Chapter 15: Bringing Back

1816 Words
LAHAT NG LUHA na kailangang ilabas nang mga sandaling iyon ay nailabas na ni Saleen. Hindi siya umalis doon nang hindi nasisiguradong maayos na siya. Kailangang wala na siyang dala-dala sa dibdib kapag tumayo sa kanyang kinauupuan. Mother Superior is her safe place. Lahat ng mga agam-agam at dinadala niya sa dibdib ay nagiging madali sa tuwing sinasabi niya rito. Kaya nang mawala ito ay nahirapan siya noong una. Isang buwan siyang nagbakasyon upang maglagi sa kumbento at hindi pumasok sa hospital. Alam niya sa sarili na lahat ng trabaho niya’y magiging palpak kung hindi siya magbabakasyon nang mga sandaling iyon. Sa propesyong kinuha niya, hindi pwede na magkamali siya dahil hawak niya ang buhay ng pasyente. Hindi lamang ito ang maapektuhan niya. Kasama na rin doon ang pamilya nitong mauulila na ayaw niyang mangyari. “Sachi is here, Mother,” sabi niya habang nakayakap sa asong naiwan nito sa kanya. “He's a big boy now and good boy, Mother! Hindi niya pinapasakit ang ulo ni Mommy ‘di ba, Sachi?” Malakas ang naging pagtahol nito habang walang tigil kaiikot kaya natawa na lamang si Saleen. “I will continue to help the convent, Mother. That’s my promise to you,” seryoso niyang wika rito. Magsimula nang magkatrabaho si Saleen, sinisigurado niya na nakapagtatabi siya ng para sa kumbento sa perang sinasahod niya. Hindi niya rin nakakalimutan na maglaan ng oras para sa medical mission. Kaya nang maghanap ng susuportahan ang hospital nila, kaagad niyang ibinigay ang pangalan ng kumbento nila. “We will go now,” sabi ni Saleen bago tumayo sa kanyang kinauupuan. Pinagpagan niya rin ang suot na bistida upang matanggal ang mga tuyong dahon na dumikit doon. “I will visit you again whenever I have free time, Mother.” “Let’s go, Sachi!” tawag niya sa Chow Chow na alaga matapos na pumalakpak. “Huwag excited, Sachi! Madadapa ako sa ‘yo!” natatawa niyang wika matapos biglaang mapatakbo nang mahila siya ni Sachi. Hindi niya alam kung bakit pero ang Chow Chow niya lang yatang alaga ang malalapit sa mga bata. Iba ang behavior nito kumpara sa ibang mga ka-breed nito. Siguro’y na-adopt nito iyon sa kanya. Kung ano raw kase ang nararamdaman ng pet owner ay nararamdaman din ng mga alaga nila. Kaya kapag nararamdaman niyang hindi siya ligtas o ‘di naman kaya ay natatakot siya, maririnig na kaagad ang pag-angil ni Sachi. Tuloy-tuloy ang naging pagpasok nila Saleen sa kumbento. Habang nasa loob ay naririnig niya pa ang mga huni ng ibon na nagsisipag-awitan. Naamoy niya rin ang mga kandilang nakasindi at nauupos na. Pati ang mga bagong pitas na bulaklak na nakalagay sa iba’t ibang bahagi. Habang papalapit, sumilay na naman kay Saleen ang may kagalakan na pagngiti. Ngayon na lamang muli niyang narinig ang mga batang buong pusong nag-aawitan. Bumabalik na naman tuloy sa kanya ang alaala nang bata pa lamang siya at parte ng choir na nagtatanghal sa ibat-ibang lugar. Dahil doon ay maraming nakakakilala sa kanya dahil siya parati ang inilalagay sa unahan. “Ate Saleen!” malakas na tawag ng isang bata nang makita siya. “Sachi!” “Sachi!” “Ang laki mo na, Sachi!” Nabitawan na nang tuluyan ni Saleen ang tali nang magsilapit dito ang mga bata at tuwang-tuwang nakikipaglaro sa aso niya. “Dapat pala si Sachi na lang na lang nagpunta rito. Mas excited pa yata kayong makita siya eh!” kunwa’y nagtatampong turan ni Saleen. “Hindi po totoo iyan, Ate Ganda!” malakas kaagad na kontra ni Clarence. Ang bibong matabang inalagaan niya noong baby pa lamang ito. “Totoo ba ‘yan. Hindi kaya ako’y binobola mo lang?” kunwari’y hindi siya naniniwala rito. “Nakuu, Ate Ganda! Ipinagpitas pa kitang bulaklak!” sabi nito na iniabot sa kanya ang gumamela na pinitas sabay punas ng namumuong pawis nito sa mukha. “Kaya pala pawis na pawis ka, umakyat ka pa riyan sa talahiban!” natatawa niyang turan bago kunin ang bulaklak at ilagay sa taynga. Matapos niyon ay kinuha naman ni Saleen ang panyong nasa kanyang bulsa at dali-daling pupunasan sana ang likod nito kaso nahihiyang tumanggi ang bata. “Bakit? Ayaw mo na bang magpapunas kay Ate Ganda kase big boy ka na?” “Hindi po!” mabilis kaagad ang sunod-sunod na pag-iling nito. “Crush ka po ni Clarence, Ate Saleen—” “Mysti, ingay-ingay mo!” mabilis kaagad ang pagpipigil dito ni Clarence para suwayin ang kaedaran nitong bata. Muling naging malapad ang ngiti ni Saleen nang makita niya kung paano mag-asaran ang dalawa. Umikot ang tingin niya nang may pagtataka. Kakaunti lamang ang napapansin niyang bata na napakalimit mangyari kapag ganitong oras. “Sister Anne, nasaan po ang ibang mga bata?” tanong niya nang makita itong kalalabas lamang sa pasilyong kinalalagyan ng klinika ng kumbento. “Nasa clinic, Saleen—” “Bakit ho?” nag-aalala niya kaagad na tanong at hindi pinatapos ang pagsasalita nito. Hinila siya ng madre patungo sa malayong parte upang hindi marinig ang pinag-uusapan nila. “Nagsusuka at nagtatae ang ibang mga bata,” nag-aalalang imporma ng madre sa kanya. “Bakit hindi kaagad ako sinabihan ng kumbento, Sister?” tanong niya rito. “Mabuti na lamang at nailayo kaagad ang ibang mga bata—” “Hindi lamang iyon ang problema rito sa kumbento, Saleen. Wala na kaseng napagkukuhanan ng malinis na tubig ang kumbento. Ang dumadaloy na malinis na tubig dito ay pinutol na.” “Ano ho?” nag-aalalang tanong ni Saleen. “Sa balon na kami kumukuha ng tubig na maiinom sa pag-aakalang ligtas iyon,” pag-amin ng madre sa kanya. “Nagulat na lang kami nang magkasakit ang mga bata.” Bahagyang natahimik si Saleen upang makapag-isip. Ang unang pumasok sa isipan niya nang mga sandaling iyon ang mayamang kaibigan. “Yvoonnee!” tawag niya sa kaibigan na abalang nakikipaglaro sa mga bata. “Bakiitt?” tanong nito habang tumatakbo papalapit sa kanya. “Di ba wala ka ng mapaglagyan ng pera mo?” kaswal niyang tanong dito. “Magkano ba ang kailangan mo—” “Ay nako-nako, sandali lang,” nahihiyang saad ni Sister Anne. “Nasabi ko lang naman ito dala ng problema—” “Sister Anne…” hinawakan ni Saleen ang kamay nito nang nakangiti. “Wala kayong dapat ipag-aalala. Mukha lang mataray iyang si Yvonne pero matulungin iyan,” bahagya ang naging pagsiko ni Saleen sa kaibigan kaya naging mabilis ang pagtango nito. “Kung anuman iyan, Sister Anne, go lang!” “Sabi sa inyo, Sister! Wala pa akong sinasabi, oo kaagad si Yvonne!” Bahagyang natawa ang madre at tumango na lamang. “Maraming salamat sa inyong dalawa,” sabay na kinuha ng madre ang kanilang kamay. “Pagpalain nawa kayo.” “Kailangan ng patubig na malinis ng mga bata, friend. G ka ba?” “Ayon lang ba? Akala ko naman kung ano at siniko mo pa akong gaga ka—ay sorry po sister!” natutop nito ang bibig bago seryosong tumingin sa madre. “Kung anuman hong kailanganin ng mga bata, magsabi lang po kayo sa amin ni Saleen. Kami na hong bahala.” “Yvonne—” “Huwag na hong kumontra, Sister Anne!” kaagad na wika ni Yvonne. “Para naman magkaroon ako ng plus points sa langit—” “Loko!” natatawa niyang sita sa kaibigan. “Sige ho, Sister Anne. Balik na ho ako. Mukhang nadadaya na ako ng mga kalaro ko.” “Sabi ko sa ‘yo mabilis iyang kausap, Sister Anne.” Turan ni Saleen habang sinusundan ang kaibigan na tumatakbo. “Sister!” nagmamadaling lumapit sa kanila ang isa sa mga katiwala ng kumbento. “Sister Anne!” Kaagad na naibaling ni Saleen ang tingin babaeng katiwala. “Masama po ang lagay ni Mikmik!” nag-aalalang bungad nito. “Nagkukumbolsyon na—Saleen!” nag-aalala nitong hinila ang kanyang kamay habang patuloy sa pag-iyak. “Tulungan mo si Mikmik, tulungan mo—” “Halika na ho!” hindi na pinatapos ni Saleen ang sasabihin at nauuna na kaagad sa pagtakbo patungo ng klinika. Nang makarating sa tapat ng pinto, nahinto si Saleen sa kumusyong nagaganap doon. May iilang batang nakahiga sa mga nursing care beds. May mga nakalagay na IV fluid sa mga ito na patunay na hindi pa rin magaling ang mga nakahiga roon. Sa kaliwang bahagi ay naroon si Mikmik at patuloy na kinukumbulsyon. Dali-dali ang paglalagay ni Saleen sa kamay ng alcohol. Nagsuot din siya kaagad ng medical gloves. Nasa puntong papalapit na siya nang marinig ang paghinto ng defibrillator nito. Sandaling hindi nakagalaw si Saleen sa kanyang kinatatayuan. Nakabalik lamang siya sa kasalukuyan nang marinig ang pagtawag ng pangalan ni Mikmik. Dali-dali kaagad ang paglapit niya rito upang i-revive ang bata. Nang makalapit, kaagad na umakyat ng nursing bed Saleen at simulan ang mga dapat niyang gawin. Ilang beses niyang inulit-ulit ang pagre-revive dito habang seryoso sa ginagawa. Ang ibang naroon ay nakatingin lamang sa kanya. Habang tumatagal sa ganoong ayos si Saleen at alam niyang walang ng kasiguraduhan sa kanyang kakayahan, isang desisyon ang nabuo sa kanyang isipan. Patuloy lamang ang pag-CPR ni Saleen habang pilit niyang pinapatulo ang kanyang luha. Iyon na lang ang nakikita niyang paraan nang mga sandaling iyon. Wala ng iba. Hindi kalaunan ay tumulo na rin ang kanyang luha habang hindi pa rin humihinto. Nang mga sandaling iyon, tahimik na nag-uusal ng panalangin si Saleen habang patuloy pa rin ang pag-CPR. Tagaktak na ang pawis niya at hindi na alam ang kanyang itsura ngunit wala siyang pakialam. Kahit nararamdaman na ang matinding pagod ay hindi siya tumitigil. Marinig niya pa lamang ang iyakan sa kanyang paligid ay dinudurog na ang puso niya. “Mikmik, come on…” mahina niyang bulong. “Doktora…” mahinang tawag sa kanya ng nurse ng kumbento. “It’s not time!” sabi niya rito at patuloy pa rin sa pag-revive sa bata. “Saleen…” tawag sa kanya ni Yvonne. Dahan-dahan nitong hinawakan ang kanyang kamay upang bumitaw na. Nang mga sandaling iyon, ang akala ni Saleen ay wala na siyang mailuluha pa ngunit natagpuan niya na lamang sarili na umiiyak muli. Kaagad siyang yumakap sa kaibigan nang alalayan siyang makababa. “Yvonne, si Mikmik…” “Shh…” mahigpit siya nitong niyakap habang inaaalo. “Patawad…” mahina niyang bulong. “Patawad…” “Saleen,” tawag sa kanya ng nurse. “Pasensya ka na, Nurse Jane…” “Saleen, look!” makikita ang gulat dito nang igaya ang tingin niya patungong defibrillator. Namumugto man ang mga mata, pinakatitigan ni Saleen ang linya na hindi na tuwid. Naririnig niya na rin ang tunog na nagpapahiwatig na humihinga na si Mikmik. Naramdaman ni Saleen na nawalan ng lakas ang kanyang tuhod. Kung hindi nakaalalay si Yvonne ay maaaring bumagsak na siya sa lapag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD