Hindi Akin Yan
Patuloy akong lumalaban para sa kanya. Handa akong gawin ang lahat , nagmamatapang ako na mas higit pa sa kapeng barako para lang sa kanya. Handang lunukin maging ang tinik dahil mahalaga ka.
Tubong Laguna ako at lumaki sa hirap . Isa sa mga pangarap ko ang maging doktor upang magamot ko ang aking ina na may katarata. Ginapang ko ang aking pag-aaral kahit mahirap kinaya ko. Kahit malayo ako sa pamilya ko titiisin ko makapagtapos lang ako.
Nag-aral ako sa mga kilalang paaralan dito at maging sa ibang bansa. Dami kong nakilalang mga tao at ang dahil din dun natuto ako ng ibat ibang wika.
Sa lahat ng tinawag na ilustrado ako ang talagang kakaiba. Binabatikos ako pero wala lang sakin yun. Ito ako hindi ko kailangang baguhin ang paniniwala ko matanggap lang ako ng iba.
Kagaya lang ako ng iba na nag-aaral at nagsisikap para sa pangarap pero hindi lang pala doon iikot sa paaralan ang mundo ko. Unti unti nakaramdam ako, yung pusong bato ko bigla nalang nawala at nakaramdam ako ng pagyanig ng lindol sa aking dibdib ng makilala ko ang nga babaeng magpapaligaya sa buhay ilustrado ko.
Dati si ina ko lang ang babae sa buhay ko pero nag-iba nang makilala ko si Josephine Bracken . Nakaklase ko siya kaya ko siya nakilala.
Kabigha-bighani ang ganda niya. Mayumi at mahinhin kaya karamihan sa lalaki ay idolo siya at siya din ang aking pinantasya. Paghangang kinalauan nauwi na sa pagmamahal.
May ilang babae na ring dumating sa buhay ko pero sa kanya lang ako nakaramdam lang ganito. Iba ang pakiramdam parang ang saya ko at ang komportable ko na kasama siya.
Namumutawi ang ngiti sa aking labi sa tuwing kausap ko ang binibinining ninanais ko simula nang makita ko siya. Bawat oras siya lang ang minahal ko at sa panahong ito sigurado na ako.
Hindi ko alam kung may nararamdaman din ba siya sa akin pero ako sigurado ko. Mahal ko na ang siyang katulad niya. Mahirap umamin pero saan pa ba ito pupunta kung hindi ako maglalakas ng loob. Punong puno na ng daga sa aking dibdib na sinabayan ng tsempo mg pagkabog. Nagdadalawang-isip ako ayoko kasing masayang ang lahat ng pinagsamahan namin bilang magkaibigan.
Isang araw , hindi ko na kaya nagtapat na ako at doon ko nalamang mahal din pala niya ako. Sobrang natutuwa ako at araw araw kong pinaramdam ang pag-ibig ko.
Binigay ko lahat lahat . Lahat ng luho niya binigay at nang hiniling niya maging ang katawan ko binigay ko. Wala akong tinago nang gabing yun , h***d h***d kong nilabas ang buo kong Pagkasino at ganoon din siya. Nasa tamang edad na kami kaya alam ko walang Mali sa romansang ginagawa namin.
Hindi ko napigil ang sarili ko nang minsang dalawa lang kami sa kwarto. Kinagat niya ang aking labi at hindi ko na napigilan pa gumanti ako . Inamoy-amoy ko din ang bango na mala-rosas . Nanunoot din sa akin mga kamay ang samyo ng kanyang katawan.
Ang init , pawis na pawis na ako habang kumakalapag ang marupok papag na aking higaan. Nakakapagod pero sobrang nakaramdam ako ng sarap at saya. Isang gabing puno ng init at pagmamahal. Gabing siyang aking di kinalimutan.
Kinain ko any lahat lahat. Wala akong sinayang na minuto at segundo sinulit ko ang gabing kalasingan namin. Ninamnam ko ang init.
Matapos ang gabing iyon nagsama na kami sa isang bahay kasama ang tiyo ko.
Lumipas pa ang buwan , may pinagtapat siya sakin . Kinakabahan at pautal-utal pa siyang nagsasalita.
"Hindi ako dinatnan" saad niya.
Kinabahan ako dahil naalala ko ang nangyarinsa amin ng isang gabi. Pero nakakapagtaka at nagsulputan ang mga katanungan sa aking ulo.
"Paano? Paano? " Paulit ulit kong tanong sa aking sarili.
Kinabahan na ako sa mga sasabihin pa niya . Hindi ko alam kong kakayanin ko pa. Hindi ako handa.
" Buntis ako." Kasunod niyang saad .
Nang marinig ko ang mga katagang iyon unti unti nang pumatak ang luha ko dahil naalala ko malabong magbunga ang gabing romansa namin dahil ako'y katulad niyang Maria Clara.
" Si Pepe ang ama" sambit pa ng binibining minahal ko.
Tuluyan ng bumuhos ang luha ko nang malaman kong tama ang hula ko. Nasalisihan nga ako ni tiyo.