Chapter 9: The Mermaid

1881 Words
SA HOSPITAL NA naligo si Saleen. Naging mabilis lamang siya sa banyo dahil ilang oras na siyang late sa trabaho. Kahit na sinabi na sa kanya ni Victon na pumasok na siya ay hindi niya magawa. Gusto niya munang makasigurado na nasa maayos na kalagayan si Monique. Nang malaman niyang ligtas ang naging operasyon nito saka lamang tumayo si Saleen sa labas ng emergency room. Nang matapos maligo, naging mabilis din ang pagbibihis niya bago dumiretso sa canteen ng hospital. Doon na siya kakain ng almusal na naudlot kanina dahil sa mga kaganapang hindi niya inaasahan. Kumunot ang noo niya nang makarating sa kantina. Ganoon na lamang ang pagtataka niya dahil sa haba ng pila roon at karamihan ay puro babae. “Ano na namang nangyayari?” mahina niyang tanong sa sarili. Masyado ng mahaba ang araw niya para madagdagan pa ng mga hindi partikular na oras. Hindi na nagawa pang magtanong ni Saleen. Pumila na lamang siya sapagkat pakiramdamn niya ay may sumisipa na sa tiyan niya. Hindi iyon bata kundi ang bituka niya! Naglalaban na yata ang large at small intestine niya. Nakapikit si Saleen habang naghihintay at nakatayo sa pila. Kapag nararamdaman niyang umuusad iyon saka lamang siya didilat upang humahakbang nang bahagya. Ganoon nang ganoon ang ginagawa niya hanggang isa na lamang ang nasa harapan niya. Matapos makaalis ng nasa unahan niya, saka lamang dumilat si Saleen. Makikita ang matinding pagkagulat sa kanya nang makita kung sino ang nagsi-serve ng pagkain sa kantina. Bahagya pang lumaki ang mga mata ni Saleen nang makita roon ang mafia boss na kumuha sa kanila ni Nurse Vicky! Muling sumagi sa kanyang isipan ang pagkawala ng memorya ng mga ito sa loob ng dalawang araw. Malaki ang hinala niya na may itinurok sa kanilang droga. Iyon ang dahilan kung bakit sila nawalan ng memorya ang mga ito. Hindi kaagad nakapagsalita si Saleen. Bahagya pang nakabuka ang kanyang bibig. “Talong!” may kalakasan ang bibig niyang nasabi. “Pa-order ng rellenong talong!” mabilis na itinuro ni Saleen ang kanyang order. Bahagyang itiniklop nito ang sleeve ng itim na unipormeng pangkusina. Ipinatong nito ang magkabilaang kamay sa hamba ng pasamano kung saan nakapatong ang mga pagkain at tumingin sa kanya nang nakataas ang kaliwang kilay. “Are you sure about you order, doktora—” binasa nito ang nakabordang apelyedo sa kanyang lab coat. “Doktora Skelton, are you sure about your order?” Ibinalik ni Saleen ang tingin sa mga putaheng pang-agahan na nakahain ngunit walang rellenong talong doon! Sigurado siyang may nakahain don kanina. Saan iyon napunta? Parang gusto niya na lang magpakain sa lupa nang mga sandaling iyon. Isang malapad na ngiti ang ibinigay ni Saleen ngunit makikita sa mukha niya na gusto niya ng tirisin ang taong nasa kanyang harapan. Kasalanan ng lalaking ito ang lahat! Ito ang dahilan kung bakit parating lutang ang kanyang isipan nitong mga nakaraang araw. Hindi siya matatahimik hanggang hindi nalalaman ang totoo. Muling tumingin ng mga putaheng nakahain doon si Saleen. “Tortang talong kase,” saad niya. Sabi na nga ba’t may talong ngunit ibang luto lang! Inis niyang turan sa isipan. Pagkatapos sabihin ang mga naging order ni Saleen, pinagmasdan niya lamang ang lalaki habang kumukuha ng pagkain. Gusto niyang malaman kung paano ito naging chef? Sa dinami-rami ng lugar bakit dito pa sa pinagtatrabahuhan niya? Nang iabot nito sa kanya ang mga naging order niya, seryosong tumingin sa Saleen sa lalaki. Nakipagsukatan siya dito ng tingin. “Parte ka ng sindikato ‘di ba?” seryoso niyang tanong sa lalaki. “Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Kung nagawa mong paikutin ang mga kasama ko, ibahin mo ako. I still remember the things that you have done. Don’t try to play tricks on me again. I warned you.” Nang makuha ang kanyang plato, nagdire-diretso sa paglalakad si Saleen at nagtungo sa parteng may pinakamalapit na bintana. Hindi niya nagawang lingunin ang lalaki dahil sa galit. Tingin ba nito’y mapapaikot silang lahat? Ang mga katulad nito ang kinaiinisan niya. Hindi siya papayag na mapaglaruan sila! Nagsunod-sunod ang pagsubo ni Saleen sa pagkain nang hindi nilalasahan iyon. Hindi siya lalasunin nito. Malaki iyong kahangalan kung gagawin ng lalaki sa loob ng hospital. Pinakalma ni Saleen ang sarili nang makainom ng tubig. Hindi pa humuhupa ang galit niya nang maupo sa kaharap niyang silya si Cain. Kumunot nang bahagya ang noo ni Saleen habang nakatingin dito. “Bad mood?” tanong nito matapos magpatong ng bulaklak sa ibabaw ng lamesa. “Did I ruin your day?” Hindi magawang pekein ni Saleen ang ngiti. Masyado pa ring mainit ang ulo. “Sorry if I ever disturb you. I just want to celebrate the day that I met you,” saad ni Cain sa kanya. “Can I see your calendar?” sabi ni Saleen nang bahagyang mahimasmasan. Ang sinabi nito ang nakakuha ng atensyon niya. “I don’t have a phone. I left it inside the house because I was in a hurry.” Kaagad na iniibot ni Cain sa kanya ang cellphone nito matapos matanggal ang password. Dumiretso kaagad si Saleen sa calendar ni Cain upang makita ang mga buwan doon. It’s today lihim niyang nasabi sa isipan nang makita na ngayon ang full moon. Kailangan niyang maagang makauwi. Hindi siya maaaring maabutan ng gabi sa daan. “Thank you, Cain,” nakangiting sabi ni Saleen. “Pasensya na kung nasungitan kita. May nangyari lang kanina kaya ganito ang timpla ng mukha ko and about the flowers. I told you—” “I know, I know that you don’t like me, Saleen. You don’t have time to build a relationship but I can work on your schedule. I will not be your headache. I can be a good boyfriend—” “Cain…” malungkot na saad ni Saleen. “I can’t give you want. Your time and effort can’t change my decision. All I can offer is friendship. Nothing more,” saad niya rito at hinawakan ang kamay ng binata nang mapansin niya ang lungkot sa mga mata nito. “I have a reason that’s why I’m saying no to you. I don’t want to break your heart. Please understand me…” Noong una’y nakatingin lamang si Cain sa kamay nilang magkahawak kaya naman laking gulat niya nang halikan nito iyon. Kaagad na hinila ni Saleen ang kamay dahil sa pagkabigla. Napatayo rin siya sa kinauupuan nang makita ang direktor na paparating patungo sa kanilang direksyon. Mabilis ang naging pagtayo ni Saleen sa kinauupuan nang tuluyang makalapit ang directress. “Good morning, directress!” bati kaagad ni Saleen habang malapad ang kanyang ngiti. “Doctora Skelton, what a pleasant morning!” bati rin nito sa kanya habang nakalagay ang dalawang kamay sa bulsa ng lab coat. Nasa singkwenta na ang ina ni Cain ngunit hindi ito mukhang tumatanda at nanatiling nasa edad na bente hanggang trenta lamang. Halatang alagang-alaga nito ang sarili dahil napakaganda ng kutis nito, ang itim na buhok ay napaka-kapal at tila ba’y nagmimintis sa pagpunta ng salon. Matangkad din ang ginang at lalo pang tumangkad dahil sa suot nitong stiletto. Pangarap ni Saleen na makasama ang directress sa joint operation ngunit matagal na itong hindi nag-o-operate dahil sa dami ng kailangang asikasuhin ng hospital. Naroon na naman ang tila mga bituin sa mata ng dalaga habang nakatingin kay Celeste na director ng kanilang department. Ang babae ang isa mga dahilan kung bakit pinangarap niyang maging doctor. Isa rin ito sa dahilan kung bakit niya iyon naabot. “Did you already say yes to my son?” nakangiting tanong nito sa kanya. Bahagyang nahiya si Saleen hindi niya alam kung paano sasabihin dito na binasted niya na naman ang anak nito. “I will go now, Doktora Saleen,” wikang muli ng director. “I just want to say hi to my son. We no longer see each other's faces.” “Bye, Saleen,” sabi rin ni Cain. “I will go now too. Let’s go, Mom. I need to go to my meetings.” Ngumiti lamang muli si Saleen sa dalawa bago makatalikod ang mga ito. Binalikan ni Sleen ang kinakain upang magkaroon siya ng lakas sa maghapon. Alam niya magiging mahaba ang araw niya ngayon dahil sa dami ng kanyang gagawin. MAAGANG TINAPOS NI Saleen ang lahat ng kanyang trabaho ngayong araw. Hindi na rin siya nag-ot sa hospital dahil kailangan niyang makauwi bago pa lumubog ang araw. Dahil sa kanyang lihim na itinatago ay iniiwasan ni Saleen na magpanggabing ship. Mabuti na lang at maganda ang record niya nang maka-graduate at may magandang reputasyon siya kaya minsan lamang siyang ilagay ng hospital sa ganoong ship. Nangyayari lamang iyon kapag marami ang isinusugod sa hospital. Kinuha rin kaagad ni Saleen si Sachi daycare nang makalabas ng hospital. Nang makarating siya sa bahay, nagpalit lamang ng damit si Saleen at kumuha ng dalawang pares ng damit. Matapos niyon ay lumabas siyang muli ng apartment na tinutuluyan. Naglakad sila ng aso niya patungo sa dalampasigan kung saan malapit na ipinaparada ang mga bangka. Naroon din kase nakalagak ang bangkang naipundar niya. “Mang Toni, kunin ko po muna ang bangka!” paalam ni Saleen sa caretaker ng bangkang ginagamit niya. “Sige ho, doktora! Mangingisda ka ulit?” Nakangiti lamang na tumango si Saleen kahit hindi naman talaga iyon ang dahilan kung bakit siya nagtutungong laot. “Sige ho, Mang Toni, tuloy na ho kami ni Sachi!” “Ingat ho!” kumaway pa ang caretaker sa kanya. Malakas na itinulak ni Saleen ang bangka niya patungo sa mas malalim na parte ng katubigan matapos niyang maisakay si Sachi. Nang masiguradong hindi na iyon sumasadsad, saka lamang sumakay si Saleen. Ginamitan niya na ng pangsagwan upang mas makarating sila sa mas malalim na parte. Iniwasan niya rin ang mga mangrove na nadadaanan nila sa pangpang. Hindi rin nagtagal ay pinatakbo na ni Saleen ang makina ng bangka. Malakas na tumunog ang maingay na tambutso nito matapos niyang hilahin ang tali ng makina. Hindi niya kase tinigilan iyon hanggang sa hindi umaandar. “Enjoy si Sachi?” nakangiti niyang tanong nang makitang excited ito. Tumahol nang malakas si Sachi at ikinakawag-kawag ang mabalahibong buntot. Muling napangiti si Saleen. Ibang-iba talaga ito sa ibang aso. Si Sachi lang yata ang kilala niyang hindi takot sa tubig at excited pa kapag naroon. Kaya rin nitong lumangoy nang malalim kahit pa napakalaki. Ipinasadya niya na ang bangkang gamit na kasya ang limampung katao para kay Sachi. Kasa-kasama niya na kase ito magsimula nang maliit pa lamang. Bago pa man sila makarating sa tagong isla ay madilim na. Itinabi ni Saleen ang bangka sa tagong parte. Tumalon naman kaagad si Sachi pababa at nagpagulong-gulong sa buhanging basa. Isa-isang hinubad ni Saleen ang kanyang damit at itinira lamang ang kanyang underwear. Inilagay niya ang basang damit sa loob ng bangka bago dahan-dahang nagtungo sa katubigan. Kaagad siyang naupo sa parteng mababasa ang kanyang paa. Nakatingin lamang si Saleen sa kalangitan sa loob ng ilang minuto. Mayamaya pa ay sumilay doon ang buwan. Ipinikit ni Saleen ang mga mata habang nararamdaman niya ang pagbabago sa kanyang mga paa. Nagdidikit iyon at hindi niya na maibuka. Sa muli niyang pagmulat niya ng mga mata, tuluyan na iyong nagbago at naging buntot…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD