HANGGANG NGAYON AY paulit-ulit pa rin na pinapagalitan ni Saleen ang sarili habang papasok sila ng loob ng bar. Ano ba kaseng pumasok sa isipan niya at inaya niyang mag-club ang kaibigan? Si Yvonne pa naman ang uri ng tao na hindi tumatanggi sa mga ganitong lugar kahit gaano pa ito kapagod sa trabaho. Ang matataong lugar ang nagiging lakas nito na kabaliktaran niya. Mas gusto niyang sa bahay lang at tahimik na ambiance.
Gusto niyang sisisihin ang lalaki at kastiguhin ang sarili. Kung hindi siya nakitang hubot-hubad ngayon sana’y walang kung ano-anong tumatakbo sa isipan niya. Hindi siya aabot sa ganitong punto. Kailangan iyong mabago!
“Kailangan ba talagang ganito kaikli ang damit, Yvonne? Tapos, masyado naman yatang hapit na hapit sa katawan ang damit?” nakangiwing reklamo ni Saleen habang paulit-ulit sa pagbaba ng damit. Pilit niyang itinatago ang kanyang hita sa above the knee na halter dress na suot.
“Kapos na nga sa ibaba, kapos pa sa itaas. Kitang-kita ang pisngi ng boobs ko!”
Bahagyang natawa sa kanya si Yvonne.
“You’re beautiful, Saleen. You know it, you just don’t know how to show it,” nakangiting sabi nito.
Pinagmasdan ni Saleen ang kaibigan. Minsan, gusto niyang maranasan ang pagiging confident nito. Kaya nitong humarap sa kahit na sino nang taas-noo. Kaya nitong sabihin ang nararamdaman nang may tapang lalo na’t alam nitong nasa tama siya. Kaya nitong dalhin ang sarili sa kahit ano o saanmang sitwasyon.
May gupit na textured pixie ang kaibigan niya. Dahil medyo mahaba-haba ang cut ng bangs nito kaya litaw-litaw ang ash-gray na kulay. Kahit anong mangyari, si Yvonne ang uri ng taong hindi lalabas ng walang maskara sa mga mata. Para dito, iyon daw ang nagpapaalala sa kanya na mas maging matapang pa. Alam din nitong ipagtanggol ang sarili kaya hindi pwede rito ang loloko-loko. Siguradong kaya nitong patumbahin iyon kahit gaano pa kalaki ang haharang sa daan niya.
Nang tuluyang makapasok sa loob ng bar, lalong narinig ni Saleen ang malakas na tugtog ng dumadagundong na speaker. Dumagdag pa roon ang nakakarindiong hiyawan ng mga nasa loob ng club. Hinila siya ni Yvonne patungo kaaagad sa counter upang bumili ng maiinom nila.
“Hindi kaya ako hinahanap ni Sachi?” nag-aaalala niyang tanong sa kaibigan. Lumapit pa siya sa taynga nito upang ibulong iyon.
“Isa pang tanong mo niyan, makikipagpalit talaga ako kay Sachi para ako ang alagaan ni Fahfah Victon tapos si Sachi ang isama mo rito. Patagayin mo!” sarkastikang sabi nito. “Nag-alaga ka nga ng aso para may magbantay sa ‘yo pero mukhang ikaw pa ang nagbabantay parati sa junakis mo!”
Bahagya ang naging pagngiti ni Saleen. Nandito na rin lang siya, dapat mag-enjoy na siya.
Upang magkaroon ng lakas na sumayaw sa dance floor, inisang tagay ni Saleen ang tequila na iniabot sa kanya ni Yvonne. Kahit isang beses gusto niyang maranasan kung paano sumayaw roon.
Dahil hindi naman mataas ang alcohol tolerance niya sa pangalawang baso ni Saleen ay naramdaman niya na ang alak sa kanyang sistema. Nang hilahin siya ni Yvonne patungo sa gitna ng dance floor, naramdaman na lamang ni Saleen na kusang sumasabay sa indayog ng musika ang kanyang katawan.
Walang hiya-hiyang iginiling ni Saleen ang katawan upang sumabay sa indayog ng musika. Alam niya ang tugtuging iyon kaya naman sumasabay ang katawan niya sa bawat pagbitaw ng kanta. Wala siyang pakialam kahit pa napaka-sensual ng tugtugin. Ang nasa isip niya lamang nang mga sandaling iyon ay mag-enjoy.
Dahil sa paraan ng kanyang pagsayaw, iilang mga mata na ang nakatingin sa kanya. Hindi lang lalaki kung hindi mapababae. Tila nahihipnotismo ang mga ito kaya naman hindi maalis ang pagkakatingin sa kanya.
Lalo pang iginigiling ni Saleen ang katawan dahil sa kaibigan na patuloy na humiyaw sa kanyang pangalan. Ngayon niya naiintindihan ang laging sinasabi ng kaibigan tungkol sa saya na hatid ng ganoong mga lugar.
“That’s my girl!” sigaw pa ni Yvonne bago nakiandayok sa kanya ng pagsayaw.
Mayamaya ay huminto na rin silang dalawa nang maramdaman ang pagod. Pareho silang bumalik sa table nang may ngiti sa labi.
“I didn’t know that you can dance like that!” papuring punta sa kanya ni Yvonne. “I might fall in love with you girl!”
“Same, but my head is spinning!” natatawa niyang imporma sa kaibigan. “I think there will be a second time! I’m enjoying this kind of place!”
“Don’t drink again, okay?” sabi ni Yvonne. “You’re a little tipsy. You might not not handle yourself after the third glass!”
“I will, mom!” natatawa niyang sabi sa kaibigan.
“Do you want me to order another food?”
“No need. We have to much food here,” sagot niya rito bago tumayo sa upuan. “I will go to the bathroom,” imporma niya sa kaibigan.
“Samahan na kita?” sabi nito na tumayo pa sa kinauupuan.
“No need,” pigil niya kaagad kay Yvonne. “You already told me the way. I still can handle my balance, Yvonne. Just wait for me here and enjoy, okay?”
“You sure?” tanong nitong muli sa kanya habang bakas ang pag-aalala.
Tumango lamang si Saleen at nag-okay sign sa kaibigan.
Hawak-hawak ang ulo na nagtungo siya sa banyo. Paulit-ulit pa ang paghingi niya ng paumanhin kapag may mababangga sa kanyang daan dahil may mga parte ang club na napakadilim. Wala siyang dala-dalang cellphone ng mga sandaling iyon upang gamitin na pang-ilaw.
Hindi kalaunan ay matagumpay din siyang nakarating sa banyo. Ginawa niya kaagad ang pakay doon. Kaagad siyang nagtungo sa isa sa mga cubicle upang umihi.
“Inom pa, Saleen!” kastigo niya pa sa sarili. “Ano, ikot mundo mo ngayon?” natatawa niyang turan.
Ganoon siya sa ilang minutong nasa loob. Hinintay niya pa kase na mawala ang pagkahilong nararamdaman niya bago tumayo. Nang makalabas, naghugas din kaagad si Saleen ng kamay. Pinagmasdan niya rin ang kanyang mukha. Natawa pa siya sa sarili nang makita ang kanyang repleksyon. Halatang may tama na siya ng alak.
“Ulit pa ba ng inom, self?” tanong niya sa sarili na sinagutan niya ng pag-iling.
Nang makalabas ng banyo, hindi inasahan ng dalaga ang lalaking bubungad sa kanya…
Madilim ang awra ni Augustus ng mga sandaling iyon. Pakiramdam niya’y handa itong sakmalin siya anmumang oras.
Ang higit niya pang ikinagulat ay ang paghila nito sa kanya sa isa sa mga cubicle na bukas.
Isinandal siya ng lalaki sa pagitan sa kaliwa bago isarado ang pinto ng banyo.
Nang una’y hindi niya matignan ang binata dahil sa kanyang pagkapahiya nang nangyari sa isla.
Ito na mismo ang gumalaw sa pisngi niya upang igaya niya ang tingin sa binata.
Maling-mali na sinalubong ni Saleen ang mapupusok nitong tingin sapagkat kusa niyang tinugon ang nakakapasong halik ng binata.
Ramdam niya ang bawat paggalaw nito sa kanyang labi. Ito ang unang halik na natikman niya kaya nang una’y hindi pa makuha ni Saleen ang ritmo nito. Dahil sa patuloy na paglandas ng labi ng binata at paghihintay nito sa kanya, unti-unti ring iyong nakuha ng doktora.
Ganoon pa ang gulat niya nang gamitan nito iyon ng dila makalipas ang ilang sandali. Bahagya pang napaatras si Saleen. Nang idikit muli ng binata ang mainit nitong palad sa kanyang katawan, muli na naman siyang nagpatangay dito.
Maririnig pa ang mahina niyang halinghing habang gumagala ang kamay nito sa kanyang likuran. Bumababa iyon patungo sa kanyang tiyan hanggang sa makarating sa kanyang hita. Nang bumaba pa nang tuluyan ang halik nito patungo sa kanyang leeg pababa sa kanyang dibdib, saka siya tuluyang natauhan.
Makikita kay Saleen ang matinding pagkagulat na napalitan ng takot. Napaatras siya nang kusa upang buksan ang pintuan ng cubicle. Hindi niya magawang tignan ang reaksyon ng binata. Ang nasa isipan ni Saleen nang mga sandaling iyon ay ang takot niya. Ramdam niya pa ang matinding pagkabog ng kanyang dibdib.
Sapo niya ang kanyang noo nang makalabas doon. Natagpuan niya na lang ang sarili na dali-dali sa pagtakbo habang pinipigilan ang pagpatak ng kanyang luha. Muli, naramdaman niya na naman ang labis na pagsisisi…