bc

Chasing the Mafia Boss Lover (R-18)

book_age18+
452
FOLLOW
1.7K
READ
forbidden
possessive
sex
dominant
independent
mafia
bxg
war
love at the first sight
waitress
like
intro-logo
Blurb

Si Antoniette Ramos ay isang dalagang mag-isa na lamang sa buhay. Nag-iisang anak lamang siya nina Criselda at Antonio. Subalit ang buhay ni Antoniette o mas kilala sa nickname na Toni ay hindi normal gaya ng sa ibang tao. Halos kasi kalahati ng buhay niya ay panay na lamang siya tumatakas o tumatakbo sa mga taong ginawan ng kanyang ama ng atraso.

Upang tuluyang makalayo sa mula sa mga humahabol sa kanya ay nagdesisyon siyang manirahan sa isla ng Siquijor kung saan ni isa man ay walang nakakakilala sa kanya. Ngunit hindi niya inaasahan na makikitang muli roon si Elton, ang lalaking may-ari ng kotseng kanyang pinagtaguan nang mga panahong hinahanap na naman siya ng mga lalaking humahabol.

Ang pagkakaibigan nilang dalawa ni Elton ay nauwi rin kalaunan sa pag-iibigan ngunit sabi nga nila, walang sekreto ang hindi nabubunyag. Isang araw ay biglang nagpakita ang ama ni Toni sa kanyang harapan. Hindi na nag-aksaya pa ang kanyang ama ng oras. Kaagad nitong sinabi sa kanya ang totoong pagkatao ni Elton. Bagay na hindi agad pinaniwalaan ni Toni. Siya mismo ang humanap ng ibendensyang makapagpapatunay. Sa kanyang paghahanap ay natagpuan niya ang kanyang litrato sa wallet nito. Hindi rin niya sinasadyang marinig ang pinag-uusapan ni Elton at ng boss nito na si Franco. Doon ay tila siya binuhusan ng malamig na tubig. Ngunit, muli siyang nalagay sa alanganin at muli ay nailigtas mula sa kamay ng masasamang tao.

Subalit, pagkatapos niyon ay lumayo si Toni mula kay Elton dahil para sa dalaga ay hindi sila nababagay sa isa’t isa. Pinili niya ang mabuhay nang malayo kay Elton kahit at sa paglipas ng mga araw ay lalong humirap para sa kanya ang hindi makasama si Elton. Sa huli ay hindi rin niya natiis ang desisyong layuan si Elton. Muli silang nagtagpo at sa pagkakataong iyon ay nagsama sila kasama ang magiging anak nila.

Sa muling pagkikita ni Toni at Elton ay kaagad na sumambulat ang galit ni Toni sa nobyo. Nauwi sila sa pagtatalo kaya napilitan siyang umalis upang maglakad-lakad. Hindi naman akalain ng dalaga na iyon pa pala ang magiging mitsa ng kanyang kapahamakan at kamatayan naman ng kanyang ama. Basta na lamang siya dinampot ng mga kalalakihang hindi niya kilala at sa pagbalik ng kanyang ulirat ay nasa Italy na siya.

Nang makaharap niya ang talagang boss ng kanyang ama ay doon lalong napagtanto ni Toni na hindi lamang basta-bastang mga tao ito. At kahit nababalot ng takot ang kanyang puso ay hindi niya ipinakita iyon. Samantala, upang mailigtas niya ang sarili at makalimutan na ang kasalanan ng kanyang ama sa mga kaaway ay inalok siya ni Giovanni na maging asawa nito. Si Giovanni ang anak ng boss ng kanyang ama.

Bago pa man siya magdesisyon ay dumating si Elton upang siya ay iligtas. Nagtagumpay naman ito at nailigtas naman siya. Nakita niya ang ibang version ng Elton sa bansang iyon bagay na lalong tumatak sa isip ni Toni na sadyang magkaiba ang mundong kanilang ginagalawan. Hindi siya maaaring sumama rito at maging asawa ng isang Mafia Lord.

Upang makapagbagong buhay ay umuwi siya ng Pilipinas. Pinili niyang lumayo na lamang mula kay Elton. Mulin siyang nagtrabaho, nag-aral at nagkaroon na rin ng mga kaibigan. Ngunit sa paglipas ng mga araw ay ramdam ni Toni ang kakulangan sa kanya. Hinahanap-hanap niya pa rin si Elton.

Hanggang isang araw ay bigla na lamang siyang nawalan ng malay sa daan. Sa paggising niya ay mukha ni Elton ang agad na kanyang nabungaran. Kalaunan ay napag-alaman nilang siya ay nagdadalang-tao na. At dahil batid ni Toni kung gaano kahirap ang mabuhay nang hindi kompleto ang pamilya ay pinili na lamang niyang bumalik kay Elton. Higit din sa lahat ay hindi niya maitatangging mahal pa rin nila ang isa’t isa.

chap-preview
Free preview
Teaser
“Alam mo kung ano masakit pagkatapos ng lahat, Elton? Sinasabi ng utak ko sa puso ko na huwag kitang mahalin kasi mali at hindi puwede. Pero hindi, eh. Iba ang sinasabi ng puso ko. Na kahit ikaw pa ang Don ng letseng mafia na ’yan na nagpahirap sa ’kin sa buong buhay ko ay mahal ka pa rin nito!” Hindi halos matanggap ni Toni na ang lalaking kanyang unang minahal ay siya pa lang pinuno ng isang mafia group. Ang samahang nagpahirap sa buong buhay niya nang dahil sa perang itinakbo ng kanyang ama sampung taon na ang nakalilipas. Hindi niya lubos maisip na ang inakala niyang siguridad sa piling ni Elton ay isa pa lang pagpapanggap. In the pursuit of gaining their trust and proving his worth to be his father's substitute, Elton took on the challenge given by the leader, from the fourth family of Cosa Nostra. Pero nagbago ang kanyang layunin nang makilala at makasama niya ang anak ng taong kanyang hinahanap. In a split second, Toni captured his stone heart na ang tanging laman lamang ay ang grupong kanyang nakalakihan. Will his love for Toni change his purpose of going to the Philippines or will being a Mafia Lord still prevail over him? What would he choose? Love or war.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
4.3K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
32.0K
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
106.8K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
114.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook