Kinabukasan ay pumasok na kami. Nandoon na si Atty. Salasa kaya dire diretso lang akong pumasok kasunod si Xander. Hindi ako lumingon sa kung saan dahil ramdam ko ang tingin nya.
Nakatingin lang ako sa harapan buong oras ng klase—buong araw pala. Kasi naglalakad na kami ngayon palabas ng building habang nagku kwento si Xander ng kung ano ano. Hindi naman ako nakikinig pero patuloy pa din sya. Nasa iba ang isip ko. Ayoko na syang isipin kasi ayoko maging marupok!
"Kaya sabi ni Mama—." Xander was cutted while he's talking when someone appeared in front of us. I saw how Xander's eyes widened at nagtago sa likod ko. Hindi naman sya pinansin ni Apollo at nakatitig lang sa akin.
"Diba sya yung—." Bulong ni Xander habang nakaturo sa lalaking nasa harap namin. I sighed and put his fingers down. Lumiko para sana makaalis na ng humarang na naman sya.
"Ano bang kaylangan mo?" Pagod na tanong ko sa kanya. He looked at me with pleading eyes kaya umiwas ako ng tingin.
"Ikaw." He answered. Parang tanga naman si Xander na suminghap sa narinig.
"Kilala mo sya, Ava? Sabi mo nung nasa hospital, hindi mo sya kilala." Napapikit ako sa mga lumalabas sa bunganga ng hayop na to. Hindi ba sya pwedeng manahimik lang kahit saglit?!
I saw how pain crossed Apollo's eyes when he heard what Xander said. Ipaglalaban ko sana ang sarili ko at itatanggi iyon pero tumalikod na sya kaagad at naglakad papunta sa ibang direksyon.
I glared at Xander but he just looked at me innocently.
"Siguro kaya nya ako sinapak kasi gusto ka nya, tapos nagseselos sya kasi nakita nya tayong magkasama." He said while we're walking. Tumango tango pa sya na parang kinumbinse ang sarili.
Nagseselos, my ass. I rolled my eyes.
"Hindi na pala ako galit sa kanya. At tsaka hindi na din kita gusto. Pinaparaya na kita, bagay naman kayong dalawa e." Sabi nya tumango na naman sa sarili nya.
I'm just rolling my eyes at every words he's saying. Wala namang kwenta kaya bakit ba ang daldal nya?
"Oo nga pala. Kagabi kinuha na ng mga pulls yung bangkay nila F. Pero wala naman silang sinabi o ginawa. Hindi ba dapat kinakatok nila o ineembestigahan yung mga bahay?" Nagtataka nyang sabi.
I bit my lower lip when I realized what Apollo have done. I'm sure he's the one who tell that to the police. Hindi ko lang ang alam kung anong kwento ang sinabi nya.
"Sabay na tayo mag dinner." Sabi nya na inilingan ko.
"Wala ako sa mood." Sabi ko nalang at kumaway patalikod. Nang makarating ako sa dorm ay agad akong nahiga at nakatulog.
Kinabukasan, ginulo na naman ako ni Apollo.
"Hindi na ba magbabago ang isip mo?" Desperation is evident on his voice. I shooked my head and leave him.
———
"Ako yung naaawa kay Apollo ba yon? Ano ba kasing nangyari sa inyo? Break na kayo?" Xander asked while we're walking papuntang cafeteria.
"Hindi kami break, kasi wala namang kami. At kapatid lang ang tingin sa akin non. Protective lang sya kaya ka nya sinapak kasi nga kapatid nya ako at hindi dahil nagseselos sya. Ginugulo nya ako araw araw kasi nagaalala sya dahil kapatid ang tingin nya sa akin." Mahabang paliwanag ko na nagpakunot sa noo nya.
"Hindi! Listen to me, Ava ha. I can see that he likes you—loves you. Kaya nga Nagtataka ako kung break na ba kayo kasi akala ko boyfriend mo sya." Pagpipilit ni Xander. Napapagod na ako sa sobrang daldal nya kaya wala akong choice kung hindi I kwento. Hindi naman talaga ako pala kwento sa ibang tao pero na realize ko na baka time na to para magkaron ng ibang kakilala bukod kay Apollo.
"Mahal ka nga nya." Tumatango tangong sabi nya. Umirap naman ako tumayo na. Hindi nya ako naiintindihan.
"Hoy! Sandali!" Sigaw nya na rinig sa buong cafeteria kaya nagmadali akong maglakad palabas don.
"Napaka eskandaloso mo." Sabi ko ng makahabol sya sa akin. Nasa gitna kami ng field ngayon kahit na mainit dahil dito ako dinala ng mga paa ko.
"Makinig ka sa akin." Sabi nya hinawakan ako sa braso. Bored akong tumingin sa kanya at parang gusto kong matulala. Bakit nakikita ko sa kanya si Apollo?
Umiling ako at naglakad na, pero ilang hakbang palang ang nagagawa ng mawalan ako ng malay.
———
"Wala akong ginawa!" I heard someone shouted kaya napabangon ako. Sabay silang napatingin sa akin. I just looked at them and tried to remember what happened. Nasa field kami ni Xander ng mawalan ako ng malay kasi hindi na naman ako kumain. Ganon na ba kahina ang katawan ko? I sighed and decided to stand up.
Mukha silang magsasapakan pero nahinto. Sabay silang naglakad palapit sa akin at sabay sabay pa ang tanong kaya nahilo na naman ako.
"Gusto mong kumain?" Xander.
"Bakit hindi ka kumain?" Apollo.
"Narinig mo naman siguro ang sinabi ng doctor sayo dati. Kaylangan mo magpahinga at kumain. Why are you so stubborn?" Stress na sabi ni Apollo. Gusto kong mangiti kasi concern sya but I stopped myself. Hindi pwede.
"And you!" Turo nya kay Xander. Gulat namang tumingin sa kanya ang huli.
"What kind of friend are you to let her not to eat her meals?! You're always together but you just let her get sick!?" Sigaw nya kay Xander na gulat lang habang nakatingin sa kanya.
"Huh—."
"And you, woman." Harap sa akin ni Apollo kaya tinaasan ko sya ng kilay. Subukan nya lang akong sigawan ay baka ibato ko sa kanya ang vase na nasa tabi ng higaan ko.
He sighed and gently looked at me, lumapit sya ng kaunti pero hindi naman ako nadikitan.
"How can I let you live alone if you can't even take care of yourself, huh? Tell me." Hindi ko alam kung galit ba sya o ano dahil sa tono ng boses nya. Eto yung ginagamit nya sa akin nung mga bata pa kami. Mas malambing pa sa pusa.
I'm just looking at him when we heard Xander coughed.
"Una na ako, Ava." Sabi nya at nakangiting kumaway sa akin. Tinignan ko lang sya hanggang sa makalabas sya. Nang makalabas sya ay humiga na ako at tumalikod kay Apollo.
I heard him sighed.
"What have I done..."