PAULIT-ULIT ANG NAGING pagsuntok ni Augustus sa punchingbag na nasa kanyang harapan. Mapapansin pa na malalakas ang suntok niya dahil bahagya ang nagiging galaw niyon kahit pa napakalaki at mabigat ito. Nasa loob siya ng gym at nagpapapawis bago pumasok ng hospital. Nakita pa ng peripheral vision niya ang paglalakad ni Evans na kanyang kanang kamay patungo sa kanyang gawi. Minsan lamang itong gumigising ng umaga dahil ito ang madalas na pinag-aasikaso niya ng kargamyintong ipinapasok sa bansa.
Ibinato nito ang bottled water patungo sa kanyang direksyon kaya mabilis na sinalo iyon ni Augustus. Huminto rin siya sa patuloy na pagsuntok sa punching bag para humabol ng hininga. Ininom niya rin ang ibinigay nitong tubig.
Magsimula bata pa, sila na ang magkasama ni Evans. Ito na ang naging katuwang niya upang maisagawa ang kanilang plano. Hawak niya ngayon ang ikatlong pwesto sa Fontana Family, ang pinakamakapangyarihang mafia sa bansa. Marami siyang underlings na kumikilos para sa kanya sa loob man iyon o labas ng bansa. Kung sinuman siya ngayon ay nakakonekta ang pangalan ni Evans doon.
Sa tuwing titingin siya kay Evans ay naaalala niya ang mga pinagdaanan nila. Ang malaking sunog nito sa mukha ang isa sa nagpapaalala sa kanyang magpatuloy pa kahit hindi na madali. Nawalan ito ng kapatid sa pag-aakalang siya iyon kaya pinatay. Nawalan siya ng ina dahil sa mga taong hayok sa kapangyarihan at kasalanan iyon ng mga Fontana. Handa siyang magpuntang impyerno mahanap lang pumaslang sa kanyang ina.
“That hospital is filled with the beast. The eyes might be on me and they are watching my every move,” sabi ni Augustus. “Handle the searching outside. The leads that we have are still not enough. Our searching team just found out that they are connected to the hospital. Let our underlings handle the small transactions. We need to move forward as soon as possible.”
“Still no sign of the Consigliere?” patukoy ni Evans sa kanang kamay ng hidden boss.
Ang hidden boss lamang ang nakakaalam kung sino ang pumatay sa ina niya ngunit walang nakakakilala kung sino ito maliban sa underboss. Ngunit kahit ang underboss ng Fontana Family ay hindi alam kung nasaan na ito ngayon dahil dekada na ang nakalipas na hindi ito nagpapakita. Ngayon ang underboss ang humahawak ng lahat ng transaksyon. Isa sa mga hawak ng Versaille ang hospital na pinagdalhan ng hidden boss ng mafia ngunit nabura ang lahat ng record nito na tanging ang consigliere lamang ang may hawak.
Tumango lamang si Evans bago tumayo mula sa pinag-uupuan. Ganoon lang ito makipag-usap. Kapag nasabi niya na ang dapat sabihin at wala namang dapat kontrahin, aalis na ito.
“Captain, ang aga naman yatang magising ni Sir Evans para sa balita pero isang beses lang na ibinuka ang bibig,” sabi ni Walker na kumakain pa ng pandesal at patungo sa kanyang direksyon.
Awtomatikong nabaling ang tingin ni Augustus sa supot ng pandesal na dala nito. Sumagi sa isipan niya ang doktora na nagtatatakbo nang makababa ng bangka kanina upang bumili ng pandesal. Ito ang naging prayoridad nito imbes na ipaliwanag ang sarili upang mabuhay.
“The paper is done, Boss,” sabi naman ni Hunter na kararating lang. May dala ang babae na dalawang tasa ng kape at iniabot nito ang isa sa kakambal. “Coffee boss?”
Tumango lamang si Augustus. Tapos na siyang mag-almusal kanina pa.
Parte ng mga sundalo niya ang kambal. Malaki ang nagiging papel ng mga ito sa grupo dahil sa epektibong pagtatrabaho. Nagtrabaho sa kanya ang kambal nang tulungan niya ang dalawa sa gulong kinasangkutan ng mga ito. Dahil ang dalawa na lamang ang magkasama sa buhay kaya tinanggap niya ang mga ito.
“Captain, how did you learn to cook?” interesadong tanong sa kanya ni Walker. “Hindi ka pa namin nakitang magluto o kaya ipagluto kami.”
“From my mom,” simpleng sagot ni Augustus habang inililigpit ang mga ginamit niya kanina.
“Patikim ng luto mo minsan, Captain!” sigaw pa ni Walker nang makalayo siya.
“TARAY AH! TUWING day off mo na lang yata tayo nagkikita, Bakla!” bungad sa kanya ni Yvonne nang makita siya. “Himala at nag-take ka ng day off. Isang suntok sa buwan iyon!”
Bahagyang ginalaw-galaw ni Saleen ang kanyang taynga dahil sa nakaririnding boses ng kanyang kaibigan.
“Lower your voice, Yvonne. You’re near me!” sabi niya sa kaibigan. “Para kang laging nakalunok ng megaphone sa lakas ng boses mo.”
“Nandito ba si Fahfah Victon?” tanong ni Yvonne sa isa sa mga tauhan ng daycare habang lumilinga-linga sa paligid.
Bahagyang natawa si Saleen. Matagal na kaseng kursonada ng kaibigan niya si Victon ngunit mailap ang lalaki. Parang sinasadya nitong hindi magpakita sa kaibigan niya.
“Alam mo, nakakahalata na talaga ako riyan sa amo mo ha! Kapag nandito ako, saka siya mawawala!” galit na reklamo ng kaibigan niya.
“Huwag mong pansinin. Ganyan lang talaga ‘yan,” natatawang imporma ni Saleen sa empleyado ng daycare. Napansin niya kaseng hindi nito alam ipaliwanag ang sarili.
“Alam mo, kaya walang nagseseryoso sa akin dahil sa kakokontra mo!” singhal ng kaibigan niya nang makaupo. “Pati ako nadadamay riyan sa pagiging single mo!”
Muli na naman tuloy na ginalaw-galaw ni Saleen ang taynga dahil sa lakas ng boses ng kaibigan. Nagulat pa siya ng kunin nito ang kamay niya at ipinawak nito ang isang bundok nito.
“Mukha namang totoong bobelya ‘di ba? Mukha naman akong babae pero bakit iyang si Fahfah Victon ayaw sa akin!” sab nito at ipinakagalaw-galaw pa ang kamay niya sa isang dibdib nito. “Di ba totoo, totoo naman ‘di ba?”
“Oo na, bakla!” natatawang turan ni Saleen.
“Susuko na ba ako?” seryosong tanong ni Yvonne sa kanya.
“Gaga, kapag sumuko ka, paano na ang lahing pinapangarap mo?” tanong niya rito.
“Kaya hindi ako nakaka-move on dahil diyan sa mindset mo!” galit na turan ng kaibigan niya bago uminom ng juice na in-order nito.
“Club tayo—” hindi naituloy ni Saleen ang sasabihin dahil sa pagbuga ng kaibigan sa iniinom na juice. “Yvonne! Bakit parang gulat na gulat ka?”
“Tama ba ang narinig ko? Ang Doktora Saleen Skelton ay nagyayang mag-club sa akin?” sabi nito nang makabawi matapos na mabulunan. “Alam mo, akala ko talaga magmamadre ka dahil sa pagiging birhen mo! Akalain mo iyon? Alam mo pala ang salitang club? Ano pang hinihintay mo? Tara na! Magsa-shopping tayo!”
Dahil sa narinig parang biglang gustong umurong ni Saleen sa pagyaya sa kaibigan. Katakot-takot na shopping ang ginagawa nito kapag niyayaya siya.
Ano ba kaseng pumasok sa utak niya at naisipan niyang mag-club? Kailangan niya ng distraction upang makalimutan ang nangyari sa kanya sa isla…