"Masyadong mainit. Wag mokong isama!"
Reklamo ko ka'y Bren. Niyayakag n'ya kasi ako pumunta sa bar malapit, Kaso ayoko naman. At ma'y gagawin din ako sa bahay.
"Choosy mo. Sa loob ng bar hindi sa labas noh," Inirapan n'ya ako ng mata. Natawa ako dahil nag-effort pa s'yang puntahan ako sa school ko para lang yakagin ako mag-bar.
"Ma'y gagawin ako sa bahay eh," Sabi ko. Nasa labas kami ng school ko. Kumakain kami ng kwek-kwek. Libre n'ya 'yon dahil binigyan daw s'ya ng allowance ng tita n'ya.
"Anong gagawin mo?" Tanong n'ya. Kapag kasi awas ko ay tinutulungan ko si mama mag-luto, Inaalagaan ko din 'yung mga kapatid ko.
"Tutulong ako sa bahay," I sighed. Bumili ako ng dalawang palamig para samin.
Palagi kaming nagkikita ni Bren dahil ang school n'ya ay halos katabi lang ng school ko. Si Ashie at Rein naman ay parehas ng school. Yayamanin 'yung dalwang 'yon eh. Pero minsan nagkikita-kita naman kaming apat kapag lunch-time.
"Ganon ba?" Ani Bren. "Pero gabi pa naman 'yon," Dagdag nito. Napa-isip ako dahil kanina pa ako kinukulit ni Bren na samahan ko s'ya sa bar na sinasabi n'ya. Sabagay, Hindi n'ya maaaya sindq Ashie at Rein dahil strikto ang mga magulang nila.
"Ita-try ko." Napangisi s'ya sa sinabi ko. Tuwang-tuwa dahil ma'y kasama na s'ya sa kalokohan n'ya.
Namasahe lang ako pag-uwi. Buti nga ay ma'y natirang baon sakin kung hindi ay mapipilitan akong umuwi ng naglalakad. Susubukan kong agahan at tapusin agad ang mga gawain sa bahay para masamahan ko si Bren sa nasabi n'yang bar.
Ng makarating ako sa bahay ay kita ko na agad ang mga kapatid kong naglalaro sa salas. Nasa kusina naman si Mama, Nagluluto.
"Andyan na si Ate!" Sigaw ng mga kapatid ko. Sobrang tuwang-tuwa talaga ang mga ito kapag dadating ako. Ganon ako kaganda, Hahaha!
"Ate," Narinig kong lumapit sakin ang Senior-high kong kapatid, Si Sean. S'ya ang sunod saakin.
"Bakit?" Tanong ko. Alam na alam kona kapag tatawagin ako ng isang 'toh eh.
"Ma'y field trip kami.... Kailangan magbayad...." Sabi ni Sean.
"Tinanong mona si Mama?" Tanong ko.
"Oo," Nag-iba ang ekspresyon ng mukha n'ya sa kaninang masaya ngayon ay malungkot na. Alam kona agad ang sasabihin n'ya kapag ganon. "Wala daw pera eh." Sabi n'ya sa mahinang tono.
"Kailangan ba talaga 'yan?" Tanong ko.
"Oo teh," Tiningnan n'ya ako sa mata. "Bababa ang grades ko pag hindi ako nakasama. Pati madami daw project na ibibigay si Mam...." Nag-iwas ako ng tingin.
"Gagawaan ko ng paraan." Ngumiti ito at napangiti nadin ako. Pumunta na ulit ito sa salas para gumawa ng assignment.
Napabuntong hininga nalang ako dahil hindi alam kung saan kukuha ng pera sa pang-bayad sa field trip na sinasabi ni Sean. Siguro manghihiram nalang ako.
Pinuntahan ko si Mama sa kusina. Nag-luluto s'ya para sa ititinda n'ya para bukas. Ayon lang ang pinagkakakitaan para mapakain kami. Kaya nga talagang kailangan kona maka-graduate para matulungan si Mama dito sa gastusin sa bahay.
Nilinis ko ang bahay. Tinulungan konadin si Mama. Kanina pa ako tinetext ni Bren kung pede nadaw ba kaming lumakad. Eh hindi pa nga ako nakakaligo eh. Tutulungan kopa 'yung mga kapatid ko sa assignments.
"Teh idrawing mo ako ng bahay," Tinawag ako ng bunso kong kapatid na si Savina. Grade 3 palang s'ya.
"Sige."
Sa aming magkakaibigan ay totoong ako ang magaling mag-drawing. Kaya simula high-school palang ay ako na ang inaasahan ng mga kaibigan ko sa mga bagay na 'yon. Si Ashie ang magaling mag-solve ng math. Talaga namang duduguin ka kapag iniexplain sayo ng babaeng 'yon ang tamang calculation. Sabi n'ya ay tinuro lang naman daw s'ya.
"Ayan tapos na," Ngumiti ako. Medyo pinangitan kopa ang drawing ko para masabi talagang drawing ng isang bata. Iba 'yon sa pinapagawa samin noh.
Mag-papaalam muna ako ka'y mama na aalis ako dahil baka ma'y ipapagawa pa s'ya sakin. Ayoko namang isipin n'yang puro gala lang ang inaatupag ko at hindi ang pagtulong sakanya.
Patuloy parin nasa isip ko ang pang-bayad sa field trip ni Sean. Mas lalong malaki ang gastos kapag hindi sumama at hindi nagbayad.
"Ma pede ba akong sumama ka'y Bren?" Pagpapaalam ko sakanya. Hindi naman talaga ako aalis ng basta-basta lang. Baka hanapin ako.
"Saan?" Tanong n'ya. Pero hindi ko aaminin na sa bar ang tungo namin dahil baka hindi pa ako payagan. Kanina pa kasi ako kinukulit ni Bren sa text kung makakasama ba ako o hindi. Pero sinabi ko sakanya na sasama ako.
"Ah sakanila lang," Pagsisinungaling ko. Tumungo lang s'ya at pinagpatuloy ang pagkekwenta ng pera. Ayon siguro ang kinita n'ya ngayong maghapon.
Naligo na ako dahil mag-gagabi nadin. Ayoko namang paasahin si Bren dahil umoo na ako sakanya. Mahirap na baka hindi ako ilibre non kapag nagtampo pa!
Nagsuot lang ako ng red na dress. Kita ang cleavage kodon kaya nag-suot pa ako ng maong na jacket. Nag lagay din ako ng liptint para naman maayos ang mukha ko papunta doon. Tinext ko si Bren kung saan kami magkikita. Sabi n'ya ay kakaunin n'ya nalang daw ako dito samin.
"Ate san ka punta? Angas mo ah!" Ano Sean. Napatawa lang ako sakanya.
"Binola mo pa ako," Sabi ko.
"Basta hah? 'Yung field trip." Ngumisi s'ya saakin at naglakad na papunta sa kwarto n'ya. Hindi ko s'ya sinagot doon dahil hindi kopa sigurado kung kanino ako makakapangutang.
Maya-maya ay dumating na si Bren. Nag taxi s'ya. Kaya sa labas kona s'ya hinintay para hindi na s'ya papasok sa bahay. Pati mahirap nadin baka matanong pa ni Mama kung saan ang lakad namin.
"Ayos mo girl hah," Ani Bren habang naglalagay ng lipstick sa labi n'ya.
"Talaga," Inirapan ko s'ya ng mata at agad naman s'yang tumawa. Nakatingin lang ako sa salamin ng taxi. Iniisip ko parin kung anong ipang-babayad doon sa sinasabi sa akin ni Sean. May babayaran din kasi kami sa school ko. At posibleng hindi ako makaka move up kung hindi ko 'yon mabayaran. Eh priority kopa naman sa ngayon ang makapag-tapos para matulungan si Mama.
Hindi ko namalayang nandito na pala kami sa bar na kanina pang sinasabi sakin ni Bren. Ma'y mga iba't ibang mga ilaw at madaming tao dito. Naririnig ko din na ma'y bandang tumutugtog sa loob. Hindi pa kami nakakapasok ni Bren ay halata na sakanyang excited na excited s'ya.
"Madami bang boys jan?" Tanong ko. Pero syempre nagbibiro lang ako dahil meron akong iniisip.
"Sobra." Napatawa nalang ako dahil hinila na ako ni Bren paloob. At syempre ma'y body guard na nagbabantay. Akala n'ya naman minor pa ako. Ganon naba talaga ako kaganda? Joke.
Hindi kona masyadong marinig si Bren ang pinagsasabi sakin ni Bren dahil sa ingay ng tao pati nadin ang bandang kumakanta. Ni wala nga akong gana pero kailangan kong ipakita ka'y Bren na ayos ako. Sanay kasi s'ya o sila na nakikita akong masaya, Kahit minsan acting lang naman 'yon.
Pumunta ako sa harap para panoodin ang bandang kumakanta. Medyo pamilyar ang face features ng isang lalaking nasa harap, Kumakanta. Lumingon ako ka'y Bren na ngayon ay ma'y kausap na. Napatawa nalamang ako dahil namana n'ya ang pagka-maharot ko.
Maharot naman talaga ako. Hindi lang masyadong halata ngayon dahil meron lang akong pinagdadaanan. Binigyan ako ng baso ng isang foreigner. Gwapo s'ya. Pero parang wala talaga ako sa mood para makipag landian sa mga ito.
"What's your name?" Sabi n'ya sa English accent nito. Aba kalahi pala n'ya si Ashie.
"I'm Shunny," Ayon ang madalas kong sinasabi sa mga lalaking gusto makipag friends sa akin. Hindi kasi alam ng mga kakilala ko ang first name ko kaya ayun ang sinasabi kong pangalan kapag ma'y nagtatanong.
"Nice to meet you," Ngumiti s'ya saakin. Pero naiirita ako at ayaw ko makipag usap kahit kanino man. Umalis ako sa inuupuan ko. Pero naramdaman kong hinahabol ako ng lalaking foreigner na 'yon. Hindi naman ako nakikipag-habulan.
Dahil sa pandalas-dalas ko ay nakabangga tuloy ako. Pero kasalanan n'ya din dahil alam n'ya ngang nagmamadali akong takbuhan ang foreigner na 'yon ay makiki-harang pa s'ya sa daan. Kaya hindi ako himingi nag tawad.
Tumingin ako sa lalaking nabangga ko. Nagulat ako ng ito pala 'yung kaninang kumakanta sa harap na inakala ko pa ay kamukha ng isa sa mga kaibigan ko. Sino nga 'yun?
"Ako nga pala si Riley." Sabi n'ya.