DAMA NI SALEEN ang matinding pagtibok ng kanyang puso nang mga sandaling iyon. Dali-dali ang pagtakbo niya patungo sa kanyang table kung saan naroon si Yvonne. Niyakap niya kaagad ang kaibigan nang makalapit dito. Hindi niya mapigilan ang pagtulo ng luha habang nakayakap dito.
“What happened?” nag-aalalang tanong nito. “Do you want to go outside?”
Mabilis ang naging pagtango ni Saleen sa kaibigan.
Hindi ito nagtanong sa kanya. Kaagad siyang niyaya ni Yvonne papalabas ng club na iyon. Natagalan pa sila sapagkat marami-rami ang tao sa loob at nahirapan silang makadaan.
Dinala siya ni Yvonne sa isang coffee shop na malapit sa bar.
Alam niyang nag-aalala sa kanya ang kaibigan dahil sa paraan ng pagtingin nito ngunit hindi nagtatanong sa kanya si Yvonne. Ito ang isa sa mga nagustuhan niyang ugali nito. Hindi niya kailangang magsalita dahil hindi siya nito pipilitin. Hahayaan siya ng kaibigan kapag handa na siya.
“At last! Tumigil ka rin sa pag-iyak. Akala ko babaha muna rito sa kinauupuan natin eh!”
Natawa siya sa sinabi nito. Siya kase ang uri ng tao na matagal tumigil kapag umiiyak kaya naman iniiwasan niya hangga’t maaari. Tuloy-tuloy kase ang pagtulo ng luha niya at tila’y kailangan munang maubos ang tubig doon bago siya huminto.
“Pasensya ka na, nasira ko ang gabi natin,” nahihiya niyang hinging paumanhin dito.
Bahagya itong ngumiti sa kanya matapos humigop ng kape. “For what? This is the first time that I’ve seen you so scared. I couldn’t ask you because I know that you will not say anything to me unless you are the one who will open up the topic. Are you okay now?”
Bahagyang tumango si Saleen habang humihigop ng mainit na tsokolate.
“I’ve kissed someone—Yvonne!” hindi natapos ni Saleen ang sasabihin dahil sa pagkataranta. Nabulunan kase ang kaibigan niya.
“You what!” gulat nitong tanong sa kanya.
“We also make out?” sabi niya rin sa kaibigan sa mahinang tinig.
Nanlaki ang mga mata nito habang hindi makapaniwalang nakatingin sa kanya. Napahawak pa nang wala sa oras si Yvonne sa ulo habang nakapatong ang kamay sa lamesa.
“And that’s the reason why you are crying right now?”
“Y-yes…”
Nagulo ni Yvonne ang maikli nitong buhok habang naroon pa rin ang hindi makapaniwalang tingin sa kanya.
“Naalala mo iyong boss ng mafia na sinasabi ko? S-siya ang nakahalikan ko—”
“Come again?” may kalakasan na wika ni Yvonne. “You kissed the guy who kidnapped you!”
“Y-yes…”
“Girl, pinasakit mo bigla ang braincells ko!” problemadong wika ng kaibigan niya. “Ikaw itong never been touch never been kiss—as in virgin! Tapos nagpahalik ka sa taong kumidnap sa ‘yo?”
“Lower your voice…”
“How can I lower my voice eh naii-stress ako sa ‘yo?” tanong ng kaibigan niya ngunit hininaan naman ang boses at kahit papaano’y naging kalmado.
“Anong pumapasok sa kokote ko, Yvonne?”
“Aba! Malay ko sa ‘yo, Doktora Skelton!” ito na naman ang paglakas ng boses nito. “Paano ko malalaman? Gusto mo pasukin ko ang utak mo?”
“Ang tanga ko ‘no?”
“Buti alam mo!” sagot kaagad ni Yvonne.
Nasapo ni Saleen ang kanyang noo. Ano bang problema itong ibinigay niya sa kanyang sarili?
“Magpunta-punta ka ng kumbento, Saleen,” sabi ni Yvonne sa kanya habang salubong pa rin ang kilay. “Pinapasakit mo ang bangs ko, girl.”
Hindi kumibo si Saleen. Sang-ayon siya sa sinabi ng kaibigan. Mukhang kailangan niya ngang magpunta ng kumbento upang mabawas-bawasan ang kung anu-anong agiw na sumasabit sa kanyang utak.
LAKING PASASALAMAT NI Saleen na wala pa rin siyang pasok nang araw na iyon. Hindi niya pa kayang magtungo ng hospital nang hindi maayos ang kanyang kalagayan. Kailangang buo siya kung babalik ng hospital. Hindi siya pwedeng hihina-hina dahil hindi sa lahat ng pagkakataon ay tahimik ang kanyang trabaho.
Katulad ng dati, bago magtungo ng kumbento si Saleen ay naghahanda muna siya ng ilang mga pagkain na dadalhin sa mga bata. Ngunit take out lamang iyon sapagkat hindi niya alam kung paano magluto. Mabuti na lamang at mabilis siyang nakaka-order sa fastfood na binibilhan niya parati kahit pa rush iyon. Ang pagkain kase sa lugar na ito ang parating hinaha-hanap ng mga bata.
Kapag bibisita roon, kasa-kasama niya rin parati si Yvonne at Sachi. Hinahanap din kase ang presensya ng dalawa kaya hindi niya pwedeng iwan. Isa pa’y ang sasakyan ni Yvonne ang parati nilang gamit kapag nagtutungo roon. Nabubuksan kase ang bubong niyon kung saan nakakadungaw si Sachi upang hindi mainip sa biyahe.
Hindi maiwasan ni Saleen na mapangiti habang dinadama ang malamig na hangin sa buo nilang biyahe. Lalo pa siyang napangiti dahil sa mapupunong parte ng lugar. Ibig sabihin kase niyon ay malapit na sila ng kumbento.
“Miss mo na sila sister, Sachi? Miss mo si sister?”
Mabilis ang naging pagtahol ni Sachi.
Natawa silang pareho ni Yvonne nang maging malikot pa ito.
“Sigurado ka ba talaga na hindi iyan bata, Saleen?” tanong ni Yvonne sa kanya. "Galing makaintindi."
Bahagyang natawa si Saleen. Kahit siya’y nagdududa. Siguro’y malaking factor din na hindi siya tao kaya nagkakaintindihan sila ni Sachi. Ngunit hindi siya sigurado sa bagay na iyon.
Nang huminto ang sasakyan, paulit-ulit na naman ang tahol nito at excited na bumaba.
Napatingin si Saleen sa harap ng kumbento. Makikitang napakatagal ng nakatayo niyon dahil may mga halaman at bulaklak ng nakatubo sa pader nito. Ang pader ng simbahan ay gawa sa bricks kaya tila kapag magtutungo roon ay para kang nagpunta ka sa ibang lugar. Sigurado rin na mararamdaman mo ang pahinga dahil sa mga nakapalibot na puno. Sariwang hangin rin ang parating malalanghap dahil ang pwesto ng kumbento ay bundok na.
“Sister!” bati ni Saleen sa madre na lumabas ng kumbento.
“Saleen!” tuwang-tuwang tawag nito sa kanya.
Sinalubong ito ng yakap ng dalaga nang makalapit.
“Kumusta na po kayo?”
“Heto,” bahagya itong napangiti, “tumatanda na.”
“Si sister! Mas fresh ka pa ho sa lettuce—”
“Yvonne!” suway niya sa kaibigan.
Bahagya lang na napangiti ang dalawang madre sa kanya.
“Nagdala ho pala kami ng mga pasalubong, sister,” sabi ni Saleen habang binubuksan ni Yvonne ang likurang bahagi ng sasakyan.
“Siguradong matutuwa ang mga bata,” nakangiting pahayag ni sister.
Ang likurang bahagi ng kumbento ay ampunan. Ang karamihan sa mga ito ay sanggol pa nang dalhin hanggang dito na nagsipaglaki habang naghihintay ng aampon sa kanila. Ang iba sa kanila ay kinakalinga ang inang walang kakayahang buhayin ang kanilang mga anak habang nasa sinapupunan pa lamang. Hangga’t hindi nakalalabas ang bata ay ang orphanage ang nag-aalaga sa kanila.
“Sisters, saka na po ako papasok. Pupuntahan ko muna si mader superior,” pagbibigay abiso niya sa mga ito.
Bahagya lamang na ngumiti ang dalawa. Halatang sariwa pa sa mga ito ang lahat.
“Do you want me to accompany you?” tanong ni Yvonne sa kanya.
Bahagya ang pagngiti ni Saleen saka umiling.
Tumango lamang si Yvonne sa kanya matapos na tapikin ang kanyang balikat.
"Sachi, come here!" tawag niya sa alaga nang buksan ang pinto ng sasakyan. "We're going to mother superior," kaagad niya ring hinawakan nang mabuti ang tali ni Sachi.
Saglit lamang ang nilakad ni Saleen nang marating ang lugar na pinaglalagakan ng kinilala niyang ina. Isa-isa niyang tinanggal ang mga dahon na nakatabing sa puntod nito. Inilagay niya rin ang bulaklak na dala-dala bago magsindi ng kandila.
Hindi pa man siya nagsasalita ngunit naramdaman na ni Saleen ang pagtulo ng kanyang luha. Malaking biyaya na dumating ito sa buhay niya. Dahil dito ay naramdaman niyang hindi niya kailangang isipan na may kulang sa kanya. Na kung ano at sino siya ay iyon ang mahalaga.
“What do you think will happen to me if you didn’t come into my life, Mother Superior?” tanong niya habang ang tingin ay nasa sa kalangitan. “I remember that I was so scared that time when my tail disappeared. Naglalakad ako niyon nang nakatulala nang ilang oras paalis ng isla. Walang pagkain, walang inumin at hindi alam ang patutunguhan. Nang mahimatay ako, akala ko katapusan ko na, Mother Superior. But when I woke up, you were there. You were smiling at me like everything will be ok.”
Itinaas ni Saleen ang kaliwang kamay na parang inaabot ang kaulapan bago malungkot na ibinaba iyon.
“I also remember how you were so scared when you saw my tail for the first time. But even if you’re scared you help me. You did everything so you can find out what’s wrong with me,” bahagyang napangiti si Saleen. “Umiiyak ka habang inaalam kung bakit ako nanghihina. Iyon pala, kailangang kong maibabad ang buntot ko sa tubig. Kaya nang mga sumunod na buwan, palagi ka ng naghahanda kapag alam mong may full moon na magaganap. Isinasama mo ako palagi paglabas ng kumbento para lang dalhin sa dagat.
Niyakap ni Saleen ang mga paa habang nakaupo sa lapag kung may mga nagkalat na tuyong dahon.
“I thought I can take care of myself, Mother Superior,” maririnig na naman ang paghikbi ni Saleen. “But I was wrong. I forget my limitations, Mother. I forget that I can’t be happy. That having a family is not for me…”
“His dangerous, Mother. But, of all the people, why did I choose to kiss him?” naguguluhan niyang tanong dito. “Why did I?”