CHAPTER 01

1004 Words
"Ako nga pala si Riley." Sabi n'ya. Lumingon ako sa likod ko kung ma'y nakasunod ba saking lalaki pero wala naman. Buti nalang. Lumingon naman ulit ako sa lalaking ito. Infairness meron s'yang itsura hah. "Hindi ako nagtatanong," Inirapan ko s'ya. Aba basta-basta magpapakilala eh hindi konaman sinasabing magpakilala. Hindi naman ako interested dito sa isang 'toh. "Attitude," Tumawa s'ya. Mas lalo akong nainis. Oo attitude ako. "Wala kang pake." Inalisan ko s'ya dahil nakaka bad trip ang mukha ng isang 'toh. Maglalakad na sana ako palayo ng bigla n'ya akong hinatak. "Hoy hala joke lang," Inirapan ko nanaman s'ya. "Wag mokong iwan," Wala ba s'yang kasama? Umupo kami sa isang table na kami lang. Ni hindi ko nga alam kung nasaan nasi Bren. Pati order ng order itong lalaking ito. Gusto ko ng umuwi kung s'ya lang naman ang kasama ko dito at makakausap. "Wala kabang kasama?" Tingin ako ng tingin sa oras ng cellphone ko dahil baka hindi na ako pag-buksan ng pinto ni Mama! "Ah meron. Sila," Tinuro n'ya 'yung mga lalaking kumakanta sa unahan. "Eh bat hindi mo sila samahan?" Tanong ko. Hinahanap ko parin si Bren dahil baka naisama na 'yun ng kung sino. "Wala. Gusto ko dito eh," Inirapan ko nanaman s'ya. Masyado na s'yang madaming nalalaman. "Hindi kaba nagsasawa sa kakairap mo sakin?" Tanong n'ya. Pati ba naman 'yon? "Ikaw? Hindi kaba nagsasawang mag salita?" Tinaasan ko s'ya ng kilay. "Tanggalan kita ng bibig dyan eh." Hinawakan n'ya ang bibig n'ya. Akala n'ya naman gagawin ko 'yon. "Hala wag naman," Tumawa s'ya. "Sige magsalita kapa." Gustong-gusto kona umuwi pero hindi konaman matangpuan kung nasaan ang babaeng 'yon. Saan nakaya napunta 'yon. Eh parang wala nanaman dito eh. "Bawal talaga ako magsalita?" Tanong n'ya pero hindi ko s'ya pinapakinggan dahil patuloy parin ako sa paghahanap ka'y Bren. Gustong-gusto kona umuwi! "Huy," Pangungulit nito saakin. "Anoba? Ma'y hinahanap ako!" Medyo mataas ang tono ng boses ko kaya naman ay medyo nagulat s'ya doon. Pero wala akong pakelam kung nahimatay pa s'ya sa gulat dahil ayoko s'yang kasama o katabi. Nasan naba kasi si Bren? Wala akong dalang pera, Pano ako makakauwi nan. "Sino ba?" Tanong nito sa mahinahong boses. "Si Bren. Kaibigan ko." Bakit ang daming tanong ng lalaking ito? Kilala n'ya baga ako? "Ah si Bren," Nagtataka ako kung bakit kilala n'ya si Bren. Pero hindi 'yon ang problema ko ngayon. Kailangan ko ng makauwi! "Gusto ko ng umuwi," Tapat kong sabi. "Edi umuwi ka," Sinamaan ko s'ya ng tingin ng sinabi n'ya 'yon. Nanadya ba ang lalaking ito? Nakakasakit ng ulo kausap eh. "Joke, Bakit hinihintay mopa 'yung kaibigan mo? Eh pede kanamang umuwi mag isa." Meron s'yang point. Pero wala akong pamasahe. "Wala akong dalang pera," Tinignan ko s'ya. Tumango lang s'ya sakin. Tinignan ko s'yang lumapit sa kasamahan n'ya at ma'y binulong ng kung ano dito. Eh wala naman akong pake dun dahil sa mga oras na 'toh ay umuwi lang ako gusto ko. Bumalik naman ang lalaking 'yon sa upuan. "Hahatid nakita pauwi," Nagulat ako sa sinabi n'ya. Pero umiling ako. "Ayoko nga. Baka kung saan mopa ako dalhin," Inirapan ko nanaman s'ya. Medyo masakit nadin ang mata ko pero okay lang. "Eh pano ka makakauwi?" Tanong n'ya. Ewan ko din. "Basta. Hindi mona problema 'yun." Tatayo na sana ako ng bigla n'ya nanaman akong pinigilan. Masusuntok kona talaga 'tong lalaking 'toh. Nakakairita eh. "Bakit nanaman?!" Sigaw ko. "Wag mokong sigawan," Sabi n'ya sa mahinahong boses. "Wala akong gagawing masama sayo, Maniwala ka." Wala akong choice kung hindi ay pumayag nalang. Eh parang nakaalis na si Bren sa bar eh. Lintek na 'yun. Kung alam ko lang ay sana hindi nalang ako sumama ka'y Bren. Nakita ko ang BMW n'yang sasakyan. Mayaman pala s'ya? Sana manlang walang gawing masama ang lalaking ito sakin. Kung hindi ay masusuntok ko talaga s'ya ng wala sa oras. Sumakay na ako don. Malalaman n'ya pala kung saan ako nakatira kapag hinatid n'ya ako. Pero wala na akong nagawa dahil sobrang pagod na ako kahit nakaupo lang naman ako don at uminom ng kunting shot. Wala ako sa mood mag-bar eh. "Anong pangalan mo?" Tanong n'ya habang nagmamaneho. "Bakit?" Tanong ko pabalik. Tinanggal ko 'yung maong jacket ko at nilagay 'yun sa likod na upuan sa likod. "Wala lang." Tumawa s'ya. "Shunny Aelia Andrada." Full name ko 'yun. "Shunny? Anong nickname mo?" Kulang nalang itanong n'ya kung ilan kaming magkakapatid at kung sino ang mga magulang ko sa dami n'yang tanong. "Eh kung sungalngalin ko kaya 'yang bunganga mo?" Nagtaas ako ng kilay. Andami-daming tanong eh. "Joke lang," Tumawa nanaman s'ya. Nakakairita s'ya. "Hindi moba tatanungin kung ano ang pangalan ko?" Dagdag n'ya. Nagpakilala nga s'ya sakin kanina na ang pangalan n'ya ay Riley. "Hindi." "Apollo Riley Mariano," Ngumiti s'ya sakin habang nagmamaneho. Mariano? Baka kapangalan lang. "Pangit naman ng pangalan mo," Napatawa ako sa sarili ko. "Mas maganda ka kapag nakatawa," Sabi n'ya. "Maganda parin ako kahit hindi nakatawa." Totoo naman eh. Mataas ang self confidence ko noh. Nanahimik s'ya. Kanina palang ay tinuro kona ang tamang daan sakanya papunta sa bahay namin. Para wala na s'yang dahilan para kausapin ako. Naalala ko si Bren, Iniwan baga ako! Matapos ang pagtitiis na kasalimuha ko ang Riley na 'toh ay nakadating na kami sa bahay. Wala ng masyadong tao dahil medyo hating-gabi na. Diko nga alam kung pagbubuksan ako ng pinto ni Mama eh. "Wala manlang thankyou jan?" Sabi n'ya habang nakasandal sa kotse n'ya. "Ikaw kaya 'yung nagpumilit na ihatid ako. Pero thankyou." Ngumiti ako sakanya. "Hoy," Tawag n'ya ulit. "Ano nanaman?" Gusto ko na talagang humiga sa kama at matulog. Sigurado akong hindi makakapasok si Bren bukas dahil hang-over. "Ifollow kita i********: hah," Ngumisi s'ya sakin. "Ayoko. Baka maging basher pa kita," Tumawa ako. Pero syempre joke lang 'yun. Kailangan ko din ng madaming followers na maglilike ng posts ko noh. Pero alam konaman makakalimutan n'ya din ako. Alam kong hinatid n'ya lang din ako. Kaya hindi masyadong bigdeal sakin kung kilala n'ya na ako o hindi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD