Chapter 7: A Glimpse

1130 Words
NAGTULOY-TULOY ANG PAGPASOK ni Augustus sa kanilang hideout nang maiparada niya ang kanyang motor sa labas. Mapapansin kaagad ang ibinibigay sa kanyang atensyon at respeto ng mga nasa loob ng gym. Ang iba sa mga ito at ay binitiwan pa ang mga dumbble na hawak nang makita siya. Ang mga tumatakbo sa treadmill ay huminto rin upang yumukod pa nang bahagya o ‘di naman kaya ay bumati sa kanya. Kung mga ordinaryong tao lamang ang mga nasa labas ay iisipin na isang gym lamang ang lugar na iyon para sa mga taong gustong magpalaki ng katawan. Ngunit ang totoo’y isa iyong secret base ng Fontana Family. Ito ang naging kuta ng mga nasa ilalim ng pangangalaga ni Augustus. Ang lahat ng nasa loob ng gym ay mga tao niya. Ang looban ng gym ay may kaparehong tema rin sa loob. Concrete cement ang kulay ng pader at bahagyang may pagka-rough finish iyon. Ang ibang bahagi naman ay may kulay na itim upang bumagay sa ibang mga gym equipments na nasa loob ng gym. Myx na concrete at modular container ang makikita sa labas ng gym at maging sa ibang bahagi ng loob. Hangga’t maaari ang gusto ni Augustus ay magmukha iyong hindi pansinin para makakapaglabas at pasok sila nang walang aberya. May mga indoor plants din ang base nilang iyon dahil karamihan ng tauhan niya ay dito tumatambay. Bahagya lamang na tumango si Augustus. Alam na kaagad ng mga tauhan niya ang ibig sabihin niya. Kusa ang mga ito na nagsipagbalik sa kanilang mga ginagawa. Muling maririnig ang ingay sa loob ng gym na kanina'y naging maingay dahil sa pagdating niya. Katulad ng dati, malalaki na naman ang hakbang ni Augustus. Nahinto lamang siya sa mabilis na paglalakakad nang mapansin niyang naging mabagal ang paglalakad ni Seth. Nilingon ito ng binata na bahagyang nakakunot ang noo. Mas lalo pa iyong kumunot nang mapansin niyang huminto si Seth sa paglalakad. Hindi niya na kailangan pang tanungin ang dahilan. Alam niya na kung bakit. Bago pa ito tuluyang bumagsak sa lapag ay nasalo na ng isang pinakamalapit dito na miyembro ng kanilang group. “Find the bullets,” kalmadong utos ni Augustus. Isang beses lamang iyon na iniiutos ni Augustus ngunit naging mabilis kaagad ang kilos ng pinakamalapit kay Seth. Karamihan, ang kinatatakutan ng iba ay ang galit ng mukha ng mga taong makapangyarihan ngunit iba kung ikukumpara ng mga nasa poder ni Augustus. Respeto ang isa sa mga pinahahalagahan nila. Alam ng mga ito ang kakayahan niya. Alam din ng mga ito ang kaya niyang gawin sa mga taong kakanti sa kanyang grupo. Hindi siya ang uri ng tao na nagbabanta. Hindi siya nagdadalawang-isip na itumba ang mga taong nagiging dahilan kung bakit may nangyayaring hindi maganda sa kanyang grupo. Tiim-bagang na tumalikod si Augustus nang makita niyang dumarating na si Walker. Kakambal ito ni Hunter na hacker ng kanilang grupo. Bukod sa pag-aayos ng ibang problema ng grupo sa labas. May kaunting alam din si Walker sa medical fields. Ito ang tinatawag kapag hindi naman masyadong matindi ang naging tama ng bala. “Did you find anything?” tanong ni Augustus nang makapasok sa sikretong lugar ng gym. Mas malaki ang parteng ito kung ikukumpara sa itaas na bahagi. “He’s not singing,” sagot ni Evans sa kanya at binitiwan ang hawak na baton. Pinagmasdan ni Augustus ang lalaki. Magang-maga na ang mukha nito. Matindi na rin ang pamamaga ng isang mata at hindi na halos makakita sa mga suntok na natanggap nito. Tumutulo rin ang dugo na galing sa bibig. Ito ang nag-iisang tauhan ng kalaban na nadala nila sa kanilang poder. Nagmamadali siya sw pagpunta rito kanina dahil sa lalaking nasa harapan niya. Ito lamang ang makapagbibigay sa kanila ng lead sa kung sinong salarin sa naganap na barilan sa sitio. Gusto niyang malaman kung anong dahilan at nagkainteres sa kanya ang kalaban ng kanilang organisasyon. Inilabas ni Augustus ang lighter sa kanyang bulsa. Binubuksan at sara niya ang metal na takip ng lighter. Nang huli ay kumuha rin siya ng isang stick ng sigarilyo. Isinalpak iyon ni Augustus sa bibig niya bago hithitin at ibuga ang usok. Magkasalikop ang kanyang binti nang tumingin sa lalaki. Blangko rin ang kanyang mukha. “Do you know me?” tanong niya rito. “Do you know why you are still alive?” Nagsunod-sunod ang pag-iling nito habang pinanlalakihan ng mga mata dahil sa takot nang muling tumayo si Evans mula kinauupuan. Kilala siya nito. Alam din nito ang kayang gawin ni Evans. Rumerihistro ang takot sa mukha nito. “You’re alive because of me,” sagot ni Augustus at hindi inaalis ang tingin dito. “You don’t know Evans. He’s more cruel than me. If I am evil. He’s the devil himself.” Muli niyang pinagmasdan ang lalaki. Nataranta ito nang kuning muli ni Evans ang baton na hawak nito. Tumayo na si Augustus nang makita niya kung paano hatawin ni Evans ang lalaki. Sa sobrang lakas ay nag-echo pa ang tunog sa lugar. Pinaghalong tama at paghiyaw ng lalaki ang maririnig. “Suit yourself,” sabi ni Augustus nang huminto sa paglalakad. “If you want to see your family again, better to sing now.” Nagtuloy-tuloy na paglalakad si Augustus patungo sa isa pang sikretong kwarto ng kanilang base. Matapos niyang pindutin ang sikretong buton na nasa library ng kanyang kwarto, tumambad sa kanya ang isa pang malaking kwarto na may puting kulay sa lahat ng bahagi. Wala ng ibang makikita sa kahabaan ng wall na iyon kung hindi ang mind map na binuo niya. Dito niya inilalagay ang lahat ng impormasyon na nakakalap niya. Muling hinithit ni Augustus ang kanyang sigarilyo. Sa tagal at haba ng kanyang pag-iimbestiga. May iisang pamilyang lumalabas lamang at iyon ang apelyido ng mga Fontana. “My hardwork cannot come from nothing. I work so hard to climb to the top just to get you,” makahulugang pahayag ni Augustus. Kung nasaan man ngayon si Augustus, hindi niya iyon pinaghirapan ng walang dahilan o isang araw lamang. Nagsimula siya sa ibaba kung saan naranasan niya ang ibat-ibang uri ng pasakit at paghihirap para sa isang dahilan. Iyon ay malaman kung sino ang pumatay sa kanyang ina. Lahat ng haharang sa kanyang daraanan ay hindi niya sasantuhin. Sisiguraduhin niyang magbabayad ang mga dapat magbayad. “I will make sure that you will pay,” makabuluhan niyang wika bago itira ang dart na nakuha niya sa lalagyan. Ibinato niya iyon nang hindi lumilingon sa lugar na inasinta niya. “Now, I need to find out who you are,” makahulugang wika ni Augustus. “What do you know, Skelton?" Napahinto sa paglalakad si Augustus nang muling maalala ang paraan ng pagtingin ng dalaga. “Is your memory really erased or not?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD