"Anong balita? Kayo na ulit?" Bungad ni Xander sa umaga ko. Inis ko syang tinignan at umiwas ng daan dahil nakaharang sya. Lumabas na din ako kagabi dahil himatay lang naman ang kaso ko.
"Pero wait, kumain kana ba?" Tanong na naman ni Xander. Tumango nalang ako kahit na hindi pa. Wala akong ganang kumain pero sinubukan ko naman.
"Salamat sa Diyos." Bulong nya at sinabayan akong maglakad. Ilang minuto lang ay nasa school na kami. Pumasok kami pero natulog lang ako. Atleast pumasok pa din diba? Papasa kaya ako sa law school na to? For sure no. Baka ibato pa nila sa akin ng report card ko kapag nagtanong ako kung bakit ako bagsak.
"Ayan, kainin mo yan lahat." Sabi ni Xander habang naglalapag ng mga pagkain sa lamesa ko. We're in a buffet restaurant now at halos lahat ata ng pagkain don kinuha nya. Napailing ako dahil sobrang dami non. Masyado silang OA. Alam ko namang kasabwat nya dito si Apollo.
"Ayoko na." I said after minutes of eating. He looked at me unbelievably.
"Sampong kutsara lang yung sinubo mo!" He said and looked around na akala mo may pinagtataguan.
"Kumain ka pa, please." Sabi nya pero tinignan ko lang sya at tumayo na. Huwag nila akong maloko-loko ni Apollo.
———
"Sorry daw, huwag kana daw magalit." Biglang sabi ni Xander kaya inirapan ko sya at umalis sa harap nya.
———
"May nagpapabigay." Sabi ng isang babae at basta nalang inabot sa akin ang isang tupperware at agad na umalis. Napailing nalang ako ng makitang puro prutas ang laman non. I put it inside my bag and leave the place.
———
"Mahal ka nga kasi non, maniwala ka sa akin!" Stress na sabi ni Xander habang nakatingin sa akin. Nandito sya ngayon sa condo ko at nanggugulo.
Nagdala sya ng ulam at kanin, may mga prutas din at may gatas pa. We're now sitting on my couch habang nakatulala lang ako sa labas at hindi pinapakinggan ang sinasabi nya.
"Alam mo kasi kaming mga lalaki—."
"Wala akong pake sa inyo." Sabi ko at pumasok na ng kwarto. Bahala na syang I lock ang pinto ng dorm ko.
———
"Ikaw ba si Avabelle? Sayo daw to." Nagulat ako ng ibigay sa akin ng isang babae ang malaking bouquet ng tulips na yellow. Nakaupo lang ako ngayon sa may room habang naghihintay ng prof ng ibigay sa akin to ng babae. Hindi naman namin sya kaklase o ano.
I heard Xander laughed while looking at my shocked face.
"Bwisit." I hissed and throw him the bouquet. Kahit mahal ko pa ang yellow tulips ay hindi ako marupok.
———
"May chismis ako." Bungad sa akin ni Xander pagkapasok nya sa pad ko. Tamad ko lang syang tinignan at nanuod na. May dala na naman syang mga pagkain. Wala akong choice kung hindi kumain dahil muntik na nya akong subuan nung umayaw ako.
"Si Zenia na daw tapos si Apollo." He said and put the the foods on my table. Hindi ko sya pinakinggan at nanuod nalang.
"Hoy, seryoso ako! Andon sila ngayon sa dorm nyo dati. Hindi ko alam kung anong ginagawa nila—." Inis akong tumayo at kinuwelyuhan ang hayop na to.
I glared at him and he gulped.
"Seryoso ka ba?" I coldly said that made him smirked. Nawala iyon ng sakalin ko sya. He started coughing while nodding his head.
"Samahan pa kita!" Sabi nya kaya kinaladkad ko sya papunta sa dorm namin dati. Nang maka akyat at nasa tapat na kami ng pinto ay tinulak ko sya para buksan nya.
Naiiling nyang binuksan iyon. Napahinto sya ng makapasok kaya sumilip ako. Wala namang tao sa living room. Babatukan ko na sana sya ng makarinig kami ng tawa galing sa bedrooms.
"W-wag na tayong pumaso—." I cutted him and get in. Pinigilan nya naman ako pero mas malakas pa din sya dahil lalaki sya.
"Patayin mo nalang ako, Ava. Tara na. Uwi na tayo. Joke lang naman e." Naiiyak na sabi nya pero kinagat ko ang braso nya kaya napabitaw sya sa akin.
Nagtungo ako sa kwarto ni Apollo na nakabukas ng kaonti. Sinipa ko iyon para bumukas ng malaki kaya gulat silang dalawa na napatingin sa akin. Nakadapa si Zenia sa may carpet ni Apollo habang maraming libro sa harap nya. Habang si Apollo naman ay gulat lang na nakatingin sa akin habang nagbabasa din kunyare ng libro.
"A-avi!" Sigaw nya ng makabawi. I rolled my eyes and leave them there. Parang tutang naghihintay si Xander don pero nilagpasan ko lang sya. Pero bago pa ako makalabas ng pinto ay nahawakan na ako ni Apollo.
Hindi ako pumalag ng hatakin nya ako papunta sa kwarto ko. Of course, his girl is on his room. I rolled my eyes at the thought.
Ni lock nya ang pinto kaya bored akong umupo sa kama ko at tumingin sa kanya.
"B-Bakit ka nandito?" Hindi makapaniwalang tanong nya. I just looked at him coldly.
"Why? Bawal na ba ako dito kasi nandito na yung girlfriend mo?" Tanong ko na ikinakunot ng noo nya.
"Girlfriend? I don't have a—."
"You know what? Don't you dare deny someone. Don't make the same mistake twice." Sabi ko at tatayo na sana dahil wala naman kaming dapat pag usapan.
Naiinis ako sa kanya!
"Huh? Zenia's just a friend. She already know—."
"Friend? Kaya pala nasa kwarto mo pa. Sabagay, ako nga kapatid lang ang tingin mo pero hinahalikan mo ako." Sabi ko na nagpanganga sa kanya. He's just looking at me in shock. I rolled my eyes and tried to leave but he stopped me.
"What the heck are you saying?" Naguguluhan pa ding tanong nya.
"Open the door, let me leave." I said because he's guarding the door!
"Do you think I'll let you escape again? Not on my watch." Seryosong sabi nya. I suddenly wanted to touched his face but I stopped myself.
Hindi ako marupok.
"Listen, Zenia already knows that you're my girlfriend." Sabi nya na nagpagulat sa akin.
"Anong girlfriend? Kapatid mo lang ako!" Sabi ko na ikinairap nya. Lumapit sya sa akin ng dahan dahan na parang takot pa dahil baka tumakbo ako.
"Let's see if siblings do this." He said and I just found myself on the bed with him on the top of me.