PINAGMASDAN NI SALEEN ang malawak na karagatan sa islang kanyang pinupuntahan parati sa tuwing bumabalik ang buntot niya kapag bilog ang buwan. Delikado man ngunit wala siyang magagawa. Kailangan niyang magtungo ng katubigan dahil nanghihina siya kapag nanatili siyang lupa. Katulad ng mga isda, kailangan niya ng tubig. Sa ganoong paraan lamang siya makakapagpatuloy na makapanggap bilang isang normal na tao.
Muli na namang pumasok sa isipan niya ang dalampasigan na kanyang kinamulatan nang wala siyang maalala. Nang tubuan siya ng paa at magpagala-gala sa lupa ay hindi niya alam ang kanyang gagawin. Bago sa kanya ang lahat kahit pa nga ang paglalakad. Napuno siya ng takot sa bagong lugar na namulatan at ang madre sa kombento na nakakita sa kanya ang naging tulay upang makapagpatuloy sa buhay si Saleen.
Ang namayapang mader superior ang una at huling tao na nakaalam at nakakita ng buntot niya. Ito rin ang tumulong upang mapangalagaan niya ang sarili niya.
Dahil sa kanyang sitwasyon ay maaga siyang namulat sa reyalidad ng lugar. Bilang isang nilalang na naiiba sa mga tao, hindi niya alam kung paano niya itatago sa iba ang kanyang sikreto habang pinipilit niyang maging malakas upang makapagpatuloy.
Sa murang edad, natutunan niyang pangalagaan ang sarili sa tulong ni mader superior. Ito ang nagturo at nagbabantay sa kanya dati upang walang makahuli ng sikreto niya.
“I miss you, Mother Superior,” mahinang wika ni Saleen habang nakatingin sa buwan. “I am stronger now, mother. I’m a doctor which is my dream and also your dream for me. Are you watching me now? You said that you will become one of those stars from above. Where are you from these billions of stars? I want to see you…”
Bago pa tuluyang lamunin ng matinding kalungkutan si Saleen ay lumusong na siya sa katubigan. Kailangan niyang magtagal doon hangga’t nariyan pa ang buwan sa kalangitan. Sa ganoong paraan ay hindi siya manghihina kahit pa parati siyang nasa lupa.
Kampante siyang iwan si Sachi sa lupa dahil ligtas naman ang isla. Isa pa’y nakakatakbo nang malayo si Sachi dahil sa laki ng playground nito. Gustong-gusto pa naman ng Chow Chow niya magpagulong-gulong sa buhanginan.
Tanaw na tanaw ni Saleen ang ilalim ng karagatan dahil sa liwanag ng buwan na tumatama sa katubigan. Ito ang nagsisilbi niyang ilaw kahit pa napakalalim na ng gabi. Mula sa ilalim nakikita niya ang iba’t ibang uri ng isda na nasa loob ng mga korales kung saan nagiging bahay ng mga ito. Sabi ng mga mangingisda, ang mga ganitong uri ang mahirap hanapin dahil nasa pinakamalalim ng parte ng karagatan. Siguradong hindi maniniwala ang mga ito kapag sinabi niyang napakarami niyang nakikita parati.
Napakagandang tignan ng mga korales lalo pa’t tumatama doon ang liwanag ng buwan. Hindi siya naiinip na mag-ikot sa ilalim.
May mga pagkakataon na nakakakita ng pating sa katubigan si Saleen ngunit hindi siya natatakot. Hangga’t hindi naman kumakalat ang dugo sa katubigan hindi niya kailangang mabahala. Nagagamit niya rin ang mga nalaman niya sa siyensya kahit na tila’y kasalungat niyon ang nangyayari sa kanya. Siguradong kokontra pareho ang siyensya at pantasya sa kanya. Hindi niya kayang sabihin na may mahikang nakapaloob sa pagkatao niya katulad na lamang ng paglitaw ng buntot niya sa tuwing bilog ang buwan kapag nababasa dahil kahit siya’y naguguluhan. Hindi niya kayang ipaliwanag.
Pangarap niyang makausap ang mga nasa katubigan ngunit hindi niya alam kung mangyayari iyon lalo pa’t hindi niya alam kung may katulad niya pa ba o nag-iisa na lamang siyang sirena buong katubigan.
Nang mapansin ni Saleen na unti-unti ng lumiliwanag saka lamang siyang lumangoy sa lugar na pinanggalingan niya. Malalim din kase ang karagatang sinisisid niya. Kakain ng maraming oras ang pagbalik niya.
Habang bumabalik ay muli na namang pumasok sa isipan ni Saleen ang pandesal na ilang araw niya ng gustong kainin.
“Siguro naman makakain na ako ngayon,” nasabi niya pa sa sarili habang patuloy ang paglangoy patungong isla.
Dahil naroon pa ang kanyang buntot, kailangan niyang gumapang patungong pangpang kung saan tuyo ang buhangin. Sa ganoong paraan lamang babalik ang kanyang mga paa habang sumisikat ang araw.
Dahil madilim pa, isinandal lamang ni Saleen ang likod sa batuhan. Ipinikit niya ang mga mata upang umidlip sandali. Ngunit ang idlip na iyon ay napatagal dahil nagising lamang siya nang paulit-ulit na tumatahol si Sachi.
Naidilat ni Saleen ang mga mata nang wala sa oras. Ito ang unang pagkakataon na nag-ingay ito ng ganoon katindi sa isla. Siya pa kase ang tumatawag dito kapag pauwi na sila.
Sa tahol pa lamang ni Sachi alam niyang nagagalit ito.
Dali-dali ang pagtayo ni Saleen mula kinauupuan kanina. Muntik pa siyang matumba dahil nawala ang kanyang balanse. Ganito siya parati kapag kababalik lang ng mga paa niya.
“Sachi, bakit ka tumatahol?”
“Baby, why are you angry—” hindi naituloy ni Saleen ang sasabihin dahil sa taong nabungaran ng kanyang mga mata.
Ilang segundo pang tila nagkaroon ng pag-hang ang utak niya hanggang sa maaalala ang itsura niya. Wala siyang kahit na anong saplot sa katawan!
“ARE YOU SURE that this is all the cargo that we needed for the shipment?” tanong muli ni Augustus kay Walker. Ito ang nag-ayos ng mga kargamyintong ipapadala nila sa ibang bansa at ibebenta sa black market.
“I doubled checked everything, Captain. We made sure that there’s no error when all the boxes have been shifted.”
“Give me an update whenever you face some issues.”
“Noted, Captain,” sagot ni Hunter mula sa kabilang linya.
Nang maibaba ni Augustus ang tawag, kumuha siya ng isang stick ng sigarilyo upang sindihan ang dulong bahagi.
“Ang ganda ng almusal natin, Bosing!” malakas na puna ni Seth. “Buti hindi pa kulay itim ang baga mo, Boss! Stress ulit? Aga naman!”
Parang walang narinig na itinuloy ni Augustus ang paghithit ng sigarilyo. Ginagawa niya iyon habang tinatawagan ang kakambal ni Walker.
“Is this really the right island, Hunter? I want a clean paper for this one.”
“Yes, boss. The paper is clean. You don’t have to worry about the ownership. They can’t trace it. It’s not under your name,” sagot nito mula sa kabilang linya.
“Bakit mo pa ako sinama rito, bosing? Hindi mo ba kayang umalis ng ikaw lang mag-isa?” nagrereklamong wika ni Seth. “Ang dami-dami mong tauhan ako pa talaga ang laging nauutusan!”
“Are you saying something, Seth?” tanong ni Augustus nang hindi lumilingon dito. Nakatanaw ngayon si Augustus sa malawak na isla kung saan makikita ang tila walang hanggang karatagan. Muli niyang hinithit ang sigarilyong nakasalpak sa bibig.
“Hindi ka ba naawa sa akin, bosing? Nabaril kaya ako! Tapos ako pa ang isinama mo!”
“You have the right to say no but you didn’t,” katwiran ni Augustus.
“Akala ko ba walang nakakaalam ng isla na ito dahil malayo, bosing. Bakit may bangka rito?” tanong ni Seth sabay na itinuro ang bangka na nakatali sa mangrove tree.
Dahil malakas ang alon tila isinasayaw pa ang bangka ng talon.
“Go to the other side, Seth. Find any person whom can you see in this island,” bruskong utos ni Augustus.
“Anong gagawin natin kapag nakita natin, Boss?”
Hindi sumagot si Augustus sa tanong nito. Hindi niya pa alam. Gusto niya munang malaman ang dahilan kung bakit ito narito. Nagsimula siyang maglibot sa parte ng isla. Naging mahaba-haba rin ang kanyang nilakad nang mapahinto si Augustus dahil sa malakas na tahol.
Nagsunod-sunod ang pagtahol ng napakalaking aso. Makikita na galit ito at ayaw siyang palapitin pa. Sa inaasta ng aso’y tila may ginigising ito sa parte ng kabilang bahagi ng batuhan.
Hindi niya inaasahan na sa dinami-raming tao, ang babae pa ang makikita niya.