WALA sa loob na sumandal si Regine sa backrest ng passenger seat ng sasakyan ni Rajed nang dumukwang ito para abutin siya. Hindi siya pinansin ng lalaki. Hinawakan nito ang suot niya sa bahagi ng dibdib. Awtomatikong hinawakan niya ang bisig ng lalaki para pigilan ang kung anumang gagawin nito. "Open ang isang button mo," kaswal na sabi ni Rajed. Isasara lang pala nito ang butones ng kanyang suot. Ilang segundong hindi nito inalis ang tingin sa mga mata niya habang isinasara nito ang butones kaya na-tense na naman siya. Kaswal na binawi ni Rajed ang kamay pagkatapos. Isinunod nitong ikabit ang kanyang seat belt. Gusto sanang magpasalamat ni Regine pero hindi niya matagpuan ang sariling boses. Kung kanina sa private office nito ay sinakop siya ng bango ng lalaki, ngayon naman sa loob ng k

