
Si Elysse Dela Serna ay pangalawa at bunso sa magkapatid. Subalit sa kanilang magkapatid ni Elizabeth ay mas siya ang matured at umaaktong nakatatanda. Matiyaga siya sa lahat ng pangarap at gusto niya sa buhay. Mahal na mahal niya ang kapatid dahil sila na lamang dalawa ang magkasama mula nang mamatay sa isang car accident ang kanilang mga magulang.
Upang malaman ang dahilan ng pagpapakamatay ng kanyang kapatid ay hinayaan niyang may mangyari sa kanila ng dating asawa ng nakatatandang kapatid at maikasal din dito. Doon niya natuklasan ang lahat ng katotohan pati na ang toong ugali ng ina ng kanyang asawa. Upang makuha ang hustisya para sa kapatid ay walang takot na hinarap ni Elysse ang lahat ng panganib.
Inakala ni Elysse na ang buhay may asawa ng kanyang kapatid sa piling ng lalaking matagal na niyang itinatangi ay perpekto at masaya. Halos tumigil ang kanyang mundong nang isang araw ay naisipang magpatiwakal ng kanyang kapatid at nasaksihan pa niya iyon. Hindi lubos maisip ng dalaga kung ano naging ugat ng kapatid upang piliin nitong wakasan ang sariling buhay. Upang malaman ang naging dahilan ng kanyang kapatid ay nagdesisyon siyang magpakasal kay Carson, ang naiwang asawa ng kanyang kapatid.
Sa paglipas ng panahon ay unti-unting nalaman ni Elysse ang tunay na kulay ni Celestine, ang ina ni Carson. Maging ang mga itinatagong baho nito ay kanya ring nalaman. Sa huli ay lubusan na rin niyang unawaan ang naging dahilan ni Elizabeth sa pagwawakas nito ng buhay at ngayon ay siya namna ang nanganganib sa kamay ni Celestine.
Habang unti-unting nagkakalapit ang mga puso nila Elysse at Carson ay hindi naman inaasahan ng dalaga ang biglang pagsulpot ng kanyang kapatid na inakalang patay na. Ngunit sa pagbabalik ni Elizabeth sa buhay nila ay galit agad ang ibinato nito sa kanya sa pag-aakalang sinamantala niya ang pagkawala nito. Sapagkakatong iyon ay mas pinili ni Elysse ang unahin ang sarili. Pinakinggan niya ang sigaw ng sariling puso na ipaglaban ang pag-ibig para kay Carson.
Natuklasan din ni Elysse na si Celestine pala ang dahilan kung bakit sila nagkakagulo ng kapatid. Kaagad niyang kinompronta si Celestine. Sa pagpunta niya sa babae ay hindi akalain ni Elysse na iyon pa pala ang maghahatid sa kanya sa kapahamakan. Dinakip siya ni Carlo sa utos ni Celestine bagay na hindi naman lingid sa kaalaman ng kapatid niya. Subalit, sa bandang huli ay pagsisisihan ni Elizabeth ang kanyang pagkamuhi sa kapatid bagkus ay maliliwanagan din siya sa huli dahil sa mga rebelasyong malalaman mula kay Jarren. Hihingi siya ng tulong kay Carson upang mailigtas ang kanyang kapatid mula s akamy ni Celestine.
Sa huli ay hindi nila inaasahang magbubuwis ng buhay si Elizabeth magiligtas lamang si Elysse. Matutuklasan din ni Carson ang totoo niyang pagkatao at siya mismo ang magpapakulong sa itinuring na ina sa napakahabang panahon. Sa wakas ay nauwi rin sa masayang pamilya sina Elysse at Carson, kasama si Andres.

