"Enjoy your stay, ma'am." Nakangiting sabi ng babae na tinanguan ko naman. Nilibot ko ang tingin sa isang apartment. Mukhang hindi safe dito pero kaya ko naman ang sarili ko.
Umalis na sya kaya pumasok na ako sa loob. Malinis naman... I groaned when I saw the bathroom and the bedroom. Umiling ako at kinausap ulit ang babae na ayoko na pala doon. She even rolled her eyes at me!
Naghanap ako ng condo o kaya hotel sa malapit sa school namin. Ayoko namang sumakay pa ng jeep para lang pumasok, sobrang hassle non.
"This is a condo for one person only, ma'am. Go check it yourself, sabihin nyo nalang po sa amin kung nagustuhan nyo." She smiled at me and stand outside the room. Iniwan ko na sya don at ginala ang mata sa buong kwarto. Hindi ko pa din type kaya naghanap na naman ako.
I sighed because I'm already tired and I haven't find any house yet!
See? Sa sobrang dependent ko kay Apollo ay hindi ko na kayang mabuhay magisa! Nakakainis naman.
I just settled in the last condo I saw. Ayos na to. Maganda naman. Siguro ay hindi lang talaga ako sanay, pero kaya ko to!
Hindi na ako nag ayos ng gamit at naligo nalang at natulog. I remembered that I don't have any food here kaya kailangan ko pang lumabas para kumain.
I groaned and slapped myself.
"Ang lakas ng loob lumayas, tanga naman." Bulong ko at nagsuot ng hoodie bago lumabas. Gabi na kasi at kailangan ko pang kumain kung ayaw ko mamatay.
I just ate in a fast-food bago bumalik ulit sa bahay para matulog. Plano ko kasing bisitahin si Xander. I'm sure hindi pa sya nakakalabas ng hospital. I know the name of the hospital kaya less problem.
Nang magising kinabukasan ay nag asikaso na ako at tumungo sa hospital na sinabi ko sa mga lalaki nung isang araw.
"Is there a patient name, Alexander?" Tanong ko sa nurse pero nakatingin lang sya sa akin na parang hinihintay kung may idudugtong ba ako.
"What's the surname po, ma'am?" Magalang na tanong ng nurse. Kumunot naman ang noo ko at pilit inaalala ang apelido ni Xander pero pinalaki ata talaga kong ulyanin.
"Marami po kasi kaming pasyente na Alexander. Ibibigay ko nalang po sa inyo yung list tapos pakitignan if may familiar na name." Sabi ng nurse na tinanguan ko. Ang bait naman nito!
I scan the paper but no one rings a bell.
The nurse smiled at me, "Tignan nyo nalang po bawat room. Kaso ma'am, confidential po kasi yan. Baka mawalan ako ng trabaho kapag may naka alam." Problemadong sabi nya kaya tinanguan ko sya.
"Don't worry, i got you." I said before starting my journey. Nakakainis naman ang lalaking iyon! Babatukan ko talaga sya kapag nakita ko sya!
Ilang rooms ang napasukan ko pero walang Alexander na basag ang mukha akong nakita.
"Alexander Fuego, room no. 167." I whispered while looking at the doors. Binuksan ko iyong room 167 at napanganga ng makita syang nakaupo sa hospital bed habang nakatulala sa bintana. Alam kong si Xander iyon!
Pabalag akong pumasok at pabagsak din na sinara ang pinto kaya gulat syang napatingin sa akin.
"Miss!" He said and panicked. Hindi nya alam kung tatayo ba sya o ano.
I just looked at him and scanned his body. Gumagaling naman na ang mga sugat nya kaya tumango ako.
"I just visited you because I thought you're already dead." I said that made his eyes widened.
"Oo nga pala! Kilala mo ba yong lalaki na yon? Tangina, may balak ata syang patayin ako!" Sumbong nya, gusto kong matawa pero hindi ko ginawa ko at umupo nalang sa isang couch.
"Hindi ko iyon kilala. Pasensya kana." Sabi ko na ikinatango nya.
"Siguro baliw lang, o kaya nagwapuhan sa akin kaya ako sinapak." Pagkumbinse nya sa sarili nya. Putok kasi ang labi nya, may black eye sa mata, at halos maging pasa na tinubuan n) mukha yung mukha nya.
"Did you ate already?" Tanong ko dahil mukhang hindi pa sya lumalabas dito. At wala ding dumadalaw.
He smiled and shooked his head, "Ayokong lumabas dito." Sabi nya at tumingin na naman sa bintana. I immediately understand what he means.
Lumingon ulit sya sa akin at tinitigan ako, "Parang may nagbago sayo." Sabi nya habang nanliliit ang mga matang tumingin sa akin. Sinubukan nya pang ilapit ang mukha.
"Parang may nagbago talaga e, ayos ka lang ba?" He suddenly asked. Hindi ako sumagot at tumingin lang sa kanya.
"Ako dapat ang nagtatanong nyan." He laughed at my answer and pointed at me.
"Tama! Wala kang expression at walang sigla ang boses mo. Para kang patay." Sabi nya na halos irapan ko.
"Bilisan mo na at lalabas na tayo dito." Pag inform ko sa kanya na ikinalaki ng mata nya.
"Ayoko umalis dito!" He said but I shooked my head.
"Huwag kang matakot sa kanila, ako ang bahala sayo." Sabi ko at naglakad na palabas.
"Babalik ako bukas. Kakakausapin ko na din ang doctor mo para makalabas kana." I said. Aangal pa sana sya ng isara ko na ang pinto. Uuwi na sana ako ng maalala na hindi pa pala sya kumakain. Napailing ako at bumili ng prutas at lunch para sa kanya. Dinamihan ko na din para sa dinner nya.
Nakakainis naman kasi ang Apollo na iyon, ako tuloy ang nako konsensya sa ginawa nya.
Bumalik ako sa hospital ng dala ang mga pagkain. Umakyat ako sa room nya at nilapag iyon sa lamesa. Tulog sya na ikinailing ko. Ang bilis naman nakatulog nito?
Bumaba na ako at nagtanong sa mga nurse kung sinong doctor ng hayop na yon. Sabi naman nya ay pwede ng lumabas si Xander pero sya ang may ayaw kahit na pwede na. Hinayaan nalang daw nila dahil nagbabayad naman ng hospital bills.
I shooked my head and decided to go home.
Tinatamad akong kumain kaya nahiga nalang ako at pinagiisipan kung papasok ba ako bukas. Ayoko naman maging pabigat kay Apollo dahil hindi na nga ko tumutulong sa mission dadagdagan ko pa sya ng problema sa buhay.
Nakahiga lang ako sa kama ng makarinig ako ng katok kaya walang gana akong naglakad papunta sa pinto. Umayos ako ng tayo at napaatras ng makita si Apollo na kakatok sana ulit.
"Avi, please. Come home to me."