Chapter 1
Chapter 1
ISANG sulyap pa ang ginawa ni Amanda sa tapat ng isang whole body mirror bago lumabas ng kanyang kuwarto. Sheʼs wearing an office attire. A classic white stripes and stretchable navy blue dress. Above the knee ang haba at medyo fit sa kanya pero dahil stretchable ang tela ay komportable naman. Lalong lumabas ang pagiging mestiza niya at balingkinitang katawan. She paired her dress with a three inches heeled white silver shoes. Hinayaan niyang nakalugay ang hanggang balakang na buhok. She doesnʼt care if itʼs too long. Sabi nga ng kanyang ama ay hindi na niya pa kailangang paglaanan ng mahabang oras ang sariling buhok. Her hair is naturally black, thick and slightly curled. And she was proud that she inherit it from her late mother.
'Amen,’ usal niya sa isip.
Her mother died when she was just two days old. Nasa sinapupunan pa lamang siya ng ina nang matuklasan ang sakit nito. Lung cancer daw. Ang sabi pa ng doktor na sumuri sa kanyang ina ay maliit ang chance na mabuhay sila pareho kung ipagpapatuloy pa rin ang pagbubuntis nito. Pero dahil umiral ang pagiging pusong ina ng mama niya ay ipinilit pa rin nitong buhayin at mailuwal siya nang maayos sa mundo. Kahit na ang kapalit niyon ay ang mawala ito.
Kahit mayaman sila ay walang nagawa iyon sa buhay ng kanyang ina. Isa ang mama niya sa mga magpapatunay na hindi mabibili ng pera ang buhay.
She took a deep breath. Saka tinungo na ang pinto ng kanyang kuwarto. She went straight to the dining area. Kaagad nagsalubong ang kanyang mga kilay sa dinatnan.
'Bakit ang tahimik? Nasaan sila?' Naitanong niya sa sarili.
Awtomatikong napadako ang tingin niya sa relong pambisig. Itʼs already seven thirty in the morning which means, nasa dining area na dapat ang kanyang Papa at Tita Elaine.
Tinungo niya ang kusina ngunit ni isang kasambahay ay wala siyang nakita roon. Maging ang mayordomang si Manang Soledad ay wala.
'Ano ba ang meron at wala ni isang tao rito sa bahay?' Muling tanong niya sa sarili.
Napalingon siya sa entradang pinto ng kanilang bahay. Automatically, she covered her mouth because of shock. Nangilid ang luha niya dahil sa saya. Sumalubong sa kanya ang ama na si Sebastian Cordova na may hawak na cake sa magkabilang kamay nito. Nasa likod ng ama sina Manang Soledad at Tita Elaine. Kasunod ng mga ito ang dalawa pa nilang kasambahay at ang driver ng pamilya na si Mang Robert.
“Happy birthday, happy birthday... Happy birthday to you!” Magkakasabay na kanta ng mga taong nakapaligid sa kanya.
She hugged her father tight and kissed him on the cheek. “Ginulat niyo ako. Akala ko kung nasaan na kayo,” sabi niya na hindi maiwasang lumuha dahil sa tuwa.
Because she was so busy managing the company, she forgot that itʼs her birthday today. Ni hindi na nga niya maalala kung kailan siya huling nakapag-relax.
Sheʼs already twenty-three years old and she was so determined to help her father to run their business. Ang Cordovaʼs Make up and Cosmetics Company. Na minana pa ng kanyang ama sa ama nito. Buong buhay ng kanyang ama ay dito na inilaan. Kaya lalo pang lumawak ang kompanya. May mga branch na sila sa ibaʼt ibang bansa.
Katuwang din nito ang kanyang Tita Elaine sa pamamahala ng kompanya. Ang tiyahin rin niya ang nagsilbing ina mula pagkabata niya at malaki ang pasasalamat niya rito dahil doon. Because of her Tita Elaine, she didnʼt feel inadequate. Her aunt was also patient in guiding her on how to run the company. Hinahangaan din niya ito pagdating sa pakikitungo sa ibang tao. Bukod sa ama niya ay mahalaga rin ang tiyahin sa kanya.
“Blow your cake na, hija.” Masiglang pukaw ng tiyahin sa kanya.
She closed her eyes and whispered a wish and gratitude for her another year of existence. Her only wish is for her family to always be well.
Binati rin siya ng iba pa niyang kasama sa bahay.
“Maraming salamat sa inyo,” taos sa pusong sabi niya kina Manang Soledad at niyakap din ang matanda.
Isa rin ito sa mga sumubaybay sa kanyang paglaki. Tatlong dekada na ring naninilbihan sa kanila ang matanda. Mas pinili na lamang nitong manilbihan sa kanila kaysa sa mag-asawa at bumuo ng sariling pamilya. Katwiran ng matanda ay masaya na raw ito sa kung anoʼng buhay ang mayroon ito. Para na rin namang pamilya ang turingan nila sa isaʼt isa.
Nang umaga ring iyon ay masaya silang nag-almusal at nagkwentuhan. Matapos kumain ay nagpaalam na ang tiyahin niya na mauuna nang pupunta sa trabaho. May kailangan pa raw itong gawin bago i-meet ang mga investors na manggagaling pa sa bansang Italy.
“So, paano? Mauuna na ko sa ʼyo, hija? Pag-usapan na lang natin mamaya kung ano magiging result ng meeting ko with Mr.Lincoln,” sabi nito saka bumaling ng tingin sa kanyang ama. “Kuya, aalis na ko. You take care. Okay?” bilin pa nito.
Kailan lang kasi ay isinugod nila sa hospital ang Papa niya. Sa edad na limampuʼt limang taon ay hindi mababakas na tumataas na rin ang altapresyon nito. Masyado kasing masiyahin at masigla ang ama. Mahilig din itong kumain ng mga pagkaing mataas sa cholesterol. Na kahit anoʼng bilin na huwag itong kakain ng mga bawal ay hirap ang ama na sundin iyon.
Ang tsokolateng kulay ng mata ng kanyang ama ay siya niyang namana. May matipuno pa rin itong pangangatawan sa kabila ng edad. Aminado si Amanda na pagdating sa ama ay spoiled siya. Ngunit hindi niya iyon inaabuso. Alam pa rin niya ang limitasyon sa ama.
Mga ilang minuto pa ang lumipas at nagpaalam na rin siya rito, “Pa, aalis na rin po ako.” She kissed him on the cheeks and said, “I love you, pa.”