HINDI PA SUMISIKAT ang araw nang magising ngayon si Saleen dahil target niyang makabili ng pandesal sa ibaba ng kanyang apartment. Isang kanto ang pagitan niyon sa kanyang bahay kaya hindi siya nakakabili kapag kulang na siya sa oras. Naka-cardigan lamang si Saleen at pantulog na damit.
Ipinusod niya lamang ang buhok niya nang kuhanin ang claw clip sa salamin. Saglit pa siyang napatingin doon nang mapansin niyang natatanggal na ang kulay na itim sa buhok niya. Hangga’t maaari ay buwan-buwan siyang nagkukulay ng buhok dahil ayaw niyang maging tampulan ng tingin ang totoong kulay pula na buhok niya. Mabuti na lang talaga’y matibay ang anit niya at hindi pa rin naglalagas ang buhok niya dahil sa parating paglalagay ng kemikal doon.
Nang makalabas ng kwarto. Isang malapad na ngiti ang pinakawalan ni Saleen. Mababaw lang ang kaligayahan niya. Swerte na niyang maituturing ang sarili dahil may bahay siyang natutuluyan. Pumasok pa sa isipan niya ang mga panahon na iniisa-isa niya ang mga kagamitan sa bahay niya. Kapag nakakapagpundar ng kahit isang gamit parang buo na ang araw niya sa buong linggo.
Ang tema ng kanyang apartment ay puti at kahoy. Ito ang napili niya dahil sa ganitong kulay ay makikita niya ang kasuluk-sulukan ng kanyang bahay. Malalaman niya rin kung kailangan niya ng maglinis lalo pa’t may alaga siyang aso. Makapal ang balahibo ni Sachi kaya naman mas madami kung maglagas iyon.
Mabilis ang naging paglalakad niya dahil iniwan niyang mag-isa si Sachi sa bahay. Hindi naman pasaway at magulo ito sa bahay. Sadyang ayaw niya lang na naiiwan ng mag-isa. Hangga’t maaari ay gusto niyang may kasama ito.
Yakap-yakap ni Saleen ang sarili nang umakyat ng tulay. Pakurba kase iyon dahil sa ilalim ay dumadaan ang mga bangkang patungong dagat. Bale ang dito hanggang sa kabilang dulo ay ilog at kapag nakakita na ng buhangin ay dagat na.
Bukod sa dito siya nadistinong magtrabaho, isa pa sa dahilan kung bakit niya napiling magpasa ng portfolio rito ay dahil malapit sa dagat. Kahit na marami ng nangyari sa buhay niya, hindi niya pa rin nakakalimutan kung saan siya nanggaling.
“Good morning, doktora!”
“Good morning din po, La!” nakangiting bati ni Saleen sa matandang nagbubukas ng kanyang sari-sari store. “Kumusta na po si Lolo?”
“Ayon, salamat sa naging tulong mo. Napabuti na ang lagay niya.”
“Basta huwag niyo lang pong kalimutan ang pag-inom niya ng gamot. Paalalahan ko rin po ang apo niyo,” sabi ni Saleen bago kumaway sa matanda.
“Salamat ulit, doktora!”
“Wala pong anuman!” sagot pa ni Saleen bago magpatuloy sa paglalakad.
“Ngayon ka na lang napadaan dine, doktora!” sabi naman ng isang ginang na nagkakape sa tapat ng bahay nito.
“Ah, oho! Lagi ho kaseng pagod sa hospital,” sagot niya rito.
“Kape po muna, doktora!” sabi pa ng isa nang madaan niya rin itong nagkakape sa labas ng bahay.
“Bibili po muna akong pandesal, Kuya. Sa bahay na. Walang kasama si Sachi!”
“Ipasyal mo rito si Sachi kapag hindi ka na busy, doktora!”
“Opo! Isasama ko siya sa susunod kapag maagang nagising.” sagot niya sa isang nasa teresa sa second floor ng bahay nito.
Hindi na naman mawala ang ngiti ni Saleen. Minsan parang gusto niya ng tumakbong konsehal sa lugar nila. Halos lahat kase ng madaanan niyang bahay o establishemento ay binabati siya. Kaya hindi siya pwedeng bumili ng tinapay na tirik na ang araw. Panigurado kaseng mahuhuli siya sa pagpasok o kaya tanghali na siyang makakauwi. May pagkakataon pa kase na biglang may magpapakonsulta o magpapa-bp sa kanya habang naglalakad. Hindi niya naman natatanggihan dahil mabilis siya nakokonsensya.
Nang liliko na sana si Saleen sa paglalakad ay napahinto siya. Kumunot na naman ang noo niya dala ng labis na pagtataka. Tama ba ang nakikita niya? Paa. May isang pares ng paang nakalitaw malapit sa basurahan. Hindi siya maaaring magkamali. Tao ang nakabulagta. Muli, umiral na naman kay Saleen ang pagiging matulungin. Kusang kumilos ang katawan niya upang puntahan ang nakahiga sa madilim na eskinita.
“Oh god, Monique…” mahina niyang bulong nang makilala ang babae. Kaagad niyang inilagay ang hintuturo at hinlalato sa leeg ng babae upang pakiramdaman ang paghinga nito. Mahina na iyon. Kailangan kaagad nito ng atensyong medical.
“Tulong!” malakas na pagsigaw ni Saleen nang lumabas sandali ng eskinita upang marinig siya ng mga nasa labasan. “Tumawag kayong ambulansya!” Ilang beses pa siyang sumigaw. Nang makuha lamang ng mga naroon ang ibig niyang sabihin, saka lamang niya binalikan ang nakahandusay sa sahig.
Pinagmasdan niyang mabuti ang lagay nito bago itaas ang damit ni Monique. Mabilis ang naging pagkilos ni Saleen matapos makita ang malalim na sugat nito sa tagiliran. Gawa iyon ng kutsilyo na may kakaibang talim base sa paraan ng tama nito. Nang mahubad ang kanyang jacket, mabilis ang pag-aampat ni Saleen sugat nito. Iba na ang kulay nito. Ibig sabihin ay ilang oras na rin itong umiinda sa sakit.
“Do you hear me?” tanong niya kay Monique nang nag-aalala habang matindi ang pagkakadiin sa sugat nito. “Monique?” tawag niyang muli rito habang sinasampal-sampal ang pisngi nito.
“Doktora!”
“Lumayo kayo nang bahagya. Kailangan niya ng hangin!” malakas na sigaw ni Saleen nang mapansin niya ang mga taong nagsisimulang magkumpulan.
“Monique?” tawag niyang muli rito at itinapat ang taynga malapit sa dibdib ng babae.
Dali-dali ang naging paghahanda ni Saleen at nagsimulang mag-CPR. Ilang beses niya iyong inulit hanggang sa bumalik ang paghinga nito.
Isang malalim na paghinga ang pinakawalan ni Saleen bago sumalampak sa sahig. Muli niya ring ibinalik ang kamay sa sugat nito nang marinig ang paparating na ambulansya.
“Doktora Skelton!” gulat na bungad sa kanya ng driver ng ambulansya.
“Manong Ben,” mahinang saad ni Saleen.
“Doktora!”
“Nurse Claire,” bati ni Saleen sa Nurse na may shift kadalasan sa gabi.
“Doktora,” tinulungan siya nitong makatayo mula sa pagkakasalampak
Nagsimulang buhatin ng mga rumesponde si Monique gamit ang inilabas na stretcher.
“Sasama ako sa hospital,” saad ni Saleen nang maipasok ang pasyente sa loob ng ambulansya.
Hindi na sa kanya bumitaw ang nurse at magkasunod lamang ang naging pagpasok nila sa loob ng ambulansya.
“Do you have a phone, Nurse Claire?”
“Ah ito, Doktora.”
“Thank you. I’ll call someone,” sabi niya rito. “Naiwan ko sa bahay si Sachi.”
“Madadaanan lang dito ang bahay mo, doktora. Gusto mo bang bumaba?”
“Nope. I’ll just call my friend. Ipapakuha ko si Sachi para dalhin sa center. Hindi rin ako mapapalagay kung uuwi ako,” saad niya rito habang nagsisimulang itipa ang numero ng kaibigan.
Makailang ring din ang narinig ni Saleen mula sa kabilang linya bago iyon nasagot ng kaibigan niya.
“Yvonne, its me Saleen,” sabi niya kaagad nang sagutin nito ang tawag.
“May emergency?” tanong kaagad nito. “Naiwan si Sachi sa bahay ‘no?”
“Yep, I’m going to the hospital. Can you pick up Sachi in the apartment? He’s still sleeping when I go out,” sabi niya rito.
“Malamang hinahanap ka na ng anak mo. Gising na ‘yon. Sige, puntahan ko.”
“Thank you, Yvonne.”
“What are friends for?” sabi nito. “Wala ‘yon. Bye. Good morning friend!”
“Good morning. I’ll hang up. We’re here.”
“Bye.”
Kaagad na ibinigay ni Saleen ang telepono kay Nurse Claire nang huminto ang ambulansya.
Naghiwalay rin sila ng daan matapos niyang makapagpasalamat dito. Tapos na kase ang ship nito at magpapalit na ng damit.
“Can you call the Happy Pet Daycare? Tell the owner that one of his workers is here,” sabi ni Saleen nang mapadaan sa isa sa mga staff ng hospital.
“Copy, doktora,” sagot kaagad nito at dali-daling nagpunta sa counter.
Hindi na nagprisenta si Saleen na sumama pa sa ER nang ipasok doon si Monique. May mga panuntunan siya sa sarili kung involve ang buhay ng pasyente. Kung hindi nakakain o walang magandang tulog, hindi siya pumapasok sa loob ng ER basta-basta. Ayaw niyang may masasangkalan ng dahil sa kanya.
Naupo si Saleen sa labas ng ER. Ipinikit niya ang mga mata at naghintay roon.
“Saleen…”
Idinilat lamang ni Saleen ang mga mata nang mapansin ang pagtapik ng kung sino sa kanyang balikat.
“Victon, si Monique—”
“Something bad happened?” tanong nito matapos putulin ang kanyang sasabihin. Hinubad din nito ang cardigan na suot at ipinatong iyon sa kanyang balikat.
Tatanggalin pa sana ni Saleen ang inilagay nito ngunit isinuot niya rin kaagad nang makita ang mga dugo sa kanyang pantulog na damit. Litaw na litaw iyon dahil puti ang kulay.
“How did you know?” tanong niya kay Victon nang makaupo silang dalawa.
“She’s not updating me when I asked if she’s going to take the shift of another employee,” paliwanag ni Victon. “Paano mo pala siya nakita?”
“Bibili sana akong pandesal—” hindi naituloy ni Saleen ang kasunod ng sasabihin niya nang marinig ang pag-alburoto ng tiyan niya. Senyales na gutom na nga siya…