon sa bawat paggalaw ng kalaban kaya naman naiilagan nito ang bawat na pag-atake na ginagawa. Nasangga ng boss niya ang mga pag-atake nito habang tinatrabaho ang pagpapahina sa kalaban. “Bossing, laban!” malakas niyang sigaw at hindi na nakatiis at tumayo pa mula sa kinauupuan. Nang hindi pa rin makontento ay lumapit pa roon si Seth. Paulit-ulit ang naging pagsigaw niya upang suportahan ang kanilang amo. Ganoon na naman ang pagpipigil niya sa paghinga nang makita niya kung paano nagsunod-sunod ang naging pag-atake nito. Bawat pagtira ng kanyang boss ay sigurado at agresibo. Siguro siyang napakalakas niyon sapagkat nagsusunod-sunod na ang pag-urong ng kalaban nito. Sa huli, hindi na siya nagulat nang bumagsak ang kalaban. Sumampay pa ang katawan ng lalaking katunggali nito sa tali na nakapalibot sa bawat pagitan ng ring bago tuluyang mawalan ng malay. Walang nakapagsalita sa kanila nang mga sandaling iyon. Tila ba’y nagulat din ang mga ito sa naging resulta ng labanan. Segundo rin ang lumipas bago niya marinig ang napakalakas na hiyawan ng mga taong nakapaligid sa kanila. Dala ng matinding kasiyahan, napahiyaw rin nang matindi si Seth. Tumakbo pa siya papasok sa loob ng ring upang samahan ang nag-aangat sa boss niya upang ideklara ang pagkapanalo nito. Paulit-ulit ang pagtataas nila rito dala ng matinding kasiyahan. Ngunit kaagad ding naudlot ang kasiyahang iyon nang makita nila ang pagtutok ng baril sa magkakaibang panig. Makikitang agresibo ang mga ito at mukhang hindi maganda ang timpla ng hangin kaya naibaba niya ang boss niya nang wala sa oras. Dahil sa biglaang kaguluhang magaganap, mabils na nagsipagpulasan ang mga manonood na naroon upang makaiwas sa gulo. Makikitang natataranta ang iba sa mga ito dala ng matinding takot. Doon pa lamang ay malalaman na kung sino sa mga ito ang mga baguhan pa lamang sa lugar na iyon. “So, the fun will just start here?” mahinang bulong ng kanyang amo bago palagutukin ang daliri nito. “Alam mo ng mangyayari ‘to, bossing! Pero bakit itinuloy mo pa?” galit niyang turan dito. “Trip mo talagang maghanap ng sakit ng katawan ngayon ‘no?” hindi niya pa rin makapaniwalang tanong dito. “We will go to heaven after this!” malakas na sigaw ni Walker na may dala-dala ng baril matapos makapasok sa loob ng ring. “Sure ba na heaven ang punta natin?” tanong niya naman kaagad dito. Sa dami ng kasalanan nila, imposibleng mangyari iyon. Nagulat na lang si Seth nang makita niyang naroon na rin sa tabi niya si Evans. Masama ang timpla nito habang nakatutok ang baril sa mga kalaban. “This is a set up,” simpleng wika ni Evans ngunit sapat na upang maintindihan nila. “Bakit daw?” naguguluhan niyang tanong. “Bakit tayo ise-set up?” “They found out that we are the one who released the women at the sitio!” sagot ni Hunter sa kabilang linya. Mula sa base ito nakikipag-usap sa kanila. Hindi na muling nagtanong pa si Seth. Alam niya na kung sino ang kalaban nila. Isa iyon sa mga Caporegieme ng Fontana Family. Hindi gusto ng amo niya ang nakaatas na tungkulin dito kaya parati nilang sinasabotahe at mukhang ngayon ay natuklasan na sila ang may pakana ng mga nakabinbing operasyon na nangyayari parati sa mga ito. “Do you think you’re going to die today?” tanong na naman ni Hunter sa kabilang linya. “Who’s gonna die?” tanong din ni Walker sa kapatid bago ikasa ang kanyang baril…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD