NANG MGA SANDALING iyon ay hindi naalis ni Augustus ang tingin sa babae. Tila may kung anong mahika ang humihipnotismo sa kanya upang hangaan ang natural nitong ganda. Isinasayaw ng hangin ang may kahabaan nitong buhok. Ang mga mata’y namumungay at halatang wala pa sa kamalayan dahil inaantok at naalimpungatan. Ang araw ay lumalandas sa kahubaran nito. Tila naging palamuti rin ang mga nakadikit na buhangin sa malaporselanang balat nito.
Isang malalim na paglunok ang ginawa ng binata. Tinatangay ng babae ang utak niya. Inilalayo siya nito sa reyalidad.
Hindi pa magbabalik si Augustus sa kasalukuyan kung hindi tumahol nang malakas ang napakalaking aso.
Ganoon na lamang ang dali-daling pagtatago ng doktora sa malaking batuhan dahil tila ba’y nagulat din ito matapos na maaalala ang kahubaran nito.
“Don’t try to come here! Don’t come near me!” malakas nitong sigaw. “Bite him if he tries to step closer, Sachi!”
Bahagyang napangisi si Augustus. May katapangan talaga ang babaeng doktor na biglaan na lamang lumalabas sa mga hindi inaasahang sitawasyon.
Ipinasok ng binata ang dalawang kamay sa kanyang bulsa. Gusto niyang malaman kung anong susunod na gagawing kilos ng babae. Sigurado siyang wala itong dalang damit sa parteng iyon ng batuhan dahil sumisilip ito at nagtatagong muli. Paulit-ulit din siyang binibilinan na huwag lalapit.
“How did you get here?” malakas na tanong nito. “Bakit kayo nandito?”
Naitapon ni Augustus ang sigarilyong nakapasak sa kanyang bibig matapos na hithitin iyon nang isa pang beses. Tinapakan niya iyon bago muling ibinalik ang tingin sa babae.
“Do you want to know?” tanong niya rin dito.
“Hindi ako magtatanong kung hindi ko gustong malaman!” pabalang nitong sagot. “Pero, hindi malaba ilegal na gawain na naman—huwag mo ng sabihin!”
“This is my island,” kaswal na sagot ni Augustus.
“Come again?” tanong ng babae na halatang nagulat. Dumungaw pa itong muli. Nang maalalang walang saplot, nagtago na naman habang tila’y pinapagalitan ang sarili “Since when? This island does not belong to anyone so how did it become yours all of a sudden?”
“I can see your t**s, doctora—”
“Bastos!” galit nitong sigaw.
Natawang muli si Augustus na hindi niya maalala kung kailan niya huling nagawa.
“Not my fault that you are naked in my island—”
“I’m not informed FYI!” sagot kaagad nito. “Limang taon na akong nagpapabalik-balik dito, paano naging sa ‘yo ito, aber?”
“I bought it?”
“You bought it for no reason—”
“Stop asking, doktora. Think about how you will get your clothes before anyone sees you. If I am you, I won’t allow that to happen—”
“Hindi lang ikaw ang nandito? Oh god! How many are you? You’re really getting on my nerves!” galit nitong sigaw. “May atraso ka pa sa aking lalaki ka! Bakit laging perwisyo na lang ang dala mo?”
Kumunot ang noo ni Augustus. Hindi ba ito ang may utang sa kanya?
Saka naalala ng binata ang ingkwentrong naganap sa kantina. Walang naging epekto sa babae ang gamot na itinurok nila. Kailanman ay hindi pa pumalpak ang mga tauhan niya. Hindi nakakaligtaan ng mga ito ang tungkulin na kailangang gawin kaya imposibleng ang mga ito ang nagkamali.
“Tama ako, may ginawa ka nga sa mga kasama ko. Ganyan ka ba magpasalamat?” sarkastikong tanong nito. “I saved your life but what did I get in return? You made me look crazy while I am trying to find out if my memory was right!”
Awtomatikong napahawak si Augustus sa parteng tinamaan ng bala. Bukod sa misteryo sa kanyang kung paanong hindi nakalimutan ng babae ang nangyari sa sitio, isa ring palaisipan sa kanya kung paanong gumaling kaagad ang sugat niya.
“Can you get mommies bag, Sachi?” tanong nito.
Isang malakas na tahol ang pinakawalan ng Chow Chow na aso.
“Yes, baggg. Baggg, baby. Get mommy’s bag,” malambing na utos ng doktora.
Kumunot ang noo ni Augustus nang tumakbo nang napakabilis ng aso. Hindi rin ito nagdalawang-isip na lumangoy sa katubigan at propesyonal na ikinakawag-kawag ang mga paa. Bumwelo ito atsaka tumalon patungong bangka. Makikita pa ang pag-alog niyon at bahagyang paglubog dahil sa laki ng aso.
Sandali nitong hinanap ang bag na sinasabi ng doktora. Nang makita ay iniipit nito iyon sa bibig. Tumalon ang aso sa katubigan habang nakaangat ang bag upang hindi mabasa.
Nang makarating ito sa parteng wala ng tubig, nagsimulang pagpagan ng Chow Chow ang sarili. Nagmamadali rin itong nagtungo sa amo nang sumipol ang doktora. Isa pang malakas na tahol ang pinakawalan ng aso bago dali-dali ang pagtakbo patungo sa amo.
Ngayon lamang siya nakaengkwentro ng matalinong aso. Habang nanonood tuloy ay magkasalikop pa ang kanyang mga kamay dahil sa pagkalibang.
“Bossing, wala naman eh!” sabi ni Seth sa kanya. “Hindi kaya napadpad lang dito ang bangkang iyan at itinali ang sarili niya sa puno—ay oso! Aso na kasinglaki ng oso!” malakas na sigaw ni Seth dahil sa matinding gulat.
“Bakit hindi mo sinabi, bosing? Aatakihin ako sa nerbyos!” natatakot na sigaw ni Seth. “Nangangagat iyan, bosing? Bakit parang galit na galit sa akin? May ginawa ba ako? Parang kasya ang buong kamay ko kapag kinagat ako—”
“Hindi nangangagat,” sagot kaagad ni Augustus habang nakangisi sa aso. Masyado siyang napabilib sa katalinuhan nito. Dahil naaliw siya, nailigtas nito ang amo sa posibleng kapahamakang dala niya. Pakakawalan niya ito sa ikalawang pagkakataon.
“Mabuti naman, bosing—”
“Hindi nangangagat, nanakmal lang—”
“Bosing naman!” takot na sigaw ni Seth habang nakatingin sa asong umaangil pa rin.
“You’re afraid and he felt it—”
“Hindi mo naman ako katulad na walang kinatatakutan, bosing!” sigaw muli ni Seth at kumapit nang mahigpit sa kanyang damit. “Kahit siguro iharap kita sa pating titigan mo lang. Baka magpa-picture ka pa nga—”
“That’s a great idea,” kaswal na sagot ng doktora at lumabas mula sa batuhan. “A selfie with a shark? I didn’t think about that.”
Muling sinuri ni Augustus ang suot ng babae. Nakapusod na ang itim at mahaba nitong buhok, nakasuot ito ng mahabang long-sleeve na puti na above the knee at nakayapak ang paa kaya makikita ang paglubog ng mga buhangin sa mga daliri nito.
“Dyyooosaaa…” wala sariling turan ni Seth at umalis sa kanyang likuran na parang hindi natakot kanina. “Diwataaa. Anghel na ibinaba ng lupa…”
Bahagya ang naging pagngiti ng doktora nang mapansin ang paraan ng pagtitig ni Seth.
“Bakit ngayon lang kita nakita?” humahangang tanong nito. “Sandali—doktora? Doktora Skelton? Ikaw ba iyan doktora?” kinusot-kusot pa ni Seth ang mga mata dahil hindi ito makapaniwala na ang doktorang nakasagutan niya sa kantina at ang babaeng nasa harapan nito ay iisa.
“Sigurado ka ba na hindi mo kakambal ang nasa hospital, doktora?” hindi pa rin makapaniwalang tanong ni Seth.
Nang tangkaing lumapit pa ni Seth ay malakas na pag-angil at isang matinding pagtahol ang pinakawalan ng aso. Dahil sa takot ni Seth ay nagtago itong muli sa likuran niya.
“Sa ‘yo ang malaking aso na ‘yan, doktora?” gulat na namang tanong ni Seth. “Sa ‘yo rin ang bangkang ito?” tanong na naman nitong muli.
Nabaling ang tingin ni Augustus kay Saleen. Dahil sa mga nagiging kilos ng doktora ay lalo itong nagiging misteryo sa kanya.
Mabilis ang naging paglapit ni Seth sa kanya.
“Anong gagawin natin ngayon sa kanya?” mahinang bulong nito sa kanyang taynga.
Isang makahulugang pagngisi ang pinakawalan ni Augustus habang nakatingin sa doktora…