Gumising ako ng maaga para makapasok agad sa school. Hindi kona inintay magising si Mama dahil alam kong puyat s'ya kagabi. Naligo agad ako at nag-ayos papunta sa school. Bibili nalang siguro ako ng tinapay sa daan para mag kalaman manlang 'yung tiyan ko. Pero pinagprito ko sinda Sean at Savina ng natirang frozen hotdog para papasok sila sa school ng busog.
Tama nga ang akala ko na hindi makakapasok si Bren. Hang-over siguro 'yun. Yari nanaman s'ya sa tita n'ya. Makikipag kita ako kinda Ashie At Rein mamaya, Lunch.
"Lia? Lia!" Ma'y boses lalaking tumawag saakin. Nilingon ko 'yun. S'ya si Enzo 'yung naging ex ko nung highschool.
"Bakit?" Walang gana kong sabi. Sa pagkaka-alam ko ay sa Blue Turner s'ya napasok, Ba't andito s'ya? At suot n'ya pa ang uniform ng Yellow Valley. Nag transfer s'ya?
"Andito nako pumasok... Para makasama kita!" Tuwang-tuwa n'yang sabi.
"Umalis ka nga. Hindi kita gusto, Ulol," Inirapan ko s'ya bago ako pumasok sa gate ng school. Nakaka badtrip at s'ya agad ang bubungad saaking umaga. Pede naman 'yung crush ko sa Blue Turner... Si Zaire.
Madaming nabating lalaki sakin habang ako'y papunta sa room ko. Kala mo naman kung sinong famous at ma'y pag bati pa. Tatakbo ata sila ng mayor eh.
Architecture ang tinake kong course. Syempre nakakasira ng utak pero kinakaya ko pa naman. Kahit hindi na private ang school basta makapag tapos. Yun lang naman ang pinaka-goal ko eh.
Minsan kapag wala akong pang-baon ay ma'y magpapadrawing sakin para sa project nila. Binabayaran naman nila ako. Pero hindi na ako tumatanggap ngayon dahil sarili ko ngang gawa hindi ko manlang matapos-tapos kahit pagtuunan kopa ng pansin 'yun magdamag.
Maaga kaming iniwan ni Papa. Ewan ko sumama na ata s'ya sa pamilya n'ya. At sure akong hindi lang sina Sean at Savina ang kapatid ko. Meron din akong kapatid ka'y papa. Hindi narin nagbibigay ng sustento si papa dahil pumunta na s'ya sa ibang bansa kasama ang bago n'yang pamilya doon. Pero kinakaya parin naman namin ni Mama. Minsan ay nahingi kami ng tulog ka'y Tita sa Batangas.
"Ayan na 'yung malandi oh," Rinig ko ang pabulong-bulong nila. Alam konaman na madami akong ex pero atleast ma'y nagkakagusto saakin, Sakanila wala. Inirapan kolang sila at dumiretso na sa room ko dahil nakakairita 'yung mga taong nakakasalubong ko.
Wala parin 'yung prof namin. Sabi n'ya kailangan namin pumasok ng maaga pero s'ya 'tong mag lulunch time na ata wala parin kaming nadidiscuss dahil wala pang prof na nagtuturo.
"Hoy beh, Pa drawing ako," Sabi ni Valeri. Umoo nalang ako at isisingit konalang mamaya sa mga gagawin ko sa bahay. Project daw 'yun ng kapatid n'ya pero s'ya ang gumagawa ng paraan. Parang ako, Hindi makakatulog kapag hindi na susolusyonan 'yung project ng mga kapatid ko.
At sa wakas ay dumating nadin 'yung prof namin. Ma'y mga pinapagawa nanaman s'yang alam naming ikakasabog ng utak namin. Minsan hindi ko din alam kung bakit ito 'yung kinuha kong course eh.
Time na kami at namasahe ako papunta sa restaurant kung saan kami magkikita-kita.
"Asan si Bren?" Tanong ni Rein.
"Hang over," Sabi ko habang kinakain 'yung lunch ko. Naisip ko 'yung field trip ni Sean.
"Ah ano kasi..." Hindi ko alam kung saan ko sisimulan dahil simula high-school palang ay lagi na akong humihingi ng tulong sakanila kapag nashoshort kami.
"What?" Ani Ashie.
"Ma'y field trip kasi si Sean eh medyo gipit si Mama ngayon," Sabi ko. Tumango sila doon sa sinabi ko.
"How much ba?" English na tanong ni Ashie.
"Pero okay lan-" Hindi na ako pinatapos ni Ashie mag-salita.
"Seriously Lia? Ofcourse I can. Just tell how much it is. What' friends for right?" Nakakadugo s'ya ng ilong huh. Pero ngumiti nanaman s'ya sakin, Like she always do.
Bumalik na ako sa room ko pag katapos makipag lunch sa dalwang 'yun. Madami nanamang nag-fofollow saakin sa i********: at ichachat ako kung pede daw bang makipag friends, weh? Friends lang ba talaga?
Sobrang wala ako sa sarili ko magdamag. Ganto usually ang ginagawa ko araw-araw. Gigising ako ng maaga ar aalis ng maaga din. Sobrang nakakapagod pag-uwi. Ako ang naglilinis ng bahay, Tumutulong ka'y Mama, Nagluluto.
Pag naman weekends ay sinasamahan ko si Mama mag tinda sa plaza. Pero minsan lang 'yun dahil madami akong ginagawang drawing dahil kailangan ay ibigay kona 'yun sa nagpapadrawing at paea mabayaran na din ako. Iniipon ko 'yung kita ko don para sa sarili ko. Pero pag emergency at kailangan talaga ay naiibigay ko ka'y Mama 'yung pera.
Hindi naman kasi ako pedeng paupo-upo lang dahil kailangan kong makatulong kahit nag-aaral palang. Buti nga at kahit papano ay nagkaron ako ng talent sa pagdadrawing, Nakatulong fin 'yun ng malaki sakin.
Actually minsan talaga kapag medyo gipit ay kinda Ashie, Rein, Bren ako lumalapit. Eh wala naman akong malalapitan kung hindi sila. Sila lang ang meron ako sa mga panahong walang-wala ako, Kami.
Nasa labas ako ngayon school. Kumakain ako ng kikiam ng biglang ma'y tumawag saakin. Hindi ko 'yon pinansin baka isa lang 'yun sa mga lalakeng ma'y atraso ako. Aba hindi ko naman siguro kasalanan na hindi ko na sila type at bored lang ako non.
"Dito ka pala napasok?" Muntik ko ng madura 'yung kinakain kong kikiam ng makita 'yung lalaking naghatid sakin sa bahay kagabi, Riley?
"Sino ka," Tumawala lang s'ya saakin. Nakakairita naman 'yung pag tawa n'ya. Basta-basta nalang s'ya nasulpot.
"Ako 'toh si Riley..." Nakatingin n'yang sabi.
Pero aaminin ko talagang ma'y itsura s'ya. Matangos ang ilong, Magandang mata, Perfect ata s'ya. Kamukhang-kamuha n'ya talaga!
"Ikaw ba 'yan?" Tumango s'ya saakin. Nakita ko ang uniform n'yang Blue Turner, Confirmed. Mayaman nga s'ya.
"Oo. Naalala mopa pala ako..." Nakangisi n'yang sabi. Nagtataka ako dahil lahat ng mga babae sa school namin ay tumitili pag nakikita s'ya, Artista baga 'toh? Mukhang asungot.
"Hindi ko naalala." Pagtanggi ko kahit naalala ko naman s'ya. Sadyang mabiro lang talaga ako, I guess.