Guys, ito, ha. Aaminin ko, may pagka-Marites talaga ako. Hindi ko man sadyain pero talagang ’yong signal ng tenga ko ay masasabi ko ring kakaiba kaya may mga tsismis dito sa lugar namin na eh, kung minsan talaga ay nagagawan ko rin ng mga plot. Pero hindi ko naman ipinagkakalat talaga ’yong mga gano’ng bagay. Nai-inspired lang ako kumbaga. Ito pa mga Inday, ako kasi ’yong tipo ng taong praning. Sabi ko, bakit kaya hindi ko isulat mga naiisip kong senaryo?
Maiba ako. Hindi sa nagyayabang ako. Maraming nagsasahing maganda raw ako pero never! As in never talaga akong naniwala kasi mismong asawa ko hindi sinabi sa ’kin ’yon. Sa seven years naming pagsasama, wala talaga. Bakit ko sinasabi ’to? Wala lang. Gusto ko lang bunuin ’yong 300 to 1000 limit na “tell about myself” dito sa stary.
Masaya si Amanda Cordova sa kung ano ang buhay na mayroon siya kasama ang ama na si Sebastian Cordova at tiyahin na si Elaine Cordova. Pero isang sekreto ang malalaman niya. Dahil sa nalamang lihim ay biglang magbabago ang ikot ng kanyang mundo. Isang aksidente ang panandaliang bumura sa kanyang alaala. At nang magising mula sa aksidente ay hindi pa rin pala siya ligtas sa kamatayan. Kaya ginawa niya lahat upang maligtas mula sa nakaambang panganib.
Napadpad siya sa isang lugar kung saan nakilala niya ang hacienderong si Luke Damien Salvador. Eto ang nagsilbing savior at nagpatibok ng kanyang puso. Pero isang araw ay magbabalik ang kanyang multo ng kahapon. Basta na lamang niya nilisan ang bahay ng lalaki nang walang paalam.
Ninais man niyang balikan ito upang ipagpatuloy ang naudlot nilang pag-iibigan, hindi na maari. Nabalitaan niya kasing ikakasal na pala ang binata sa kababata nito. Lahat ng pag-asa niya ay gumuhong parang isang kastilyong buhangin sa tabi ng dalampasigan.
Ipinagpatuloy niya ang buhay hanggang sa isang araw ay bigla na lamang nagpakita sa harap niya ang binata at sinasabi nitong sisingilin siya sa lahat ng utang na loob niya rito. At dahil hindi rin siya nilulubayan ni Luke ay napilitan nga siyang magbayad sa sinasabing 'paniningil' nito at pikit-mata niyang ibinayad ang sarili, maging ang puso para sa lalaki.
Si Elysse Dela Serna ay pangalawa at bunso sa magkapatid. Subalit sa kanilang magkapatid ni Elizabeth ay mas siya ang matured at umaaktong nakatatanda. Matiyaga siya sa lahat ng pangarap at gusto niya sa buhay. Mahal na mahal niya ang kapatid dahil sila na lamang dalawa ang magkasama mula nang mamatay sa isang car accident ang kanilang mga magulang.
Upang malaman ang dahilan ng pagpapakamatay ng kanyang kapatid ay hinayaan niyang may mangyari sa kanila ng dating asawa ng nakatatandang kapatid at maikasal din dito. Doon niya natuklasan ang lahat ng katotohan pati na ang toong ugali ng ina ng kanyang asawa. Upang makuha ang hustisya para sa kapatid ay walang takot na hinarap ni Elysse ang lahat ng panganib.
Inakala ni Elysse na ang buhay may asawa ng kanyang kapatid sa piling ng lalaking matagal na niyang itinatangi ay perpekto at masaya. Halos tumigil ang kanyang mundong nang isang araw ay naisipang magpatiwakal ng kanyang kapatid at nasaksihan pa niya iyon. Hindi lubos maisip ng dalaga kung ano naging ugat ng kapatid upang piliin nitong wakasan ang sariling buhay. Upang malaman ang naging dahilan ng kanyang kapatid ay nagdesisyon siyang magpakasal kay Carson, ang naiwang asawa ng kanyang kapatid.
Sa paglipas ng panahon ay unti-unting nalaman ni Elysse ang tunay na kulay ni Celestine, ang ina ni Carson. Maging ang mga itinatagong baho nito ay kanya ring nalaman. Sa huli ay lubusan na rin niyang unawaan ang naging dahilan ni Elizabeth sa pagwawakas nito ng buhay at ngayon ay siya namna ang nanganganib sa kamay ni Celestine.
Habang unti-unting nagkakalapit ang mga puso nila Elysse at Carson ay hindi naman inaasahan ng dalaga ang biglang pagsulpot ng kanyang kapatid na inakalang patay na. Ngunit sa pagbabalik ni Elizabeth sa buhay nila ay galit agad ang ibinato nito sa kanya sa pag-aakalang sinamantala niya ang pagkawala nito. Sapagkakatong iyon ay mas pinili ni Elysse ang unahin ang sarili. Pinakinggan niya ang sigaw ng sariling puso na ipaglaban ang pag-ibig para kay Carson.
Natuklasan din ni Elysse na si Celestine pala ang dahilan kung bakit sila nagkakagulo ng kapatid. Kaagad niyang kinompronta si Celestine. Sa pagpunta niya sa babae ay hindi akalain ni Elysse na iyon pa pala ang maghahatid sa kanya sa kapahamakan. Dinakip siya ni Carlo sa utos ni Celestine bagay na hindi naman lingid sa kaalaman ng kapatid niya. Subalit, sa bandang huli ay pagsisisihan ni Elizabeth ang kanyang pagkamuhi sa kapatid bagkus ay maliliwanagan din siya sa huli dahil sa mga rebelasyong malalaman mula kay Jarren. Hihingi siya ng tulong kay Carson upang mailigtas ang kanyang kapatid mula s akamy ni Celestine.
Sa huli ay hindi nila inaasahang magbubuwis ng buhay si Elizabeth magiligtas lamang si Elysse. Matutuklasan din ni Carson ang totoo niyang pagkatao at siya mismo ang magpapakulong sa itinuring na ina sa napakahabang panahon. Sa wakas ay nauwi rin sa masayang pamilya sina Elysse at Carson, kasama si Andres.
Si Antoniette Ramos ay isang dalagang mag-isa na lamang sa buhay. Nag-iisang anak lamang siya nina Criselda at Antonio. Subalit ang buhay ni Antoniette o mas kilala sa nickname na Toni ay hindi normal gaya ng sa ibang tao. Halos kasi kalahati ng buhay niya ay panay na lamang siya tumatakas o tumatakbo sa mga taong ginawan ng kanyang ama ng atraso.
Upang tuluyang makalayo sa mula sa mga humahabol sa kanya ay nagdesisyon siyang manirahan sa isla ng Siquijor kung saan ni isa man ay walang nakakakilala sa kanya. Ngunit hindi niya inaasahan na makikitang muli roon si Elton, ang lalaking may-ari ng kotseng kanyang pinagtaguan nang mga panahong hinahanap na naman siya ng mga lalaking humahabol.
Ang pagkakaibigan nilang dalawa ni Elton ay nauwi rin kalaunan sa pag-iibigan ngunit sabi nga nila, walang sekreto ang hindi nabubunyag. Isang araw ay biglang nagpakita ang ama ni Toni sa kanyang harapan. Hindi na nag-aksaya pa ang kanyang ama ng oras. Kaagad nitong sinabi sa kanya ang totoong pagkatao ni Elton. Bagay na hindi agad pinaniwalaan ni Toni. Siya mismo ang humanap ng ibendensyang makapagpapatunay. Sa kanyang paghahanap ay natagpuan niya ang kanyang litrato sa wallet nito. Hindi rin niya sinasadyang marinig ang pinag-uusapan ni Elton at ng boss nito na si Franco. Doon ay tila siya binuhusan ng malamig na tubig. Ngunit, muli siyang nalagay sa alanganin at muli ay nailigtas mula sa kamay ng masasamang tao.
Subalit, pagkatapos niyon ay lumayo si Toni mula kay Elton dahil para sa dalaga ay hindi sila nababagay sa isa’t isa. Pinili niya ang mabuhay nang malayo kay Elton kahit at sa paglipas ng mga araw ay lalong humirap para sa kanya ang hindi makasama si Elton. Sa huli ay hindi rin niya natiis ang desisyong layuan si Elton. Muli silang nagtagpo at sa pagkakataong iyon ay nagsama sila kasama ang magiging anak nila.
Sa muling pagkikita ni Toni at Elton ay kaagad na sumambulat ang galit ni Toni sa nobyo. Nauwi sila sa pagtatalo kaya napilitan siyang umalis upang maglakad-lakad. Hindi naman akalain ng dalaga na iyon pa pala ang magiging mitsa ng kanyang kapahamakan at kamatayan naman ng kanyang ama. Basta na lamang siya dinampot ng mga kalalakihang hindi niya kilala at sa pagbalik ng kanyang ulirat ay nasa Italy na siya.
Nang makaharap niya ang talagang boss ng kanyang ama ay doon lalong napagtanto ni Toni na hindi lamang basta-bastang mga tao ito. At kahit nababalot ng takot ang kanyang puso ay hindi niya ipinakita iyon. Samantala, upang mailigtas niya ang sarili at makalimutan na ang kasalanan ng kanyang ama sa mga kaaway ay inalok siya ni Giovanni na maging asawa nito. Si Giovanni ang anak ng boss ng kanyang ama.
Bago pa man siya magdesisyon ay dumating si Elton upang siya ay iligtas. Nagtagumpay naman ito at nailigtas naman siya. Nakita niya ang ibang version ng Elton sa bansang iyon bagay na lalong tumatak sa isip ni Toni na sadyang magkaiba ang mundong kanilang ginagalawan. Hindi siya maaaring sumama rito at maging asawa ng isang Mafia Lord.
Upang makapagbagong buhay ay umuwi siya ng Pilipinas. Pinili niyang lumayo na lamang mula kay Elton. Mulin siyang nagtrabaho, nag-aral at nagkaroon na rin ng mga kaibigan. Ngunit sa paglipas ng mga araw ay ramdam ni Toni ang kakulangan sa kanya. Hinahanap-hanap niya pa rin si Elton.
Hanggang isang araw ay bigla na lamang siyang nawalan ng malay sa daan. Sa paggising niya ay mukha ni Elton ang agad na kanyang nabungaran. Kalaunan ay napag-alaman nilang siya ay nagdadalang-tao na. At dahil batid ni Toni kung gaano kahirap ang mabuhay nang hindi kompleto ang pamilya ay pinili na lamang niyang bumalik kay Elton. Higit din sa lahat ay hindi niya maitatangging mahal pa rin nila ang isa’t isa.
Teaser
Isang napakaperpektong lalaki para kay Dianna Lei Montes ang kanyang ama. Para sa dalaga ay wala nang mas hihigit pa sa buti ng karakter nito bilang asawa at ama.
Kaya nang mamatay ang ama dahil sa sakit nito at marinig ang huling habilin ay hindi talaga lubos makapaniwala ang dalaga. May malaking utang ito na dapat bayaran at siya ngayon ang ginawang pambayad utang para mabawi nila ang negosyo at para na rin hindi sila mapalayas sa kanilang tinitirahan ng ina.
Kailangan niyang manatili sa poder ng isang lalaking ubod ng guwapo at yaman ngunit ubod rin ng sama ang ugali, palagi rin itong nakasimangot sa tuwing nakikita ang dalaga. Siya si Alexander Creed.
Ngunit alang-alang sa inang may sakit ay sinunod niya kung ano ang nakalagay sa last will ng ama.
Pero habang tumatagal si Dianna sa poder ni Alexander ay natagpuan na lamang ng dalaga na may dahilan pala kung saan nag-uugat ang galit nito. Nalaman din niyang ibang utang pala ang kanyang pinagbabayaran. Utang na nagmula sa nakaraan ng kanilang mga magulang.
Dahil anak pala siya ng taong kinamumuhian ng binata at siya ang naisip nitong pahirapan. Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana. Kahit pala lubos na pinahihirapan siya ni Alexander dahil sa trato nito sa kanya ay unti-unti na rin pala nitong nakukuha ang kanyang puso.
Magagawa kayang hugasan ng pagmamahal ni Dianna ang sugat na tinamo ng puso ni Alexander sa nakaraan o magiging dahilan pa pala iyon ng mas matinding pagpapakasakit sa kanya ng binata?