MAGDAMAG na laman ng isipan ni Ysabelle si Margarette at ang mga sinabi nito. Kung nakatulog man siya sa kakaisip ay hindi na niya alam pa. Maging ang pagkain ng tanghalian at hapunan ay hindi na niya nagawa pa. Hindi rin niya nais makasalubong o makita ang binata. Hindi pa kasi niya alam kung paano pakikiharapan ang lalaki. Gusto niyang mag-pretend na lang sa harap nito na okay lang sa kanya, na hindi siya aasa. Ngunit nang umaga ring iyon ay hindi na niya kinaya ang gutom kung kayaʼt lumabas na siya ng silid. Nasisiguro naman niyang wala na ang binata sa bahay at nakaalis na putungong farm. Paglapit niya sa refrigerator ay may nakadikit na note roon. 'That night was very special. I missed you.' Luke Nakaramdam ng munting kiliti ang puso ni Ysabelle sa maiksing mensahe na iyon

