Chapter 34

1240 Words

HABOL ang mga hiningang isinandal niya ang ulo sa matipunong dibdib ng binata. Hindi niya akalaing magagawa nila iyon sa loob ng kotse nang nakaupo! At nang makahuma ay marahan siyang iniangat ng binata paalis sa kandungan nito. She could feel their flesh tingling with each other as he removed her. Ilang sandali pa ay nasa ayos na sila pareho. Ngayong kapwa humupa na ang init ng kanilang mga katawan ay ano na ang susunod na mangyayari? Siya ba dapat ang unang magsalita at itanong kung bayad na ba siya sa malaking pagkakautang? Ang nakabibinging katahimikan ay nawala nang pumailanlang ang tunog ng phone ng binata. Mabilis naman nitong sinagot iyon nang mabasa kung sino ang nasa kabilang linya. “Oo, pauwi na ko... Sige, sa bahay na tayo mag-usap... Pakisabi, nami-miss ko na rin siya.”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD